"Pwede mo namang sabihin na ayaw mo ko na nandito. Hindi yung idadahilan mo pa kapatid mo." Jasmin said. Inayos niya yung gamit niya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.



"Hey... it's not like that. Sobrang thankful nga ako sayo kasi kahit busy ka with your work, hindi mo nakakalimutan na bumisita sakin. It's just that..." Huminga ako ng malalim. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba kung ano yung gusto kong sabihin.



"It's just that?" Ulit na sabi ni Jasmin habang naka harap sakin. Naka-cross pa yung arms niya at naghihintay ng sagot mula sa akin.



"It's just that... ayoko masanay ulit." 



I looked away. Not wanting to look at her.



"Masanay saan? Lily, can you please... sabihin mo na nang deretso yung gusto mo sabihin. Do you want me here or not?" Jasmin said impatiently.




"I want you here, okay? I want you here by my side 24/7. Gusto ko lagi kitang nakikita kasi dun lang ako kumakalma. But... but ayoko na masanay na lagi kang nandiyan. Ayoko na masanay ka na lagi akong nandito."




Kita ko sa mukha ni Jasmin ang pagkalito. Hindi ba niya ako naintindihan?




"Eh ano naman kung masanay ka na lagi akong nandito? Edi masanay ka. Kasi wala naman na akong balak umalis."




Kikiligin ba ako?




"Wala kang balak? Eh bakit aalis kana kanina?" I joked.




Jasmin roll her eyes and said. "Duh! Nagpapabebe lang ako kanina. Tsaka, anong sinasabi mo na ayaw mong masanay ako na nandito ka? Hindi ka aalis. You'll get better. I'll do anything that I can to help you feel better, okay?"





As days passed by, tinupad nga ni Jasmin yung sinabi niya. Bumibisita pa rin siya sakin despite of her busy schedule. Minsan, salitan sila ni Vince ng pagbisita sakin. Ngayon, si Vince yung nandito.




"You okay? Kanina ka pa tahimik." I asked Vince nung inilabas niya ako sa Balcony namin para magpahangin saglit.




"Huh? Oo naman. Dami ko lang iniisip. You know... work stuff." Vince said sabay upo sa tabi ko.



"Is that it? Nag away ba kayo ni Jasmin?" Tanong ko ulit. Hindi kasi ako sanay na ganiyan si Vince eh. Wala siya sa sarili niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko. He seem off.





"Nah, I'm okay. Wag ka mag alala, hmm?"




Nagkwentuhan lang kami ni Vince tungkol sa work niya pero hindi mawala sa isip ko kung bakit parang iba ang kinikilos ni Vince ngayon. I badly wanna know kung ano problema niya.




"You sure you're okay, Vince? It's bothering me. I'm here to listen." Sabi ko.



"I don't think I can tell you this." sabi ni Vince.




"Why? It's okay if you don't want to tell me-"




"Jasmin told me everything." Hindi manlang pinatapos ni Vince yung sasabihin ko.




"Everything?" Bigla akong kinabahan. Kaya ba tahimik siya? Galit ba siya sakin? Break na ba sila?




"I'm not mad, Ly. You don't have to pretend." Vince said. Hindi daw siya galit pero bat ang seryoso niya.




"I'm sorry, Vince. Hindi ko naman gusto itago sayo 'to pero kasi..."




"Pero kasi si Jasmin yung may ayaw na sabihin sakin. I knew everything na Lily. Simula nung una."



LOVE is BLIND (ON GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें