Chapter 32 - Pableo' s experience

45 29 0
                                    

Chapter 32 - Must have been the wind





Solene





Hindi pa sumisikat ang araw ng magising ako. Wala na sa tabi ko si Ethienne at sigurado akong nag-hahanda na 'yon ng magiging agahan ngayong umaga. Naabutan kong nag-wawalis sa sala si Eithan.



"Magandang umaga ate,"  bati niya.



"Magandang umaga 'din Eithan. Nasan ang ate mo?"  Tinuro niya sa kusina. Narinig ko ang maingay na boses na nag-rereklamo mula doon.



Awtomatik na kumunot ang noo ko ng makita ko kung ano ang itsura niya. Nakasuot ng helmet habang nag-hihiwa ng sibuyas, napailing na lang tuloy ako. May diperensya na ata ang pag-iisip ng isang 'to.



"Anong kalokohan ang naiisip mo at nag-suot ka ng helmet?" Bungad ko sa kanya. Inirapan niya ako at bumalik sa ginagawa.



"Paki mo ba? haller? Nag-hihiwa ako ng sibuyas ghorl 'di ba obvious? " sarkastikong sambit niya.



"Bakit kailangan pang naka helmet?"



"Gaga, malamang para hindi ako umiyak. " Bigla naman sumulpot si nanay Emer na may dalang bayong.



"Hay na 'ko hija. Ba't ka pa nag-taka? Alam mo namang may sayad 'yan eh." Natawa ako ng kampihan pa ako ni nanay Emer, dagdag pa sa pang asar kay Ethienne.



"'Nay naman eh, ako ang anak niyo hindi ang bruhang 'yan. Humanda ka sa 'kin." Mas lalo pa akong natawa ng sugurin niya ako ng kutsilyo. Tumakbo ako sa labas, nag-habulan kami hanggang sa mapagod at siya na mismo ang sumuko.



"Che! tang'na mo teh," Ibinalandra niya sa mismong mukha ko ang gitnang daliri niya at bumalik na sa loob.



Nang madatnan ko si tatay Roel sa labas agad ko siyang binati at ganun din ang ginawa niya sakin pabalik. Nakakita ako ng walis tingting sa may bakod at agad ko iyong kinuha para mag walis. Nang matapos, naupo muna ako saglit habang nanatiling hawak ang walis. Pinag-masdan ko ang abalang bayan ng San vicente kahit na hindi pa sumisikat ang araw.



Tumitilaok na ang mga manok, senyales na isang bagong araw na naman. Karamihan ay nag-wawalis, mayroong nag-hahanda para sa pag-tatanim ng palay, may mga nag-sasalu-salo ng agahan ang nagaganap habang masayang nag-kukwentuhan ang iba. Habang nahuhulog ako sa malalim na pag iisip, napadaan si Pableo.



"Magandang umaga, mukhang maganda ang gising na 'tin ah?" Nakangiting saad niya.

Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon