Chapter 31 - Confession

50 27 0
                                    

Chapter 31 - Must have been the wind






Solene





Kinagabihan, sinundo kami ng van nina Phoenix at hinatid papunta sa Plaza de Mercedes kung saan gaganapin ang sayawan. Taon-taon ito ginaganap tuwing pista sa San vicente. Pag-dating namin sa plasa, ang daming mga palamuti ang nakakabit sa gilid ng bawat poste, makukulay ang ilaw na nag mistulang Christmas light sa gitna ng sayawan. Kahit gabi ay buhay na buhay pa rin ang plasang ito.



Marami ang dumalo, suot-suot ang mga damit pansayaw. Kanya-kanyang dala ng kapares para isayaw. Karamihan sa mga nandito ay mga teenagers, meron 'ding mga kaedad namin at meron ding mga matatanda dahil ang sayawan ito ay para naman sa lahat.



"Who's your partner?" sabay na tanong nina Gaius at Cross.



"Wala, ayos na ako dito," tipid na sambit ko at nag-katinginan sila. Maya-maya pa'y namaalam na si Cross para umidlip sa van kaya ang tanging naiwan dito ay si Gaius.



Parang may sariling mundo si Cross minsan eh. Imbes na makipag-sabayan sa trip ng barkada ayon, natulog. Si Ethienne hinila ni Phoenix at alam kong iyon na ang pag-kakataon niyang makausap siya. Kasama naman ni Montani si Cheo, Si joah, ayun nag-hanap ng babaeng kasayaw, si Cross, na tulog sa van. Si Hyde, palaging wala. Ako? heto't kasama si Gaius.



"I like you." Gulat akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mata. Tama ba ang narinig ko? Seryoso ba siya d'yan?



"Huwag ka naman mag-biro ng gan'yan. Kinabahan ako 'dun ah." Napahawak ako sa dibdib ko at tumawa ng peke.



"Sino ang nag-sabing nag-bibiro lang ako?" Natigil ako sa kakatawa at napalunok.



Seryoso nga talaga siya.



"It's not hard to like you though. You we're sweet and kind, palagi mong inuuna ang iba kaysa sarili mo. "



"Pero bakit?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mag-taka. Hindi naman siya mahirap magustuhan eh. Gwapo, Mabait, maginoo, mayaman halos lahat na nasa kanya. Bakit kaya hindi na lang siya ang nagustuhan ko?



"I don't know. All I know is like you not until when I discovered na that jerk has something for you. Nag-paubaya na lang ako sa gago kasi alam kong kakailanganin ka niya at kailangan mo siya." ngumiti siya pero naguluhan lang ako sa sinabi niya.



"S-sino?"



"That freakin' coward named Hyde Strovinstell. Only if I could punch him para matauhan 'yung gagong 'yun. He likes you, he's being confused lately." Napatingin ulit ako sa kanya.

Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon