Chapter 13 - I'll drive you home

81 43 4
                                    

Chapter 13 - Must have been the wind






Solene



"Mommy andito na 'ko!" Dinig kong sigaw ni Astria mula sa sala. Naka uwi na pala siya.


Alam kong siya iyon dahil malakas ang boses niya, pareho sila ng nanay niya. Nag-dalawang isip pa tuloy ako kung mag-babanyo pa ba ako o hindi na. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay. Hindi na ako nakapag-tiis kaya sa huli, kinailangan ko na talagang bumaba.



Naabutan ko si Astria na may kasamang lalaki. Matangkad ito ng kaunti sa kanya, medyo magulo ang buhok, may maliit na tattoo sa braso at may suot na itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nang mag-tama ang tingin namin ng pinsan ko, inirapan niya lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? na yayakapin niya 'ko?


"Oh anong tinitingin-tingin mo d'yan? May plano ka bang landiin ang boyfriend ko?" Umiling na lang ako at pumasok na sa banyo.


Pag-labas ko ng banyo, nadatnan ko sila na nakaupo sa sala kasama si Auntie habang nag-kukwetuhan. Hindi na ako nag-taka na wala si Uncle ngayon, baka nakipag-inuman sa kabilang kanto dahil iyon naman ang kadalasang ginagawa niya araw-araw. Ang mag-inom at kapag hindi ko siya binigyan ng pera, mamagalit siya.


"Hoy pag-timpla mo nga kami ng juice, bigyan mo na rin kami ng tinapay." Agad kong sinunod ang inutos ni Auntie pero pag-bukas ko sa ref nila,


Walang laman. Kahit isang tinapay wala talaga.


"Auntie, wala na pong tinapay," mahinahon kong sabi. Napatingin sa 'kin ang boyfriend ni Astria at ngumiti. Kinilabutan ako sa mga ngiting iyon, hindi ko alam kung bakit.


"Problema ba namin 'yon?" mataray na tanong ni Astria kaya napatingin rin ako sa kanya.


"Edi bumili ka, bobo." Yumuko ako ng sabihin niya iyon.


"Wala po akong pambili, Auntie." Muli siyang tumingin sa 'kin pero ngayon ay mukhang galit na siya.


"Ano? wala ka na kamong pera?" Lumapit siya sa 'kin kaya napaatras naman ako. Baka pag-buhatan na naman ako ng kamay.


"Oh isaksak mo sa baga mo. Ibili mo 'yan ng tinapay 'wag mo ibulsa." Tinapon niya sa mismong mukha ko ang isang daan at nang mahulog, agad ko iyong pinulot at lumabas na.


Pero bago pa ako makalabas ng bahay, muling nahagip ng tingin ko ang mga multong ngiti ng nobyo ng pinsan ko. Nag-sitaasan ang mga balahibo kosa hindi malamang dahilan.


"Pabili po manang." Binigay ng tindera sa 'kin ang isang supot ng tinapay.


"Inutusan ka na naman ba ni Anidda?" tanong niya pero sa halip na sumagot ako binigay ko sa kanya ang bayad at ngumiti na lamang.


"Sinasabi ko na nga ba. Napaka walang-hiya talaga. Sige na 'nak, baka saktan ka na naman 'nun." Bumalik na ako ng bahay at binigay kay Auntie ang sukli.


_ _ _ _ _ _ _ _ _



Biglang nag-ring ang cellphone ko, Si Ethienne ang tumatawag. 


["Oh, kamusta? miss na kitang bruha ka."] Napangiti naman ako ng wala sa sarili.


"Eh ikaw? kamusta?" tanong ko pabalik. Narinig ko ang pag-buntonghininga niya.


Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon