Epilogue

43 7 0
                                    

Author's Note

Thank you sa lahat ng sumubaybay sa Adventures ni Krischelle at Mr. Grim!
Sana nagustuhan nyo ang story na ginawa ko sa loob ng 5 months🖤

Epilogue

Kasalukuyan akong nakalulan sa isang bus, papunta ako ngayon sa lugar kung saan ang napagusapan namin ni Mr. Grim na magkita. I've met him 5 months ago, di ko akalaing magiging ganito kami kaclose. Napapangiti nalang ako sa twing naaalala ko ang mga panglalandi ko sa kanya, ang unang tawag ko sa kanya na Mr. Handsome Neighbor in All Black Outfit, hanggang sa naging Mr. Grim na.

Napakasaya ng pakiramdam ko sa araw na ito. Parang may kakaibang saya na umuusbong sa buong pagkatao ko.

Maya maya pa ay biglang nagsinghapan sa takot ang mga taong sakay ng bus, para silang takot na Hindi mo maintimdihan. Tulala silang manonood sa TV na kasalukuyang may nagrereport at saka dahan dahang lilingon sa lalaking army na sakay din ng bus.

Bigla ring may umusbong na takot sa buong sistema ko. Parang may naalala akong pangyayari na kagaya nito.

Teka! Ito yung nasa panaginip ko!

Hindi pwede to!

'Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng pamahalaan ang isang militar na tumakas mula sa headquarters nito, mula sa nakalap naming impormasyon, ay isa isa nitong pinatay ang mga kasamahang army, nagbanta run umano itong pasasabugin ang mga lugar kung saan may magtatangkang humarang sa kanya. Dala nito ang limang granada at isang Calibre '45 baril na ninakaw mula sa headquarters. Ako si Kristel Mae Jalmasco mula sa SBC News.'

'Ito na ba ang katapusan ko?'

Maraming tao ang bakas na ang takot sa mukha. Marami ring pilit na pinapakitang hindi sila natatakot. Ngunit sa pagkakataong ito, tanging malakas na pagtibok ng puso ko ang aking naririnig. Ito na ang katapusan kong matagal nang bumabagabag sakin. Katapusang hindi ko inaakalang masasaksihan ko sa sarili kong panaginip. Katapusang sana'y nakita at napanaginipan rin ni Mr. Grim.

Tuluyan nang nagpanic ang mga tao sa paligid ko, ngunit ang lalaking army ay nakangisi lamang na tila may nabubuong plano sa isipan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong binubura ang takot na bumabalatay sa buong pagkatao ko.

'Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga katagang binitawan saakin ni Mr. Grim, sa sandaling iyon nabuhayan ako ng pag asa.

"Mr. Grim, kung sakaling napapanagipan mo to, kailangan kita, please kailangan kita." bulong ko, "sa isang color blue na bus at malapit kami sa isang 7/11 store, 11:30 pm ang eksaktong oras." patuloy kong bulong habang nakayuko.

Patuloy na nag papanic ang mga tao sa loob ng bus. Maging ako ay hindi na rin mapakali nang unti unting tumigil ang bus na sinasakyan namin, bakas na rin ang takot sa mukha ng driver. Matapos nitong ihinto ang bus ay humarap ito sa mga pasahero, pilit nitong pinapakalma ang sarili ngunit
nababakas pa rin ang takot sa pagkatao nito.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now