Dream 8 (001's Memories)

25 5 2
                                    

        
                     500 years ago.....

Matapos ang kasal, gaya nang napag usapan ng dalawang pamilya ay sa mansyon na ng mga Montecillo umuwi si Eleanor.

Labis ang kasiyahan ang nadarama ng bagong kasal, ngunit palagi pa ring naghahari ang pangamba at kalungkutan kay Eleanor. Hindi man sabihin ni Eleanor ay batid ni Lorenzo ang kanyang nararamdaman.

Lumipas ang isang linggo at masaya at matiwasay naman ang kanilang asawa, ngunit palaging inaalala ni Eleanor ang kapakanan ng mga magulang nya lalo na't nakita na nya sa panaginip ang nakatakdang kamatayan nito at ang panaginip nyang kasangkot si Lorenzo.

Isang gabi ay napansin ni Eleanor na tila balisa at wala sa sarili si Lorenzo. Ilang saglit pa ay bumangon ito mula sa pagkakahiga at lumabas. Nang makalabas ito ay agad na sinundan ni Eleanor ang asawa. Papunta ito sa silid ng mga magulang nito. Nanatiling nakatago si Eleanor at pinakinggan ang usapan ng tatlo."Nasaan na ang iyong pangako, Lorenzo? Isang linggo na kayong kasal ngunit wala pa ring nangyayari." tila galit na sabi ng ama ni Lorenzo.

"Patawad, ama, ngunit makukuha ko rin iyon, pangako." nagmamakaawang sagot naman ni Lorenzo. Naguluhan naman si Eleanor sa mga narinig.

"Maraming paraan, Lorenzo, siguraduhin mong bago matapos ang buwang ito ay makukuha mo na iyon, kung hindi, alam mo na ang mangyayari sa asawa mo." nakakakilabot ang huling katagang binitawan ng ama ni Lorenzo. "Nag iisang anak lamang ang iyong asawa, kapag nawala ang kanyang mga magulang ay mabilis mong makukuha ang kanilang negosyo, aasahan ko ang iyong pangako Lorenzo, umalis ka na." labis na takot ang naramdaman ni Eleanor.
Aalis na sana si Eleanor nang makita sya ng nakatatandang kapatid ni Lorenzo. Nakakatakot ang mga tingin nito tila palaging nagbabanta.

"Masamang makinig sa usapan ng iba, Binibini, ah! Hindi ka na nga pala Binibini." nakangising sabi pa nito. Gulat at takot naman ang makikita sa mukha ni Eleanor. "Magiingat ka, baka sarili mong asawa ang magpabagsak sayo." biglang seryosong banta pa nito kay Eleanor. Patakbong bumalik sa kanilang silid si Eleanor.

'Alam ko na ang kapahamakang idudulot saakin ng aking asawa, kung kaya't ang magagawa ko na lamang ay maghanda.'

Maya maya pa'y bumalik na sa tabi ni Eleanor si Lorenzo, kung kaya't nag panggap si Eleanor na mahimbing na natutulog. Yumakap ito kay Eleanor saka mahinang bumulong.

"Gagawin ko ang lahat para saiyo, mahal ko, kahit ang kapalit nito'y buhay ng mga minamahal mong magulang. Sana'y huwag mo akong kamuhian sa anumang maaari kong gawin. Mahal na mahal kita, Eleanor." batid ni Eleanor na umiiyak si Lorenzo dahil sa paraan ng pagsasalita, naramdaman nya ring may tumulong luha sa mga balikat nya. Hinalikan sya nito sa noo at tuluyan nang natulog.

Muling lumipas ang isang buwan, lalong naging halata ang pagiging balisa at wala sa sarili ni Lorenzo, maging si Eleanor ay natatakot nabsa nangyayari sa kanyang asawa.

"Lorenzo, maaari ba akong bumisita sa aking mga magulang?" isang araw ay paalam ni Eleanor. Natigilan naman si Lorenzo at hindi sya matingnan ng diretso sa mata. Tila may alam ito na hindi pinababatid sa kanya.

"Hindi maaari, hindi pwede." may pinalidad sa pagkakasambit nito, bakas rin ang pagkagitla at takot sa mukha ni Lorenzo.

'Kahit hindi mo sabihin, alam ko ang iyong ginawa, mahal ko.'

Isang gabi ay muling nasulyapan ni Eleanor si Lorenzo na papunta sa silid ng mga magulang nito. Agad nya itong sinundan at nakinig sa usapan ng mga ito.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now