Dream 5

35 7 0
                                    


"Dahil..." hindi pa rin nito maituloy ang sasabihin. Mukhang tama talaga ang hinala ko kung ano sya.

"Teka, Mr. Grim. Tama ba ang hinala ko? Nakikita mo rin ba ang future deaths sa panaginip mo?" agarang tanong ko naman. Kasi iba sya eh, hindi naman sya naweirduhan sakin nung sabihin ko ang tungkol sa panaginip ko. E di malamang pareho kami ng sitwasyon. Nanatiling seryoso ang expression ni Mr. Grim. Nagtataka namang nagmamasid saamin si Mama.

"Ang totoo kasi..." ano ba to? Fill in the blank? Bat di nya pa deretsuhin ang sasabihin nya? "Oo, tama ka, n-nakikita k-ko rin ang future deaths sa panaginip ko." ayun naituloy na. Hindi naman sya dapat mabahala kung sabihin nya ang sitwasyon nya, pareho naman kami eh, kaya walang dahilan para pagtawanan o hindi sya paniwalaan.

"Bakit hindi ko sya pwedeng tulungan, Mr. Grim?" tanong ko pa. Hindi man lang ba sya kinakain ng konsensiya nya? Na kahit alam nyang may mangyayaring masama sa taong yun ay wala man lang syang gagawin?

"Hindi pwede, mas maraming kapalit ang pagtulong mo sa isa. Maaaring mapahamak ang mas nakararami." valid naman ang reason nya, pero hindi naman masamang subukang tumulong diba?

"Sabagay, pero mas maganda pa rin na may gagawin ka kaysa tumunganga lang kahit alam mo nang may mangyayaring masama sa taong yun." pagdadahilan ko pa, napatungo nalang si Mr. Grim.

"Hijo, kung ganoon mayroon ka ring napapanaginipang mga katakot takot na bagay?" sabat naman ni Mama. Tumango nalang si Mr. Grim saka nagpatuloy sa paglilinis. Napatingin naman sakin si Mama, at nagkibit balikat nalang ako.

Pagkauwi namin ay dumeretso ako sa kwarto at naligo. Na stress ako ng sobra today.

Natuwa ako nang malaman na may pareho kaming ability ni Mr. Grim, grabe itinadhana nga talaga ata kami. Ngingiti ngiti nanaman ako, iba talaga ang epekto ni Mr. Grim sakin, nakakabaliw.

Bigla namang may music na tila tumugtog sa isip ko. Nababaliw na talaga ako.

~Nababaliw, na ako saiyo
Ako'y litong lito
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sayo~

Saktong sakto yung kanta eh. Matapos maligo ay natulog na agad ako, may trabaho pa ko bukas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Muntik na syang mahuli dahil sa pinagsasabi nya. Nabahala rin sya sa paraan ng pagtitig sa kanya kanina ni Krischelle. Napanaginipan na nito ang mangyayaring aksidente sa isang missing soul. Hindi na rin sya mabibigla kung tutulungan ito ng dalaga. Sa dahilan nito kanina ay malabong makinig ito sa sinabi nya.

Hindi maaaring mailigtas muli ang missing soul na yun sa pagkakataong ito. Ang sabihin na napapanaginipan rin nya ang nakatakdang kamatayan ng isang tao ay ang pinakamagandang dahilan para mapigilan nya ang dalaga, oras na tulungan ni Krischelle ang missing soul na yun, magkakaroon ng maraming kapahamakan kay Krischelle bago ang nakatakda nyang kamatayan.

Ang aksidenteng napanaginipan ni Krischelle ay nakatakdang mangyari bukas ng umaga, nasisiguro nyang makikita iyon ni Krischelle dahil madadaanan ito ng dalaga papuntang trabaho. Kailangan nya itong pigilan para sa kapakanan ni Krischelle.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
New Day! New Way for my Mission 101. Cheret. Natapos ko na ang news na pinapagawa sakin ni Senior, and of course ngayon ko lang maisusubmit.
Paglabas ko automatic upo kaagad, mukhang masarap ang niluto ng bagets kong mother.

"Kumain na tayo, nga pala lumabas ako kanina para bumili ng sangkap. Sabi sakin ni Grim kung pwede ka ba daw nyang ihatid?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Mama. Hatid? As in?

"Talaga, Ma? Di mo ko pinaprank or something prankacious?" binatukan naman ako ni Mama at sinamaan ko naman sya mg tingin.

"Bilisan mo na, hihintayin ka raw nya sa labas." kaya't mabilis pa sa kumakaripas sa takbong kabayo ang ginawa kong pagkain saka nag sepilyo at dali daling lumabas.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now