Dream 6 (001's Memories)

33 7 2
                                    


                  500 years ago....

Sa isang malawak na lupain ng San Rafael ay nakatira ang isang dalaga na nagtataglay ng kakaibang abilidad. Marami ang takot dito, marami ang umiiwas na makasalamuha ito. Marahil ay takot na mapanaginipan ng dalaga ang kanilang kamatayan.

Magmula pagkabata ay mayroon na itong kakayahan na masaksihan ang mga paparating na kamatayan ng tao sa pamamagitan ng panaginip. Sa tuwing napapanaginipan ng dalaga ang kamatayan ng isang taong kakilala nya ay agad nitong babalaan ngunit ginagawa lamang itong katatawanan ng iba.

Hanggang sa isang araw ay napanaginipan ng dalaga ang kamatayan ng mga magulang nya. Sobrang takot at kaba ang namayani sa dalaga ng mga oras na iyon. Hindi nya rin mabigyan ng babala ang kanyang mga magulang sa kadahilanan na maging ang mga ito ay hindi rin sya pinapaniwalaan.

Ang pamilya ng dalaga ay kilala bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar. Kung kaya't pilit na itinatago ng kanyang mga magulangbang dalaga sa publiko dahil sa kakaibang abilidad nito.

Sa kanilang paniniwala, ang sinumang tao na malapit sa dalaga ang syang nasasaksihan nitong mamatay sa panaginip kaya walang sumusubok na makipagkaibigan sa dalaga.

Isang araw ay nagkaroon ng pagpupulong sa bahay ng dalaga, mga megosyanteng mayayaman ang dadalo sa nasabing pagpupulong. Itinago naman ang dalaga sa kanyang silid at hindi hinayaang makalabas. Hindi napigilan ng dalaga ang mapahikbi, maya maya pa'y may kumatok sa kanyang silid, kabilin bilinan ng kanyang magulang na wag syang lalabas o magbubukas ng pinto.

Kung kaya't ipinagsawalang bahala na lamang nya ang narining. Paulit ulit itong kumatok sa pinto saka nagsalita.
"Naririnig ko ang iyong hikbi, Binibini. Batid kong nariyan ka sa loob, maaari mo ba akong pagbuksan ng pinto?" dinig nya ang boses ng isang binata. Ang binatang ito ay anak ng isang mayamang negosyante na kasama ngayon sa pagpupulong. Sa boses at paraan ng pananalita nito ay mababatid mong ito'y may taglay na kabaitan at maginoo. "Binibini, ikaw ba'y ayos lang?" muling tanong ng binata. Sa pagkakataong iyon, ang dalaga'y tila nabuhayan ng pag asa. Dahan dahang binuksan ng dalaga ang pinto, sumilay naman ang magandang ngiti sa mukha ng binata. Hindi maitatangging humangabang binata sa taglay na kagandahan ng dalaga, gayon rin ang dalaga, batid nitong sya'y napaibig ng binata sa unang pagkikita.

Tila estranghero ang pakiramdam na iyon sa parehong panig. Bakas ang pag iyak sa mukha ng dalaga, namamaga ang mga mata, at may mga luha pang bakas sa mapupulang pisngi nito.

"Binibini, maraming salamat at ako'y iyong pinagbuksan. Ngunit tila ikaw ay may dinadamdam, maaari ko bang malaman?" nagmamalasakit na tugon ng binata. Napailing naman ang dalaga saka tiningan sa mata ang binata.

"Maraming salamat sa iyong malasakit, Ginoo, ngunit tiyak na ikagagalit ni ama na masilayan ka ngayon sa aking silid." tugon ng dalaga. Napatango naman ang binata saka matamis na ngumiti.

"Sana'y masilayan kitang muli, Binibini. Paalam." tugon rin ng binata saka naglakad na pabalik kung saan nagaganap ang pagpupulong.
Magmula nang araw na iyon ay hinanap hanap na ng dalaga ang presensiya ng binata ngunit makalipas ang ilang linggo ay wala siyang nasilayang bakas ng binata. Abala rin ang kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng negosyo kung kaya't malaya syang nakapaglalakad sa kanilang bakuran. Lahat nang dumadaan sa kanilang bakuran ay agad na lumalayo kapag nasisilayan ang dalaga.

Ang pamilya ng binata ay kilala rin bilang isa sa mga mayayamang negosyante sa kanilang lugar, ngunit marami ring nakakaalam na ang naging susi ng tagumpay ng mga magulang nito ay nanggaling sa maruming paraan, maraming negosyante ang bumabagsak dahil sa maruming paraan na ginagawa ng pamilya ng binata.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora