Dream 11 (001's Memories)

19 5 0
                                    

Hindi mawaglit sa isipan ni Lorenzo ang biglaang pagkawala sa paningin nya ng nakatatandang kapatid na samantalang kausap nya pa lamang ito.

Ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang asawa ang talagang nakapag pabuhay ng galit sa loob nya, hindi nya na rin maatim ang kakaibang pakikitungo sa kanya ni Eleanor, ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal nya dito. Handa syang gawin ang lahat, wag lang mawala sa kanya si Eleanor.

Nang mapag isa muli si Lorenzo ay agad nya muling nasulyapan si Rolando, ang nakatatandang kapatid na may kakaibang ngisi.

"Oh, aking kapatid, napagisipan mo na ba ang hinihingi kong pabor? Maaari ko bang hiramin ang iyong asawa?" talagang sinusubok nito ang kakayanan nya sa pag papasensiya.

"Kuya Rolando, hindi ba't kabulastugan at kataksilan ang iyong hinihinging pabor," nagpupuyos sa galit na usal nya.

Ngumisi ng mala demonyo ang kapatid nya. "Tandaan mo mahal kong kapatid, ikaw rin ang mismong gumagawa ng hukay para sa iyong pinakamamahal mong asawa, iwasan mo ang malalim na pag iisip, baka mabaliw ka na ng tuluyan," nakangising banta pa nito sa kanya.

Kahit anong nais nyang saktan ang nakatatandang kapatid ay hindi nya magawa dahil batid nyang sa simula pa lang ito lagi ang pinapaboran ng kanilang mga magulang dahil sa kakaibang kakayahan umano nito na kailan man ay hindi nya nalaman.

Umalis si Rolando nang may mababakas pa ring ngisi ng pagbabanta at insulto sa mukha.

Sa mga oras na iyon nangangamba si Lorenzo na baka mas lalong manguna ang galit sa puso nya kaysa sa pagmamahal nya sa asawa.

Humahanap lang ng magandang tiyempo si Eleanor kung paano at kailan nya sasabihin ang mga nasaksihan nya sa panaginip tungkol sa mga magulang nito. Batid nyang magagalit si Lorenzo, ngunit susubukan pa rin nyang kumbinsihin ito.

Hindi nya naman namalayan na nakamasid sa kanya si Rolando, agad siyang natakot sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, mula ulo hanggang paa habang may nakasilay na ngisi sa mga labi.

Kailanman ay hindi sya naging komportable sa paraan ng pagtitig nito lalo na sa malagkit at may pagnanasang paraan.

"Ang ganda mong pagmasdan, Binibini," nakangising sabi pa nito habang hindi inaalis ang mga titig nito sa kanya. "Kailan kaya papayag ang iyong asawa sa pabor na hinihingi ko? Hindi na ako makapaghintay," nakangisi pa ring usal nito saka marahang umalis. Muling umusbong ang kakaibang takot sa pagkatao ni Eleanor. Anong pabor ba ang hinihingi nito?

Lumipas ang dalawang araw at patuloy pa rin sya sa pag hahanap ng tiyempo. Nang isang gabi ay tila maayos ang pagiisip ni Lorenzo, kung kaya't naisipan na nyang sabihin dito.

"Lorenzo, may nais sana akong sabihin sayo," nakaupo ito sa kanilang higaan at nakatungo na tila may malalim na iniisip.

"Kung iyong sasabihin na iiwan mo ko, pakiusap huwag, hindi ko kakayanin," may nagbabadyang luha na sa mga mata nito nang mag angat nang tingin sa kanya. Agad nyang nilapitan ang asawa saka marahang niyakap.

"Hindi kita iiwan, may nais lang akong sabihing babala para sa iyong mga magulang," desididong sabi pa ni Eleanor, kahit alam na nya na ang mangyayari sa kanya kapag natapos ito, handa pa rin syang subukan ang makakaya nya upang kumbinsihin ito.  Hindi magiging sagabal ang panaginip nya tungkol sa sariling kamatayan para bigyan ng babala ang magulang nito, gagawin nya pa rin kung ano ang nararapat kahit buhay nya pa ang kapalit.

"Ano iyon?" seryosong tanong sa kanya ni Lorenzo.

"Aking nasaksihan sa aking panaginip ang kamatayan ng iyong mga magulang," kinakabahang pag amin ni Eleanor, kaagad namang nabakas sa mukha ni Lorenzo ang pagkagulat, "paniwalaan mo sana ako," ang gulat na mukha ni Lorenzo ay agad napalitan ng galit. Tumayo ito at lumayo sa kanya at walang habas na dinuro sya nito.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat