Dream 4

40 8 0
                                    


Sa ngayon ay panatag na ang loob ko, nalagpasan ni Mama ang kamatayang nakatadhanang mangyari sa kanya nung gabing yun. Pero sa pagkakataong ito alam kong maghahanap na ng ibang dadaluyan ang agos ng pangyayaring pinigilan namin.

Araw ng Linggo ngayon, kaya tutulungan ko muna si Mama sa restaurant namin maghapon. Tuwing linggo ay sa restaurant lang ako lagi.

Napanaginipan kong pupunta rin sa restaurant namin si Mr. Grim, kaua naeexcite talaga ako, lalo na ngayon na parang nag iiba na yung pakikitungo nya sakin. Feeling ko lumelevel up na ang relationship namin.

"Hoy, Chel! Bilisan mo na nga ang pagsuot ng sapatos na yan, may pangiti ngiti ka pa." sigaw sakin ni Mama habang nakahawak na sa door knob. Tumayo ako saka lumapit sa kanya nang malaki pa rin ang ngiti. "Ano bang nangyayari sayong bata ka?" nagtatakang tanong pa nya. Humawak ako sa magkabilang balikat nya saka niyugyog si Mama habang nakangiti pa rin. "Ano ba? Tumigil ka nga." Natatawang sabi ni Mama.

Sobra talaga ang tuwa ko kapag nalalaman Kong makikita ko nanaman so Mr. Grim. Ewan ko ba, may something sa kanya eh.

"Kasi, Ma. Pupunta mamaya sa restaurant si Mr. Grim." malaki ang ngiting sabi ko pa habang hawak pa rin si Mama. Grabe, adik na ata talaga ako Kay Mr. Grim slash Mr. Handsome Neighbor in All Black Outfit.

"Eh ano naman kung pupunta sya? Nakuu Chel, kawawa talaga boypren mo sayo." tatawa tawa pang sabi ni Mama saka tinapik ang kamay ko. Napanguso ako sa sinabi nya, nag explain na nga ko eh. HINDI KO BOYFRIEND ANG WALANG MODONG LAWYER na yun. Nag papadyak ako palabas ng bahay at nakanguso pa rin. Pag kalabas namin ay sakto ring lumabas si Mr. Grim kaya automatic na ngumiti ako, syempre hindi pwedeng bangag ang itsura ko. Naka all black nanaman sya at may hawak na parehong itim na sombrero at envelope. Akmang isusuot na nito anh sombrero nang mag angat ito ng tingin samin, ibinaba nya naman kaagad iyon, na para bang yun ang pinaka akma na dapat nyang gawin. Weird.

"Goodmorning po." pilit ang ngiting bati nito saamin. Mukhang may nangyaring di inaasahan. Nevermind. May Mission ako ngayon.

Mission 101: Landiin si Mr. Grim.

"Morning Mr. Grim, wala ka bang naiwan na apron or something?" napatingin naman sakin si Mama saka ako binatukan. " Ma, ano ba nagtatanong lang eh." kakamot kamot na sabi ko. Nag make face lang si Mama saka bumaling kay Mr. Grim.
"Pasensya ka na hijo, marami atang nasinghot na Katol tong si Chel, kung ano ano ang pinagsasabi." natatawang sabi ni Mama, aba bumabanat na rin sya ah. Bumabagets na talaga Mama ko. Natawa naman ng konti si Mr. Grim, kaya napangiti na rin ako. Enebe!

"Okay lang po sanay na po ako kay Chel." nagulat ako sa tinawag sakin ni Mr. Grim. Omaygas! Chel daw? Uwu! Parang tanga naman akong napangiti ng todo. Mukhang nagulat rin si Mr. Grim sa sinabi nya kaya napakamot sya sa batok nya at awkward na ngumiti. Enebeyen! At teka, pano sya naging sanay? Eh isang beses ko pa lang naman sya nilandi ng ganun? Kaya ang ngiti ko ay napalitan ng pagtataka.

"Pano ka naman nasanay, Mr. Grim? Eh, isang beses pa lang kita kinausap ng ganun?" nagtatakang tanong ko. Nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko, may kakaiba talaga sa kanya eh, nafefeel ko. Hinila naman ako bigla ni Mama.

"Halika na nga, nakakaistorbo na tayo, may trabaho pa si Grim. Pasensya ka na talaga hijo." sabi pa ni Mama habang hinihila ako palayo. Problema nito? Eh nagtatanong lang eh. Parang hindi ako ang nakasinghot ng maraming katol, sila, silang dalawa. Hmp!

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now