Dream 3

55 9 0
                                    

  
Nang mga sumunod na araw ay naging mas maingat ako sa pagbabantay kay Mama. Palagi kong inuuna ang mga bagay na maaring maka disgrasya sa kanya. Ang batang nasagasaan sa panaginip ko ay napanaginipan ko na yun nang nakaraang buwan. Ngayon ay dinalaw ulit nito ang panaginip ko pero magkaiba na ngayon dahil kasama na kami ni Mama sa scenario ng aksidente. Nagtaka rin si Mama kung bakit ko pinutol ang buhok ko, pinagtawanan pa nga nya ang dahilan ko. Kesyo hindi naman daw yun magkakatotoo kapag iniwasan nila.
Bawat nag daang araw ay hindi nawawala ang kaba ko sa twing iiwan ko si Mama para mag trabaho. Binabalewala ko na ang ibang napapanaginipan ko, pero sinusulat ko pa rin at idinidikit sa Dream Wall.

Papasok na ako ngayon sa trabaho, maiiwan ko nanaman si Mama mag isa sa restaurant. Siguro wala namang mangyayaring masama sa kanya don.
Paglabas ko ng kwarto ay naghahanda na si Mama ng almusal.

"Ma, sigurado kang okay ka lang mag isa? Pwede naman akong umabsent sa work ko." sabi ko habang sinusuot ang white sneakers ko. Natawa nanaman si Mama sa inasal ko, araw araw ko kasing tinatanong kung okay lang siya. "Ma, palagi mo nalang akong pinagtatawanan, seryoso ako." nakapamewang pang sabi ko kay Mama. Lahat kasi dinadaan nya sa ngiti at tawa eh. Hays.

"Krischelle, walang mangyayari sakin, okay?" sabi pa nito saka sumenyas saking maupo na para kumain. Napabuntong hininga nalang ako. Hays, wala talaga akong magagawa kapag si Mama eh, hirap naman.

Matapos kumain ay deretso na akong lumabas para maglakad. Bihira naman kasi ang sasakyan kapag papasok samin. Kaya sa may labasan na kami naghihintay. Saktong pag labas ko ay lumabas din si Mr. Grim na as usual naka-all black nanaman. Dala dala niya ang black nyang sombrero at isang black envelope.

"Morning, Mr. Grim." bati ko sa kanya nang nakangiti. Ngumiti rin sya pero bakas ang pag aalinlangan sa ngiting yun.

"Morning," maikling sagot nito saka nauna nang maglakad. Sumunod na rin ako. Pansin ko rin na minsan lang siya ngumiti. Kapag naglalakad straight na straight. Ang perfect nya ata talaga.

Nakarating kami sa labasan nang wala man lang nagsasalita. Nang may dumating na taxi ay sumakay na kaagad ako. "Bye, Mr. Grim," paalam ko pa, nginitian nya lang ulit ako. Weird.
.
.
.
.
.
.
.
Susunduin na nya ngayon ang pang pitong kaluluwa na nasa listahan nya. Namatay ito dahil sa food poisoning.

Nailang sya kanina nang makita si Krischelle, mag iisang buwan na mula nung lumipat sya sa bahay na katapat nito.

Balak nyang bumisita mamaya sa restaurant nito, kahit gustuhin man nyang wag mapahamak ang ina nito ay wala syang magagawa, ito ang nakatadhana, hindi na pwedeng pigilan.

Matapos sunduin ang pang pitong kaluluwa ay dumeretso sya sa restaurant. "Magandang Hapon po, Mrs. Valderama." pagbati nya dito na abala sa pag aasikaso ng costumer.

"Oh, hijo, kakain ka ba?" tanong nito. Kinuha nya ang apron na nakasabit saka isinuot.

"Hindi po, tutulungan na kita." nakangiti nyang sinabi. Kahit papano ay nararamdaman nyang welcome sya sa mag inang ito. Kahit na parang may kakaibang nararamdaman sya kay Krischelle, pinagsawalang bahala na lamang niya iyon. Ngumiti lang ito sa kanya. Nagsimula na siyang tumulong sa pagkuha ng orders at pagliligpit.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hirap maging Journalist, pero naeenjoy ko rin naman. Nagmadali akong pumunta sa restaurant namin, kapag ganitong oras grabe na ang kaba ko.
Pagkarating ko ay patapos nang maglinis si Mama saka si Mr. Grim. Nakasuot ito ng Itim na jacket na medyo mahaba saka black na shorts. Ngiti naman ang ibinungad sakin ni Mama, habang si Mr. Grim naman ay nakatungo.

"Oh, Chel ginabi ka ata masyado ngayon. " sabi ni Mama.

"Medyo, madami po kasing balita ngayon." mukhang di ko na kailangang tumulong sa paglilinis, tapos na lahat.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now