Dream 12

20 7 1
                                    


"Ano kaya no? Sino kaya ang mga taong related sa past life natin?" nagtataka pang tanong sa akin ni Katlaine.

Meron nga bang past life? Ano naman kaya ang nangyari sa past life ko? May kakayahan ba akong makita ang kamatayan sa panaginip ko don? Hays, nakakastress. Okay, enough with the questions, Krischelle.

"Malay mo meron nga, nakakacurious no?" nakatunganga sa TV na sagot ko pa sa kanya. Bat ba ako nagkakaganito? Hindi ako to eh. Biglang nag iba ang pakiramdam ko.

Dahil pa rin ba to sa narinig ko kanina kay Mr. Grim? Hays, Krischelle dedma na nga, ma stress ka ghorl. Mamaya ko na yun isipin, sayang ang pagkain dito haha.

"Teka lang, kuha nga muna ako ng pagkain, baka nagugutom kanna," sabi pa ni Katlaine sabay tayo. Hays! Buti naman nakaramdam tong bruhang to, kanina pa ako nagugutom dito.

Nginitian ko lang siya saka nanood na ulit ng Goblin. Ang ganda nito, tsaka ang gwapo ni Grim Reaper.

Pinagmasdam kong mabuti yung Grim Reaper. Parehong pareho talaga sila ni Mr. Grim eh, mula sa pananamit, sa kulay, pati yung hat na black pareho, tsaka yung laging dala ni Mr. Grim na black envelope pareho din.

Hindi kaya.... Grim Reaper si Mr. Grim? Pero imposible naman, may pangalan sya eh. Pero teka, totoo nga ba ang mga Grim Reaper? Aguy! Isip isip din self.

Nawala bigla yung mga iniisip ko nang may maamoy akong napakabangong pagkain! Hmmm! Ang sarap ng amoy!

Hala! Tumunog yung tiyan ko hahaha.

Maya maya pa ay lumitaw na si Katlaine na may dalang tray na puno ng pagkain. Ayan na! Krischelle, attack!

"Chel! Niluto ko to kanina bago ka dumating," nakangiting sabi pa ni Katlaine habang inilalapag ang mga pagkain sa harapan ko. Omaygash! O tukso, layuan mo akoooo!

Namimilog ang mga mata ko sa mga pagkain sa harap ko. Grabe na ba talaga yung gutom ko? Pulubi ka self?

"Wala bang lason to?" naniningkit ang mga matang tanong ko kay Katlaine, ngumisi naman sya na para bang may binabalak na masama. Sinasaniban na naman ata itong bruhang to. "Hoy! Sinasaniban ka nanaman ba?!" sigaw ko naman.

Natawa naman sya. Aba! Kakaiba talaga ang sapak nitong babaeng to.

"Hahahahahah! Nakakatawa ka Chel, syempre walang lason to no, sus pinapunta nga kita dito para makabawi sa ginawa ko last time," aniya pa saka umupo na sa tabi ko.

Inirapan ko naman sya. "Batukan kita dyan eh, masarap ba to?" tanong ko pa habang akmang isusubo na ang pagkain.

"Oo! Masarap yan, may halong potassium cyanide, ilang segundo lang patay ka na," natatawang aniya. Myghad! Loka loka talaga to! Naibuga ko naman ang kaunting naisubo ko! Saka ko siya binatukan.

"Hoy! Wag ka ngang ganyan! Kainis to," tatawa tawa nanaman sya. Sino kayang sumasanib dito? Wag syang magbibiro ng tungkol sa pagkamatay, hindi dapat binibiro biro lang yunn.

Naiisip ko palang ang mga napapanaginipan ko, nakokonsensya na ako at the same time natatakot
"Kumain ka na nga lang, Chel, hindi naman ako mamamatay tao no!" sigaw naman nya sakin. Hmp! Bahala sya dyan. Kakain na ko, ang sarap naman magluto ng bruhang to haha.

"Pero, teka? May gusto ka ba talaga dun kay Lawyer na Super Duper Pangit?" curious na tanong ko.

"Ahm, ah eh, meron," naiilang pa na sabi ni Katlaine. Yayks! Tinamaan nga!

"Yayks! Andaming iba dyan, bat sya pa? Kadiri!" kadiri ka ghorl!

Inirapan naman ako ni Katlaine. "Kadiri ka dyan, ayos naman sya ah," nangingiting aniya pa, aba talagang tinamaan ang isang to. "Tsaka, buti ka nga naexperience mong maging girlfriend nya," biglang malungkot na sabi nya. Wow! Ako ang talaga ang swerte? Hmp!

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now