Dream 14

24 6 2
                                    

             
              ........1 month later........

Isang buwan ang lumipas matapos mawala si Mama ay pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Sa loob ng isang buwan ay kinumbinsi ko ang sarili ko na kailangan kong bumangon para harapin ang panibagong hamon ng buhay.

Kakagising ko lang mula sa isang napakagandang panaginip na hindi ko akalaing mapapanaginipan ko.

Dream Flashback

Lulan ng isang bus papunta sa napag usapan naming lugar ni Mr. Grim. Kakaiba ang ngiti sa mukha ko, parang may magandang mangyayari.

Matiwasay akong nakarating sa lugar at natanaw ko si Mr. Grim na nakangiti.

Nang makalapit na ako kay Mr. Grim ay agad nyang hinawakan ang kamay ko at saka kami naglakad.

End of Dream Flashback

Hayss. Kailan kaya mangyayari yun? Mama, kung nasaan ka man ngayon, tulungan mo ko ah. Sa loob ng isang buwan ay hindi nagparamdam saakin si Mr. Grim, siguro binibigyan nya ako ng oras para sa sarili ko.

Nalulungkot pa rin ako, pero kailangan kong maging matatag para sa kapakanan ko at sa ikasasaya ni Mama.

Inaabangan ko pa rin tuwing umaga ang mabangong amoy ng niluluto ni Mama, ang pagsigaw nya sakin, ang pang aasar.

Papasok na ako ngayon sa trabaho, siguro umuusok na ang tenga at ilong ni Senior dahil isang buwan akong wala sa trabaho. Ang taong bumaril kay Mama ay natagpuang patay sa loob ng kotse matapos ang ginawa nya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang iniasal ni Mama dun sa lalaking yun. Hays bahala na nga.

Nagluto lang ako ng noodles, yun lang kasi ang kaya ko eh. Hays. Kahit may restaurant kami ang obob ko sa pagluluto.

Hindi na nga rin matatawag na pagluluto to eh, nagpakulo lang naman ng tubig HAHAHA.

Matapos kumain ay agad na akong umalis. Nakakabagot na ang buhay ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang buwan na ang lumipas, at isang buwan na lang rin ang natitirang oras sa kanya. Sa ngayon ay tatlong kaluluwa nalang ang kailangan nyang sunduin, at isa na dito si Krischelle.

Sa loob ng isang buwan ay hinayaan nya na mapag isa at makapagisip isip ang dalaga.

Ngayon ay pupunta sya sa pagpupulong ng lahat ng Grim Reaper. Pag uusapan daw umano ang bagong Grim Reaper na papalit sa kanya. Usap usapan din na isa itong babae.

Nang makarating sa lugar kung saan gaganapin ang pag pupulong ay tumambad sa kanya ang higit sa isandaang Grim Repear na nakasuot lahat ng kulay itim na sombrero.

Agad syang nilapitan ng isa sa mga Grim Reaper.

"Uy, 001, maligayang pagbati sayo, isang buwan nalang at makakalaya ka na," sabi pa nito habang tinatapik tapik ang balikat nya. Pilit na ngiti naman ang itinugon nya dito.

"Narinig mo ba ang tungkol sa bagong Grim Reaper? Balita ko maganda raw," napapatulala pang usal nito. "Janna raw ang pangalan na laging sinasabi nito sa tuwing may nagtatanong," tumango tango lang siya, hindi naman sya interesado sa mga ganoong bagay. Ang mas iniintindi nya ngayon ay ang mga napag planuhan nyang gagawin nila ni Krischelle sa loob ng nalalabi nilang oras.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now