𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 24

1.8K 95 45
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂

𝗘𝗿𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗣𝗢𝗩

Naka uwi na kami dito sa condo dahil tinawagan ako ni Bry na andito daw si Dea, tuwang tuwa ako nung nakita ko si Dea.

Kumakain na kami ngayon ng dinner at kasabay namin kumain si Dea.

"Ate kamusta si Tito?" tanong saaken ni Dea.

"Okey naman sya." maikli kong sagot.

"Mamaya tatawag pala si Tita" sabi ni Kuya Jeremy, "and may gusto daw syang sabihin sayo Gale" nag taka ako kung ano sasabihin ni Mama, tumango nalang ako kay Kuya Jeremy.

--

9pm na at sa pilipinas ay 9am na, baka tumawag na maya maya si Mama

"Gale" narinig kong tinawag ako ni Kuya Jeremy habang kumakatok sa pinto kaya lumapit ako sa pinto at binuksan ko iyon.

"bakit po?" tanong ko kay Kuya Jeremy.

Inabot nya saaken yung laptop nya, kinuha ko naman ito. Iniwan ako ni Kuya Jeremy at nakita ko si Mama sa laptop.

"Hi Mama!" buong galak kong pag bati kay mama.

"Kamusta kana po?" tanong ko kay Mama.

"Kamusta si Tita?" tanong ko ulit kay Mama kase sya yung nag aalaga sa mama ni Brent.

"Okey lang kami dito anak, kayo kamusta dyan? Nakausap mona ba ang papa mo?" tanong ni Mama saaken.

Tumango naman ako at pilit ngumiti.

"Anak naalala moba nung nag kasakit ka nung bata ka?" tanong ni Mama saaken, nag taka naman ako kase bakit nya tinatanong yun.

"Opo naman, yun yung araw na iniwan din tayo ni Papa." sagot ko kay Mama.

Ngumiti lang si Mama at nag salita muli. "sya ang nag bayad sa lahat ng gastusin mo sa hospital anak, at natakot sya na baka makulong sya kase tinatakot sya nung asawa nya dyan, na oras na umuwi sya dito sa pilipinas ay ipapakulong sya. Ayaw nyang mahilaway sayo anak sa totoo lang, ayaw nyang umalis sa tabi niyo ni Bry." nakita ko na naluha na si Mama.

"Ginawa nya ang lahat para makapag padala ng pera ng patago, pilit syang humihingi ng tawad saaken, kung pwede lang ibalik yung nakaraan daw hindi na sya mag bubulakbol." sabi ni Mama at tuluyan ng umiyak, ngayong nakikita kong umiiyak si Mama ay naiyak na din ako.

"Patawarin niyo ang ama niyo anak ko, lahat ng nangyayare ay may rason." dagdag pa ni Mama.

Pilit akong ngumiti at pinunasan yung luha ko.

"si Mama pinapaiyak ako haha" pag putol ko ng eksena.

Ngumiti naman si Mama at nag punas din ng luha.

Narinig kong bumukas yung pinto ng cr dito sa kwarto ko kaya tinignan ko, at lumabas si Justine na naka bathrobe lang, nanlaki ang mata ko dahil naalala kong kausap ko si Mama.

"sige napo mama babye napo! Ingat po kayo dyan ni Tita." pag papaalam ko kay Mama.

"Sige anak babye na" pag papaalam nya din.

Agad kong binaba ang screen ng laptop dahil kinabahan ako sa suot ni Justine, e kase what if makita sya ni Mama na dito naliligo. Patay ako don.

"si Mama pala yon tapos hindi mo ako pinakausap." sabay nguso ni Justine.

"Paano kita mapapakita kay Mama e ganyan suot mo." sabay inirapan ko.

"may masama ba dito? wala naman e." bulong nya sa sarili niya pero rinig kopa din, tapos nag pout pa sya.

Kiniss ko sya sa pisnge at niyakap ko.

"Wag kana mag tampo pwede naman kausapin bukas e, tsaka may trabaho pa si Mama e." sabi ko kay Justine, niyakap nya din ako pabalik at ngumiti na.

"Kiss muna tatlo" sabay lalong lumaki ang ngiti nya.

Kiniss ko sya sa noo at sa mag kabila nyang pisnge.

"Satisfied?" tanong ko sakanya.

Ngumiti naman sya at tumango.

"then go change your clothes" sabi ko kay Justine.

Tumayo naman sya at kumuha ng damit para bumalik sa cr at mag palit.

*knock knock

may kumakatok sa pinto ng kwarto namin ni Justine at kusa itong nag bukas at nakita ko si Bry.

"bakit?" tanong ko sakanya.

Umupo sya sa gilid ng kama ko at yumuko.

"Narinig ko kayong nag uusap ni Mama Ate, totoo ba yung sinabi ni Mama?" and this time tumingin na sya saaken at nanggigilid luha nya.

Tumango ako sakanya.

"s-sana pala ate pinuntahan ko sya kanina kahit saglit lang." sabi nya na may garargar sa boses at pinipigil nya yung luha nya. "Kamusta naba sya ate?" tanong nya saaken.

"Mahina na si Papa Bry, masakit man sabihin at tanggapin pero limitado nalang yung oras nya." hindi kona napigilan umiyak.

"Alam mo Bry? kung alam ko lang na ganto yung sitwasyon ni Papa edi sana naintindihan ko sya, edi sana hindi ko sya kinamuhian simula nung umalis sya saaten." dagdag kopa habang pinupunasan yung luha ko.

Niyakap ako ni Bry kaya niyakap ko din sya, walang ibang nakakaalam ng nararamdaman ko kung hindi si Bry, si Bry lang may alam ng nararamdaman ko, sya lang nakakaintindi saaken.

--
𝗕𝗿𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗢𝗩

Andito na kami sa hospital at nasa labas na kami ng room ni Papa.

"are you ready?" tanong ni Kuya Jeremy saaken bago kami pumasok.

Tumango naman ako at ngumiti.

Ngumiti ako sa dala dala kong bulaklak at inamoy pa ito, lahat sila ay pumasok na kaya pumasok nadin ako.

Napatigil ako at parang na freeze ako sa kinatatayuan ko.

Si Papa nakangiti saaken at naiiyak, si Papa kitang kita ko yung pag hihirap nya. Rinig din yung pag habol nya sa hininga nya.

Parang may tumarak sa puso ko at hindi ako makahinga, gusto kong sumigaw, gusto kong mag wala, nahihirapan akong nakikita ko yung ama ko ng ganto.

Oh God bakit kailangan ganto yung pag kikita namin ni Papa, sobrang malas ko sa buhay ko.

Nagulat nalang ako at lumapit saaken si Ate Gale at hinimas ako, tinignan ko sya at nakita ko na umiiyak sya.

Pinunasan nya yung luha sa mga pisnge ko na ikinagulat ko dahil hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

Lumapit ako kay Papa at inabot yung bulaklak na binili ko.

"anak hindi pa ako patay pero binibigyan mona agad ako ng bulaklak." pag bibiro ni Papa.

And after so many years narinig ko ulit boses ni Papa.

"Papa im sorry, im so sorry" napaluhod na ako sa kawalan ko ng enerhiya nung nakita ko si Papa na ganto.

"i should say that" sabi ni Papa.

"Anak patawarin niyo ako, patawarin niyo akong tatlo" sabi ni Papa at hinawakan ng mahigpit yung kamy ko.

"Siguro kinakarma na ako at oras na para pag bayaran ko lahat ng kasalanan ko." dagdag pa ni Papa.

Lalo lang akong napaiyak dahil ayokong naririnig yung ganyang salita nasasaktan lang ako.

"Papa please do everything, mag pagaling ka po, please papa. Gusto ko kayo ni Mama yung kasama kong aakyat sa stage sa graduation ko. Gusto ko ikaw mag susuot saaken ng medal na matatanggap ko if meron man HAHA, gusto kong libutin yung buong japan kasama ka Papa." lalo lang akong napaiyak dahil hindi kona kinakaya na nakikita ko si Papa na ganto.

"Patawad anak kung hindi man mangyare yan." sabi ni Papa saaken.

"Papa pleasee do everything! Mag pagaling kapo please." pag mamakaawa ko kay Papa.

"Gagawin ni Papa ang lahat anak para makasama kopa kayo ng matagal." sabi ni Papa.

Destined (Book 1) | On GoingWhere stories live. Discover now