𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 14

1.7K 83 11
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂

𝗘𝗿𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗣𝗢𝗩

andito na ako ngayon sa school at may dala akong gatorade, ibibigay ko kay Bench bago sila mag laro. Dala kona rin banner kong palaban HAHA.

andito nako ngayon sa court kung nasaan ang laban, nakikita ko na pinag titinginan nila ako at nakita ko na ang pangalan ng kalaban nilang grupo mula sa ibang school. Ang pangalan ng grupong kalaban nila ay Sharnado.

Unang kalaban dapat nila ay mga senior college pero nacancel dahil sa most of the member of senior college basketball team e na injured nung nakaraang araw, ang sabi sabi ay napagtripan daw ng isang grupo at ininjured ng malala, some of them injured ang braso at yung iba binti naman or paa, nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Until now hinahanap pa din ng mga pulis yung mga gumawa nun.

Umupo ako sa malapit lang at hinihintay na lumabas ang team ng school namin.

Nag hinatay ako ng tatlong minuto at lumabas silang lima, lumapit agad ako kay Bench at iniabot ang gatorade.

"Thankyou" mahinhin na pag sasalita ni Bench at ngiting ngiti.

Nagulat ako kase ang sama ng tingin ni Justine saaken na akala mo ba ay papatayin ako pero sanay naman na ako walang bago, biglang may lumapit na babae kay Justine eto yung Bianca na nanaray saaken e.

May inabot syang juice kay Justine aabutin na sana ni Justine pero bigla kong inagaw. Nagulat sila maski ako nagulat sa ginawa ko sabay bigla kong ininom yung juice na nasa cup lang.

"Baka may lason mapapagalitan ako ni Lola kapag may nangyare kay Justine" inabot ko kay Justine yung isa pang gatorade sabay alis sa harap nila at tinapon yung cup sa trash can.

Nag tungo akong cr at nag tago doon.
"May sarili kabang buhay kamay?" pag tatanong ko sa kamay ko habang naka tingin dito. "Bat inagaw mo? abno kaba?" pag sesermon ko sa kamay ko.

*phone rings

Nagulat ako nung tumunog phone ko at may nag text

'are you jealous baby girl?'

natigilan ako sa text na natanggap ko mula kay Justine, bat parang ang sexy nung chat nya? aysh! kabanas naman grr

'after three minutes the game will start'

'don't forget your banner ha? just kidding even wala ka nun basta manood ka. Get if?!'

sunod sunod nyang pag text saaken, napapangiti nalang ako dito dahil baliw na ata ako charr!

Nakakabaliw ka Justine bat ka ganyan?! sarap mo tapon sa mars haha charr

Lumabas na ako ng cr at pumunta na ng basketball court, umupo ulit ako sa inupuan ko kanina at nakita ko na ang sama ng tingin saken ni Bianca, kahit ako din naiinis sa sarili ko wag ka mag alala Bianca.

nag simula na ang laban matapos ang madaming seremonya na ginawa namin, charr.

Nakay Justine ang bola at pinasa kay Bench, aagawin na nung Jayden (may pangalan kase sa jersey nila) pero biglang pinasa kay Bry

Kaya naman bigla akong tumayo at nakisabay sa cheer ng mga babae dito sa court na tili ng tili, para silang may fan chat. Iba iba nga lang sa bawat member, hiyaw din ako ng hiyaw ngayon.

Then nag cheer sila sa buong grupo ng spite, ako naman nakikihiyaw lang ng Go Spite G! tapos nilabas ko banner na ginawa ko for Justine

nakita nya ako na nilabas ko yun at humihiyaw ako, nagulat ako nung hindi na umalis tingin nya saaken at ngiting ngiti pa.

Destined (Book 1) | On GoingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang