𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 11

1.6K 75 7
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂

𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗢𝗩

andito kami ngayon ni Ericka sa loob ng kotse dahil ihahatid ko siya sakanila gusto ko safe sya sa pag uwi nya, ayokong may mangyare nanaman at kasalanan ulit namin diko na kakayanin kapag nasaktan patong nerd na panget nato.

mamaya na ang party para saamin ni Chesca, tinignan ko kase yung invitation na ibinigay sa mga kaibigan ko at nalaman ko na naka arrange marriage pala ako kay Chesca. Diko alam pero nasasaktan ako. Masaya ba si Ericka na ikakasal na ako? hindi ba nya ako pipigilan na mag pakasal sa kaibigan nya? aish bat nasa utak ko yang mga katanungan nayan. Nakakainis

"Justine may pusaaa!" sigaw ni Ericka kaya bigla kaming napahinto sa gitna ng kalsada, muntik kona masagasaan yung pusa na biglang dumaan, natatameme kase ako kakaisip sa panget nato e.

lalabas pa sana si Ericka pero pinigilan ko sya. "Naka-alis na yung pusa hayaan mona, di naman nasaktan e." sabi ko kay Ericka habang hawak hawak sya sa braso nya, tumango naman sya agad at umayos ng upo.

"Malapit na yung laro namin sa basketball, aasahan kita na makita dun ha?" pag puputol ko sa katahimikan.

"Pwede naman ba mag laro?" tanong ni Ericka na alalang alala.

"Oo naman kaya dapat mag dala ka banner HAHAHAHA nakalagay sa banner mo 'Go Poging Justine' tapos isisigaw mo yun" sabi ko dito sabay tawa ng tawa pero nakatingin padin sa daan.

"Puro ka kalokohan HAHA" natawa din sya sa kalokohan ko.

"Punta ka sa game ha? Manood ka ha? Dapat ikaw mag asikaso saken sa game namin abutan moko tubig tapos punasan ng pawis ganon, gaya ng pag aasikaso ko sayo ngayon" diko alam bat sinabi ko yan basta ang gusto ko nakadikit lang sa tabi ko si Ericka.

"Ginawa mopa akong maid fyi tutor mo ako hindi maid!" mataray na sabi saaken ni Ericka pero para saaken ang kyot nya kase naka pout sya, tinitignan ko sya dito sa rear mirror ng sasakyan ko.

"Pag dika nag punta mag tatampo ako sayo mga 1000 years" sagot ko sakanya sabay pout.

"Dika cute wag ka mag pout" sabi nya at bigla syang sininok HAHA cute.

"Ikaw din naman ha? e bat naka pout ka? tch" sabi ko sabay pout ulit.
"Ericka? Sorry ha?" nag lakas loob na akong sabihan sakanyan yan.

"Saan naman?" tanong nya habang nakatingin sa bintana.

"Sa lahat ng nagawa ko sayo, pangako diko na uulitin, pasensya talaga." sabi ko sakanya nang seryoso ang mukha alam ko kase na nakatingin na sya saaken.

"Okey lang yon ano kaba HAHAHA" sabi ni Ericka sabay ngiti.

"Ano ako? Pogi ako syempre" sabi ko dito sabay tawa.

"Hindi naman nakababa salamin ng kotse pero bat ang hangin?" sabi ni Ericka sabay tawa ng malakas kaya naman ako napa pout nalang.

nakarating na kami sa bahay nila Ericka at nakita ko si Bry yung itsura nya parang gulat na gulat.

"Mama andito napo ako" sigaw ni Ericka, agad namang lumabas ang mama nya sa kusina nila kaya naman si Ericka ay lumapit agad pero dinaanan lang sya ng Mama nya, at saaken lumapit ang mama nya.

"kumain kana ba iho?" tanong ng Mama ni Ericka napatingin naman ako kay Ericka sa likod ni Tita Nabi. Sabi ni Bry dati saamin na may lahi silang korean, kase daw yung Mommy ni Tita Nabi ay koreana which is yung lola nila and yung pumanaw nilang lolo ay pure filipino.

"hindi pa nga po tita e hehe" sabi ko kay Tita Nabi. Alam ko meaning ng Nabi in korean ay butterfly and bry also said na mahilig sa paro paro ang lola at lolo nya, nung bumisita daw dito sa pinas lola nya nang huhuli paro paro at nag tagpo sila ng lolo nya. How sweet just b'coz of butterfly nakatagpo mo forever mo HAHAHAHA.

Destined (Book 1) | On GoingWhere stories live. Discover now