𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 6

2.1K 95 10
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂

𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗢𝗩

sobrang nakakairita nung tinawag ako ni Ericka ng Tine si Kristal lang ang tumawag saaken ng Tine sya lang at wala ng iba.

nung sinigaw ko sya sa sobrang galit ko at nakita ko ang mukha nya na sobrang natatakot bigla akong nawala sa sarili at niyakap ko siya.

hanggang ngayon yakap ko pa din siya at naririnig ko ang mahinang pag hikbi niya. Nasaktan ako nung nakita ko na biglang tumulo luha niya di ako sanay na biglang yumayakap lalo sa babae.

pero nung nakita ko na sobrang natakot si Ericka at nang gilid ang luha niya ay napayakap agad ako.

"s-sorry Ericka" bulong ko sakanya habang yakap yakap ko pa din siya.

kumalas si Ericka sa pag kakayakap ko at yumuko sign ng pag papaalam. "Aalis na ako Justine s-sorry ulit" nauutal pang sabi nya alam kong sobrang takot sya kaya tumango nalang ako.

𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗣𝗢𝗩

habang nag lalakad si Ericka ay may naramdam siyang kakaiba na parang may sumusunod sa kaniya kaya binilisan niya ang lakad.

nang makapunta sya sa kanto at may iskenita ay doon siya tumuloy habang puro takbo at lakad ang ginagawa niya sa sobrang kaba ay natapilok siya sanhi ng pag katumba niya.

may isang lalake ang sumusunod sa kaniya , parang holdaper. Akmang aatakihin na siya ng lalake at sasaksakin sa likod sapagkat nakadapa pa sa pag kakatapilok si Ericka , pero agad ding bumangon si Ericka at napa upo nalang sa sakit na nararamdaman at nakita niya ang lalake na sasaksakin na siya wala syang nagawa kundi yumuko at pumikit nalang , ngunit may biglang yumakap sakanya

si Justine iyon na sinusundan siya simula makalabas siya ng mansion dahil alalang alala si Justine sakanya. Nasalo ni Justine ang saksak na dapat kay Ericka tinamaan sya sa likod bandang balikat , nanlaban parin sya kahit na duguan na siya hinila niya ang kutsilyo mula sa likod niya

halatang nagulat si Ericka at natatakot maski ang lalaki na balak na saksakin si Ericka ay nagulat nang sumulpot si Justine , nang makatayo si Justine at tinanggal ang kutsilyo ay agad niyang sinuntok ng buong puwersa ang lalake na nag patumda dito.

humarap si Justine kay Ericka na naka upo padin sa sahig , bakas sa mukha ni Justine ang panghihina at pag aalala kay Ericka. Dahil sa pag kakasaksak ay nawalan ng malay si Justine at napabagsak sa sahig.

𝗘𝗿𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗣𝗢𝗩

andito kami ngayon sa hospital tinawagan ko si Mama at si Bry, sobrang natatakot ako pinilit kong itayo si Justine kanina kahit masakit paa ko sakto may dumaan na dalawang mukhang mag asawa na nag lalakad sa eskenita kaya habang tumatakbo ako at nakaakbay saken si Justine e sinigawan ko sila agad para mag pa tulong.

Tinulungan nila ako na dalin si Justine sa pinaka malapit na hospital kasabay ng pag tawag ko sa pulis para papuntahin sa crime scene baka andon pa kase yung lalake e.

Nang makarating agad ako dito nag pasalamat ako sa mag asawa na tumulong saaken at tumawag ng trycicle, at tinawagan ko agad si Mama at Bry

naiiyak ako sobrang natatakot ako , bat may ganong tao. Wala akong maisip na ginawa ko sakanila , wala akong maisip na may ginawan ako ng mali bakit ganon. Nadamay pa si Justine pero thankful ako kay Justine , kase siguro sa puso ko natarak yung kutsilyo na yon kung di nya ako niyakap at sinalag ng balikat niya ang kutsilyo pero siya naman yung nahihirapan ngayon.

"excuse me? kayo po ang kasama ng pasyente?" Tanong ng doctor saaken sabay turo sa gawi ni Justine

"opo ako po , kamusta na po siya?" tanong ko sa Doctor

"malamin ang sugat at dahilan ng pag ka kulang niya ng dugo kailangan maka kuha ng dugo agad agad para ma operahan na siya." Saad ng Doctor saakin jusko anong gagawin ko. Naiyak nalang ako

"a-ano po bang type ng dugo ni Justine?" tanong ko sa doctor habang umiiyak , baka same kami ng blood type pwede ako mag donate ngayon na.

"type O siya hija" saad ng Doctor saakin , type O ako pwede ako mag donate.

"Doc ako po, type O mag d-donate po ako." sabi ko sa Doctor handa ako mag donate lalo na mukhang walang stock ng dugo dito sa hospital.

"sige ija sumama ka saaken." Tumango nalang ako at sumama sa Doctor.

lumipas ang ilang minuto pa ay dumating na din sila mama na alalang alala.

"a-anak anong nangyare sayo? okey kalang ba? ano masakit?" tanong ni mama habang alalang alala siya.

"ano ate okey kalang ba?" Tanong ni Bry halata sa mukha niya na nag aalala siya pero di niya pinapahalata.

"okey lang ako wag na kayo mag alala. Nag dodonate lang ako ng dugo for Justine." sabi ko ng nakangiti , tumingin muna ako sa kisami ng hospital at nag salita ulit. "Justine save my life, so i will repay."

"puro ka kase katangahan" sabi ni Bry na mukhang galit.

"ano kaba Bry, bat ba inaaway mo Ate mo muntik na nga masaktan ginaganyan mopa." Sabi ni mama kay Bry at hinampas niya sa balikat si Bry.

*knock
*knock

may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Binukas ni Mama at tinignan kung sino iyon , iniluwal ng pintuan ang mga pulis.

"excuse me Ms. Buenavista kailangan niyo po i report ang nangyare kanina." sabi ng pulis saaken.
"Atsaka nga po pala nung tumawag kayo at pinapunta kami sa crime scene ay wala kaming naabutan doon." Dagdag pa niya.

Kung ganon nakaalis agad ang lalake na yon bago pa siya maabutan ng pulis. Halata naman sa katawan niya na malakas talaga siya.

"nakita niyo po ba ang mukha nung sumaksak kay Sir. Lee Bum?" tanong pa niya saaken.

"madilim don hindi ko nakita ang mukha nung lalake pero sa leeg niya ay merong tattoo ng pating." Sabi ko dito sa pulis , naka suot ng cap ang lalake kaya diko mamukhaan at madilm dilim din.

"ganon poba? mukhang kasali sa isang gang ang sinasabi niyo. May ilang babae napo ang nabiktima at kapareho ng nangyare sainyo. Sa mga madidilim na lugar po talaga madalas mangyare ang ganong krimin , swerte po ng ibang babae at hindi sila ganong napupuruhan dahil may dumadaang tambay." Kinabahan ako sa narinig ko sa pulis, kung ganon marami rin palang ibang babae ang nabiktima na. Nakakapag taka lang kase sa sinabi ng pulis mukhang babae lang ang nabibiktima ng gang na iyon.

napatingin kay Mama at Bry na alalang alala.

"sige po mauuna na ako" paalam ng pulis

"Sige po maraming salamat" pag papaalam ko din sa pulis.

Lumipas ang isang oras at kalahati ay natapos na ako mag donate ng dugo. Andito ako sa labas ng kwarto kung saan inooperahan na si Justine. Andito din yung mga kaibigan niya.

"hey Gale its okey everything will be fine" sabi ni Allen saaken at hinimas ang likod ko.

"that's right , masamang damo si Justine mabubuhay pa yon wag ka mag alala at kung hindi i serve mo luha mo para sa burol" sabay tawa ng malakas ni Bench puro talaga kalohan tong mga to. Tatawa lang napaka pogi pa nakakainis. Napangiti nalang ako lalo na sa tawa ni Bench parang musika sa aking pandinig

Natapos nang operahan si Justine at nailipat na sa ibang kwarto.

--- kinaumagahan

"ummmmm" nagising ako sa sikat ng araw at ang sakit ng likod ko oo nga pala dito ako natulog sa tabi ng kama ni Justine naka yuko lang nung natulog kaya siguro sumakit ang likod ko.

tinignan ko si Justine napaka angel pala ng mukha nito kapag tulog , sana lagi kanalang tulog sabay tawa sa isip ko. Ano bang pinag sasabi ko dito naalala ko nanaman yung kagabi ano kaya magiging reaksyon ni Justine pag gising.

tanghali na at kumakain kaming lima dito sa kwarto kung nasaan si Justine nag kukwentuhan kami about sa buhay buhay si Allen pala ay may kapatid na babae at mataray kabaliktaran daw ng kaniyang ugali , sumingit bigla si Bench.

"talagang kabaliktaran e mabait naman yon si Alexa e ikaw ba? diba hindi?" sabay tawa nanaman namin bawat mag sasalita sa kanila ay sinusudlungan ni Bench ang cute niya tumawa nakaka inlove HAHAHAHA.

"why all of you are so loud?!" nagulat kami nung magising na si Justine.

Destined (Book 1) | On GoingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang