𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 7

2K 87 10
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂
𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗢𝗩

nakakainis ang ingay ingay nila. At nakakainis lalo parang wala akong maramdamang balikat andito pala ako sa hospital

naalala ko nung sinigawan ko si Ericka

*𝑓𝑙𝑎𝑠ℎ𝑏𝑎𝑐𝑘

umalis na si Ericka ng bahay namin nakalagpas palang siya ng gate di na ako mapakali parang kinakain ako ng konsensya ko sa ginawa ko kaya sinundan ko siya.

habang palihim ko siyang sinusundan ay may nakita akong lalake na sumusunod din sakanya , nasa gate palang si Ericka parang may naaninag na nga ako.

kung di ako nag kakamali feeling ko isa ito sa kalaban naming gang ang Sharnado (sharneydo) gang ang pinaka jejemon sa lahat HAHA , napaka pangit ng pangalan ng grupo nila buti pa yung grupo ko Spite gang panis sila don.

mas lalo kong sinundan si Ericka dahil don. Siguro napansin ni Ericka na may sumusunod sakanya kaya bumilis ang lakad niya , nakita kong pumasok sya sa eskenita at natapilok.

saktong nakita ko si Jayson ang isa sa myembro ng sharnado nakita ko ang mukha niya dahil sa dumaang sasakyan at nakita ko din ang tattoo sa leeg niya.

Nakita kong nag labas ng kutsilyo si Jayson at nakita kong sasaksakin niya si Ericka na kakabangon at umupo palang kaya binilisan ko ang pag lapit kay Erick at niyakap ko siya.

habang nakikita ko ang mukha ni Ericka na takot na takot mas lalo akong nainis sa sarili ko sa ginawa kong pag sigaw sakanya kanina , kaya naman binuhos ko ang galit ko sa sarili ko kay Jason walang pag dadalawang isip na tinanggal ko ang kutsilyo sa likod ko at sinuntok ng buong lakas ang mukha ni Jason na nag pabagsak sakanya.

tumingin muli ako kay Ericka at hinang hina ako nung nakita ko ang pag tulo ng luha sa mata niya , imbis na mang hina ako dahil sa pag ka-ubos ng dugo ko ay kay Ericka ako nang hina nung tumingin ako sakanya. Dahil sa saksak ng kutsilyo sa likod ko ay nawalan na ako ng malay.

*𝑒𝑛𝑑 𝑜𝑓 𝑓𝑙𝑎𝑠𝑏𝑎𝑐𝑘

At ngayon dito nga ako bumagsak sa hospital at nagising dahil sa kaingayan nila.

biglang tumayo si Ericka at nilapitan ako "okey kana ba Justine? ano masakit sayo?" tanong niya , di ko siya pinansin at humiga ulit.

dahil sakanya nasa hospital ako nakakainis.

may kumatok sa pinto at iniluwal ng pinto ang doctor.

"Mr. Lee Bum balita ko e nag b-basketball ka. At siguro na sobrang na injured ang balikat mo dahil sa pag kakasaksak, kakagaling mo palang din sa opera----" pinutol ko ang pag sasalita ng Doctor dahil nakakabagot.

"ano bang gusto niyo sabihin , sabihin niyo na agad ng derektahan." Pag susungit ko. Naramdaman kong napatingin saakin si Ericka pero diko siya pinansin.

"dahil sa injury mo ay di ka muna makakapag laro ng basketball" mabilisang salita ng Doctor saaken.
Damn it. Nakakainis!

"but we will having a tournament in other school , and also i am a captain ball!" pag sigaw ko sa Doctor. "Im first year college together with Calvin and we are the oldest member of our Team so i should be right there playing basketball!!" ano yon papakitaan ko pa naman ng nga moves ko yung mga matatandang college tapos di ako makakasama.

bumubo buo pa ako ng team nung high school para talunin yung mga mayayabang at matatandang college tapos di ako makakalaro damn it!! Hindi pwede yon.

"but as i say you cant." matigas na sagot ng Doctor nato.

"its all your fault!!" sigaw ko kay Ericka , parang sinira niya na din future ko sa ginawa niya hindi ko siya mapapatawad.

"s-sorry J-justine" nauutal na sagot ni Ericka. why would i accept her sorry at the begining its all her fault. Nakakainis

"shut up and get lost" sigaw ko sakanya sabay higa ulit. Nakakainis talaga , kinuha ni Ericka ang bag niya at umalis na.

"you should not said that to her" kalmadong sabat ni Bench.

napatingin ako ng masama kay Bench at sabing "tsk bat mo ba pinag tatanggol ha?!" nakakainis siya lang ba pwede magalit porke babae siya, siya na lahat.

"napaka sarado ng utak mo" nagulat ako sa inasal ni Bryan , siya pinaka bata saaming lima pero siya lang ang nag salita saaken non , at bigla din siyang umalis.

tumingin ako sa gawi ni Allen at Calvin napapa iling nalang sila. Bumalik nalang ako sa pag higa ko.

𝗕𝗿𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗢𝗩

alam kong wala na akong maasahang magandang maririnig kay Justine simula nung nawala sa buhay niya si Kristal.

lagi kaming nasa tabi niya nung oras nayon kase nung oras na ako ang may problema dahil sa magaling kong ama sila ang nasa tabi ko.

nung oras na nag kasakit si Mama sila ang nasa tabi ko , nung oras na walang wala kaming pang bayad ng hospital si Justine ang nag bayad hindi alam ni Ate Gale yon sinabi ko lang na may nakuha akong trabaho at bumali ako sa amo ko , buti naman at naniwala.

pero ngayon kahit na malaki ang utang na loob ko sakanila lalo na kay Justine hindi ako papayag na sigaw sigawan niya si Ate Gale , hindi naman siya pinilit ni Ate na biglang sumulpot don sa crime scence at yakapin si Ate Gale para siya ang sumalo ng saksak.

buti nga nag donate si Ate ng dugo kahit na low blood si Ate at nag risk din ang buhay ni Ate. Pero wala siyang alam don at kahit sabihin man nila Allen sakanya yon e sarado naman utak niya wala siyang pake don.

sumakay ako ng kotse ko at ihahatid ko si Ate Gale sa bahay baka mahilo pa sa daan yon , hindi pa naman yon pala sakay sa Taxi kase ang gusto niya ay nag lalakad lang.

pag labas ko ng building ng hospital ay diko na naabutan sa harapan ng hospital si Ate , baka nag taxi.

I tried to call her right now at sinagot naman niya.

"Ate where are you?" pag aalalang tanong ko sakanya.

"pauwi na ako , wag ka mag alala." sagot niya sa kabilang linya. Wala naman akong naririnig na ingay ng sasakyan baka naka sakay nga siya ng taxi.

"okey Ate , make sure na safe ka ha iloveyou Ate" nang gigilid luha ko kaya in-end kona yung call.

naawa ako kay Ate bata palang kami galit na ako sa mundo nung time na iniwan kami ni Papa , galit ako kay mama at galit ako sa ate ko.

Ayokong sumasabay sa pag kain sakanila. Ayoko silang nakikita , gusto ko mapag isa. Ni hindi nga ako nag i-iloveyou sakanila e ngayon lang kay Ate , natakot ako nung narinig ko na muntik na siya masaksak nung isa sa mga Sharnado dahil sabi nga ni Ate may tattoo na pating yung lalake.

Iisa lang naman kilala kong magaling pumatay ng tahimik e , si Jayson. Wag lang kami pag tatagpuin ng tadhana at mapapatay ko siya.

hindi ko kaya kapag nawala pa si Ate o si Mama saaken gugustuhin ko nalang talaga mawala sa mundong to kapag nag kataon.

nakarating na ako ng bahay at sinalubong ako ni Sabre yung aso namin dito.

"Sab may niluto ba si mama na cake?" tanong ko kay Sabre habang hinihimas ko ulo niya.

"aw aw awww" sagot ni Sab , syempre diko naintindihan yon kaya pumasok nalang kami.

"anak nag bake ako favorite mo strawberry flavor." Ngumiti ako kay Mama at niyakap ko siya , mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"thankyou mama , asan po si Ate?" tanong ko kay Mama.

"andon siya sa kwarto niya nag papahinga." ngumiti nalang ako at kumain ng cake.


Destined (Book 1) | On GoingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang