𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 13

1.8K 84 8
                                    

DESTINED
𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 : 𝑱𝒆𝒐𝒋𝒂_𝑬𝒍𝒂

𝗘𝗿𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗣𝗢𝗩

hanggang ngayon hindi pa din ako maka move on sa ginawa ni Justine lalong lalo na si Cesca, hindi ko alam reason nya bat nya ako sinampal.

Si Cesca ang kaisa isahan kong kaibigan, walang gusto makipag kaibigan saaken kase panget daw ako baka mahawaan ko daw sila, kahit na hindi naman nakakahawa yun. Mga gunggong e

"Anak tulala ka nanaman." pag tawag saaken ni Mama kaya naman napangiti nalang ako. Kumakain kase kami ngayon ng agahan tutal wala namang pasok kase sunday naman ngayon, kahapon buong araw ako andito sa bahay hindi ako lumalabas tamang muni muni lang sa kwarto hehe.

Natapos na kami kumain at naligo na ako para pag tapos ko maligo makapag basa basa nalang.

30 mins din ako nag babad sa pag ligo ko at ng matapos akong maligo ang magaling na aso ni Bry na si Sab pumasok pala sa kwarto ko at nakita ko na naka higa sya at tulog na tulog sa higaan ko, nakadagan pa sya sa damit kong pamalit at ang mas malala naihi pa don. Yawang aso tong feeling baby bato?! Hindi manlang gumising para umihi sa higaan kopa.

Kaya naman kahit na naka tuwalya lang ako ay lumabas ako ng kwarto at may hawak na cartolina, ipapang pukpok ko sa magaling na amo ni Sabre!

Narinig ko ang tunog ng pinggan sa baba kaya naman bumaba ako at dali daling pumunta sa kusina, sakto naman ay lumabas si Bry sa kusina pero may naririnig padin akong kalansing ng mga pinggan baka si mama yun, hinampas ko agad sa ulo si Bry ng ilang beses sa inis ko.

"yung aso mo inihinaan yung higaan ko! Ikaw mag laba ng bed sheet ko pati yung damit ko na inihian ng magaling mong aso!" sigaw ko kay Bry at hampas ulit

"Mukha daw kaseng banyo kwarto mo ate kaya ganon" pamimilosopo pa niya kaya hampas naman ako ng hampas at aray sya ng aray.

Nagulat ako nung may lumabas mula sa sala namin at si Bench, Allen, Calvin at Justine yun. Nagulat din sila sa nakita nila kaya naman napatingin din ako sa sarili ko at nagulat din ako. Yawa naka tuwalya nga lang pala ako huhu, baka dumating nanaman yung maldita na asong yun at kagatin tuwalya ko makita nila bikini ko charot hahaha, umakyat agad ako sa kwarto at nag bihis. Hindi muna ako lumabas sa kahihiyan ko, naririnig kopa silang nag tatawanan.

O to the M to the G talaga omg! Nakakahiya bat ganon huhu.

---

Lunch time na at di ako sigurado kung wala na sila sa baba kase tamang sound trip ako, nag earphone ako habang nag babasa.

Naalala ko bigla yung sabi ni Justine na mag tatampo sya saaken ng 1000 years kapag di ako nanood sa game nila HAHAHA.

Naisip ko na pumunta nalang, bukas na kase yun at ang flight namin ay sa Thursday na.

Kaya naman bumangon agad ako tapos kinuha ko yung cartolina na pinang pukpok ko sa ulo ni Bry, buo pa naman ito. Ito nalang gagamitin ko, makapal din parang mukha ni Bry kaya di agad nasira.

Gumawa na ako ng banner at inabot ako ng 2 hours sa pag gawa bagal kase printer ko e haha.

Nag print ako mukha ni Justine tapos dinikit ko sa banner at yung nakalagay dun ay "Go Justine" tapos mag kasudlong dun sa baba pero maliit lang yung sulat pero nababasa padin naman ang nakalagay dun ay "na parang may mens lagi kase masungit" natatawa tuloy ako sa kalokohan ko.

Biglang pumasok si Sab etong aso na 'to ileletchon ko na e. Pasalamat tong si Sab at Bry sinalo ni mama yung kasalanan nila dapat si Bry nag laba nun e pero si mama na, nahihiya naman ako lumabas kase baka andun pa sila kakahiya hehe.

Destined (Book 1) | On GoingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin