Chapter 4

625 47 223
                                    

"Oh? Wala pa sila dyan? Sabi ko mauna na sila eh! Nasaan kaya yung dalawang iyon?"


Natauhan naman ako nung narinig ko si Michael sa hindi kalayuan, agad ko naman siyang sinipa sa may tuhod niya.


"AH!"


"Listen, Caleb" I said with a slight tone of threatening him while pointing at him, "My father is a prosecutor and my mother is a lawyer. So don't ever toy or even touch me again because the moment I told my parents about this, you'll be in jail in no time. Got it?"


I turned and started to walk away from him.


"San ka pupunta?!"


"Palayo sayo!" Hindi ko siya nilingunan and continue to walk.


"Nasa kabilang side sila Mackey." Narinig kong sabi niya kaya napalingon ako kaagad.


"Eh bakit tayo dito papunta?"


He shrugged and then smiled, "Wala lang, gusto ko lang umikot"


I glared at him before storming off and head towards where Mackey is. I just want to get the hell out of this but unfortunately I still need to bare to breathe the same air as he is, inside Adriell's car! Argh.


Kadiri! Anong sinasabi niyang hinalikan ko siya kahapon?! As if, kahit lasing ako hindi ako papatol sakanya noh. Baka siya nga yung humalik saakin. Argh, magtotoohbrush talaga ako gamit yung buong toothpaste mamaya paguwi. Tsaka itotodo ko na yung skincare ko para malinis na yung mukha ko. Who knows what germs he has in there. Ipapakulong ko talaga siya kila mama at papa, humanda talaga siya. Nako.


Buti nalang talaga nasa gitna naming dalawa si Michael dito sa likod. Baka maging totoo yung sinabi ni papa noon na imbis na maging lawyer ako, magiging kriminal pa ako. Ang sarap balian ng buto eh. Hanggang ngayon nakangiti pa!


"Bye Mackey! Bye Ava!"


I slightly slammed the door when I got out and head in our condo building without even saying goodbye to them. Badtrip ako, bakit ba! Bwiset na Caleb na yan.


Pagkarating ko sa kwarto ko, agad akong humiga ng kama sabay kuha ng unan ko at tinakpan yung mukha ko para sa sumigaw dahil sa inis.


"Bwiset!" I screamed and punched my pillow.


Nung medyo um-okay na ako at kinuha na yung phone ko para tumingin nalang sa mga tweets. Pero wrong move dahil mas nastress ako dahil sa nakikita kong nangyayari sa bansa dahil sa ilang pulitiko. Hays!


AvaDiazzz_

Asshole


Natulog na ako pagkatapos kong maligo. Talagang todo bigay ako sa pagtoothbrush para naman kahit papaano mawala yung germs niya.

Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon