Chapter 28

312 23 56
                                    

"Ms. Diaz, are you with us?"


Napatingin naman ako sa prof namin na nakatingin na saakin ngayon katulad nalang ng lahat ng mga kaklase ko. 


Shet, kanina pa ba ako nakatulala?


I cleared my throat and sat properly. "Yes po, ma'am?" 


"Could you show me the cash flow statement of the situation on the board?"


Napatingin naman ako sa harap at ang dami na palang nakasulat, parang kanina lang wala pang nakasulat dyan ah.


Tumayo na ako dahil wala rin naman akong choice, alanganamang humindi ako noh. Buti nalang may alam ako dito kaya madali ko lang nasagutan. 


"Thank you Ms. Diaz. That's correct, you may take your sit." sabi ng prof namin nung natapos na ako sa pagsusulat. Exakto naman na time na kaya nagliligpit na yung ibang mga kaklase ko ng gamit nila, "Okay people, finals of this first semester are coming and I want you all to be prepared. Maraming ganitong problem kayong maeencounter doon sa test kaya mag-aral ah? Finals na toh. Goodluck!"


Ay oo nga pala, finals na. Aish, kung kailan finals na doon ang daming nangyayari.


"Huy, sis. Kanina ka pa tulala, ano bang meron?"


Lunch na and as usual, kasabay ko sila Erika at Curt. Umiling naman ako sakanila tsaka ngumiti.


"Ay nako! Alam ko yan. Nagaway kayo noh?" Tanong ni Curt.


I frowned. "Hindi ah." 


Nagpatuloy yung kwentuhan nila habang ako malalim pa rin yung iniisip. Iniisip ko yung mga nangyari kagabi.


From the part where I found out that the attorney who put Tito Cardo into prison was lolo. Then the part where I found out how my parents fight for their love but ended up hurting each other. Also the part where my lolo puts a scene with Caleb at the restaurant then later on, told me to break up with him. Lastly the most shocking part, the part was where Caleb's mom was finally awake for almost 3 years in coma.


Hindi na nga kami halos nakatulog ni Caleb dahil binantayan namin buong magdamag yung nanay niya, ayaw kasing palagpasin ni Caleb na makitang gising ulit nanay niya eh kaya sinamahan ko siya.


Sabi kasi ng doctor ganun naman daw talaga pag galing sa coma yung pasyente, natutulog ulit pero nagpapahinga lang sila.


Habang binabantayan namin yung nanay niya kagabi, I've realized that my family was partly the reason why Caleb's mom is in that situation. Kahit wala akong alam sa nangyari noon, I felt guilty kasi lolo ko yung may dahilan kung bakit nakulong tatay ni Caleb at kung bakit nangyari lahat ng yun sa pamilya niya.


Paano pagnalaman yun ng nanay at tatay ni Caleb? Tututol din kaya sila saamin? I'm sure magagalit sila saakin, I mean they have the right though. Pero paano nga pag ayaw nila saakin para sa anak nila? Will Caleb fight for me? Parang ang labo ata.

Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon