Chapter 33

301 18 51
                                    

"Mahirap ba ang LDR? Tumataggal ba yung mga couples na ganun?"


Andito na muna ako sa condo ni Mackey bago pumunta sa bahay ni Pauleen para sa study group namin dahil gusto ko muna siyang gambalain ngayon.


"Alam mo naman kung anong yung mga sagot ko dyan, diba?" Tumayo na siya para iligpit yung pinagkainan namin. "Uy kailangan ko ng maligo ah. May work pa kasi ako."


Tumango ako at naghintay nalang dito sa center room niya.


I saw my phone lit up and saw a message from Alex on the screen, na sinasabing andyan na siya para sunduin ako. 


Nagpaalam na ako kay Mackey at tuluyan nang lumabas sa condo niya at agad ko naman nakita si Alex na papasok pa sana sa loob. Agad naman kaming umalis at sinundo na rin si Edwin at Viana. 


Pero bago kami pumuntang bahay nila Paula ay dumaan muna kami sa PCH dahil ihahatid ko muna itong lunch para kay Caleb. 48 hours kasi yung shift niya kaya naisipan ko siyang ipagluto. 


Nakita ko naman siya sa isang nurse's station at naglakad na papunta sakanya nang bigla kong narinig yung pinaguusapan nila ni Stacey. 


"Kailan mo balak sabihin? Pag nakalipad ka na papunta sa England? Alam mo mas masakit yung ito kesa sa sasabihin mo kaagad sakanya na aalis ka."


"Yun nga eh. Siguro pag nagkausap ulit kami." sabi ni Caleb at nung sumilip ako ay nakita ko siyang napahilamos ng mukha habang nakatingin sa parang charts. 


Kahit hindi nababanggit yung pangalan ko, alam kong ako yun. Ako yung sasabihan niya na aalis siya. Umatras na ako at tumalikod para makaalis na at pumunta na ng tuluyan sa bahay nila Paula.


Mahal Panget 💖 is calling


Napatingin naman ako sa phone kong nasa ibabaw ng table. Sinilent ko na pero nagflaflash pa rin kung may nagtetext o tumatawag. Tinaob ko ito at binalik ulit ang mga mata sa libro ko.


Tinuon ko na yung pansin ko sa ginagawa namin at hindi mo muna tinignan yung phone ko. I texted him back when I got home, I just said that I have a very busy day kaya hindi ako nakapagreply. 


I avoided seeing him in the past weeks and tried to just concentrate with my exams and mock trial. Of course, I still replied to his texts and updated him on everything that's going on in my life. I just don't want to see him because I feel that when we see each other then he will open 'that' topic and then something bad will happen.


Until one day. 


"Si Caleb ba yun?"


Sinundan ko naman yung tingin ni Alex at nakita ang isang lalaking nakasandal sa isang motor habang nakahalukipkip at nakapikit. 


What the hell is he doing here?


Inabot ko kay Alex yung compiled paper na hawak hawak ko at nagmarcha papunta kay Caleb. Mukhang naramdaman naman niya yung presensya ko kasi agad siyang nagising. Anak ng, kakagaling lang ba niya sa duty? 

Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon