chapter 18

1.5K 54 1
                                    

Chapter 18

Almira’s POV

Nagtatawanan kami ni Lucas habang nasa daan kami buti na lang talaga medyo bumabalik na sya sa dating sya. Alam ko naman na sobra syang nasaktan kung pakikinggan yung mga sinigaw niya kanina. Hindi ko na lang siya kinulit pa sa iba pang detalye hindi na naman mahalaga yun past is past ika nga.

Nagtatawanan pa rin kami ni Lucas nung pumasok kami sa apartment. Pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment nakita ko si Glenn na masama ang tingin sa amin. Nagalit siguro to kasi gabi na ako nakauwi. Eh kasama ko naman si Lucas eh. Magpapaliwanag na sana ako kaso umalis na sya at ibinalibag yung pinto.

“Ang sakit sa tenga ah. Hindi pa rin talaga nagbabago si Glenn.” sabi ni Lucas na tatawatawa

“Nagalit yun sayo lagot ka.” Parang batang nanakot na sabi ni Lucas.

“Sige takutin mo pa ako.” alam ko naman kasi na susungitan na naman ako nun. Naguguluhan na nga ako dun eh. Minsan ang bait bait. Minsan naman ang sungit sungit.

“Lagot na talaga ako Lucas” sabi ko. Iba yung pagkasimangot nya ngayon hay.

“Pasensya na ah” sabi ni Lucas

“Bakit naman?”

“Kasi mag-aaway kayo ni Glenn ng dahil sa akin”

“Okay lang yun… actually sanay na naman ako sa kasungitan nun”

“Alam mo maswerte si Glenn na ikaw ang kasama nya ngayon.”

“Huh?”

“Sige na kausapin mo na siya. Lagot ka dun. Alis na ako kita na lang tayo sa school. Thanks ulit” umalis na sya.

Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi ni Lucas. Makausap na nga lang si Glenn.

 Pumasok na ako sa kwarto namin. Nakita ko si Simang na nakahiga. Nakatalikod sya sa akin. Naupo ako sa kama. Nakatalikod pa rin sya sa akin.

“Glenn…” tawag ko sa kanya.

“Glenn… uy Glenn” pero hindi pa rin nya ako tinitingnan.

Bumangon sya at lumabas ng kwarto pero hindi pa din nya ako kinakausap. Hay ayoko ng ganito sya. Mas gusto ko pa yung sinisigaw sigawan nya ako. Atleast pagkatapos nun bati na ulit kami. Pero ngayong tahimik sya lalo kong nafefeel yung mga galit nya.

Sinundan ko sya. “Uy Glenn sorry na… Promise di na ako uulit. Magpapaalam na ako kapag aalis kami ni Lucas.”

Di pa din umiimik si Glenn. Kinakabahan ako. Ngayon lang sya naging ganito kapag nagagalit.

“Uy Glenn kausapin mo naman ako”

Naiiyak na ako dito. Ayoko na magkaaway kami.

“ALAM MO KUNG ANO ANG IKINAGAGALIT KO? HINDI NAMAN YUNG GINABI KA SA PAG-UWI EH. NAGSESELOS AKO KAY LUCAS KASI GUSTO KITA GUSTONG GUSTO KITA. OH TAMA BANG SABIHING MAHAL KITA MAHAL NA MAHAL KITA. SOBRA”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Namanhid ang buo kong katawan. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito ang unang beses na may nagtapat sa akin. Natulala lang ako. Parang kailan lang pinapangarap ko sya. Pero parang may mali pa rin. Pangit ako paano nya ako magugustuhan?

Glenn’s POV

“Uy Glenn sorry na… Promise di na ako uulit. Magpapaalam na ako kapag aalis kami ni Lucas.”

Nung sinabi nya yung mga yun lalo akong nagselos. Aba at talagang nageenoy sila sa company ng isa’t isa at balak pa nilang gawan ng part 2 ang “date” nila.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now