chapter 4

2.3K 44 1
                                    

Chapter  4

Almira’s POV

LINGGO ng umaga katatapos ko lang maglinis ng bahay lumabas ako at naupo sa terrace ng apartment ko. Lumabas din ng bahay ang kapit-bahay kong si Baby. Halos magkasing edad lang kame nitong si Baby. Nilapitan nya ako . Alam kong chichikahin ako nito, kwentuhan yata ang favourite hobby ng kapit-bahay ko.

“Hoy Almira parang narinig ko kagabi may kagalit ka.”

“Ah iyon ba?” tiningnan ko ang katabing apartment ko. Mukhang walang tao saradong sarado kasi ang bahay. “Nagrereklamo kasi itong bagong bahay natin. Sobrang lakas ko daw kasi magpatugtog ng DVD. Eh sa tinagal-tagal ko namang nakatira rito wala namang nagrereklamo.”

“Ah ganon ba? Naku naman sira na pala agad ang una ninyong pagkikita. Sayang bagay pa naman kayo.”

“Tigilan mo nga ako Baby” inirapan ko siya. “Bagay sa kanya ang tumira sa bundok para walang mang-istorbo sa kanya tutal nasa mukha naman niya ang magpakamonghe. Daig pa niya ang babaeng may buwanang dalaw sa sobrang sungit.” Sabi ko at sa pagharap ko sa kanya nakita kong parang natataranta ang kausap ko. “Oh bakit gan'yan ang itsura mo?” tanong ko. Tiningnan ko kung ano ang inginunguso niya. Laking gulat ko kung sino ang nakita ko yung kapitbahay ko, kunot na kunot yung noo niya. “Patay kang bata ka”sigaw ng utak ko.

Glenn’s POV

LALABAS sana ako para magtapon ng basura pero sa may pinto pa lang ay may narinig na akong tsismisan mula sa labas binuksan ko ng bahagya ang pinto ng apartment ko para malaman kung sino yung mga tsismosang yun.

That girl again. Nababadtrip ako tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi.

“Tigilan mo nga ako Baby” sabi niya. Ano kaya pinag-uusapan ng dalawang to? Tapos narinig kong nagsalita ulit yung impaktang babaeng yun.

“Bagay sa kanya ang tumira sa bundok para walang mang-istorbo sa kanya tutal nasa mukha naman niya ang magpakamonghe. Daig pa niya ang babaeng may buwanang dalaw sa sobrang sungit.” Ano ako masungit. Kasalanan naman niya kung bakit ako nagsusungit sa kanya eh. Tapos nakita kong nagulat yung kausap nong impakata nung nakita ako.

“Oh bakit gan'yan ang itsura mo?” dinig kong sabi niya. Tapos ngumuso yung kausap niya sa direksyon ko.

Tumingin siya sa direksyon ko.  Sinimangutan ko lang yung babaeng yun. Bumalik na ulit ako sa loob ng bahay at nakalimutan ko na ang pagtatapon ng basura. Nakakabadtrip eh.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakarinig ng mga negatibong bagay tungkol sa akin. Sanay ako na puro papuri ang natatanggap simula pagkabata ko mula sa ibang tao maliban nga lamang sa Daddy ko. Dahil nga rin siguro sa pagpapalaki ng ama ako kaya naging perfectionist ako kaya malimit na nag-eexcel ako sa lahat ng bagay, palagi kong sinisiguro na tama at maganda ang kalalabasan ng mga gagawin ko

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now