chapter 8

2K 45 0
                                    

Chapter 8

Glenn’s POV

“I am Glenn Alvaro at sino namang nagsabi na friends na tayo?” sabi ko kay Al.

“Ehhhhh. Basta friends na tayo. Bleeeeehhhhh” ang kulit talaga ng babaeng to pero ang cute nya tingnan parang bata.

“Yeah, Whatever Miray” sabi ko with a smirk. Aba dapat bigyan ko rin siya ng pangalan. She called me Simang I Will call her Miray para patas kame.

“What? Miray? Ang sabi ko Al hindi Miray. Call me as Al. Call me as Al” sabi niya sa akin ng nakasimangot.

“You called me Simang, then I will call you Miray short for Almira. Now, were even?”

“Ang bad bad mo talaga Simang. Dyan ka na nga” tumakbo na sya palabas ng apartment. Ang sarap niya asarin. Ang cute nya tingnan. Lalo na kapag nagpapout sya lalo kasi naeemphasize yung red lips niya. Teka teka nga! Kanina ko pa ata napupuri yung babaeng yon. Utak tumigil tigil ka nga sa kapupuri sa kanya. Pero maganda naman talaga siya kahit pa gulo ang buhok niya at kahit medyo may tigyawat sya. Wahhhhh sabi ko utak tumigil ka na

Almira’s POV

Kainis talaga yung Simang na yun. Ang pangit ko na nga bibigyan pa ako ng pangit na pangalan. Bigyan ba naman ako ng nick name na. waaahhh ayoko siya banggitin. 

Makakain na nga lang. Pumunta ako sa may refrigerator sa kusina. Pagbukas ko nagulat ako walang kalaman laman yung ref kundi yung pitsel na ang lamang tubig eh halos maubos na.

Wahhhh.. nakalimutan ko mamalengke kahapon. Kainis naman kasi yung mga classmate kong nang iwan sa akin eh. Hindi tuloy ako nakapamili.

Lumabas ako ng apartment para pumunta sa pinakamalapit na tindahan. Lakad. Lakad At sa kinamalasan nga naman oh. Bakit ngayon pa nagsara ng tindahan si Aling Nena. Makabalik na nga lang ng apartment. Pero habang naglalakad ako sa kalsada. Nahilo ako. Napaupo ako. Sobrang bilis ng ikot ng mundo ko ngayon. Nagdidilim na ang paningin ko. Pero bago pa ako mawalan ng malay nakita kong may lumapit sa akin tapos black out na lahat.

(Authors’s note: kung mapapansin nyo po ang tingin ni Almira sa sarili nya ay isang pangit pero sa paningin naman ni Glenn eh maganda sya yun po ay sa kadahilanang gusto ko pong ipakita na kahit gaano kapangit ang tingin ng isang tao sa sarili nya meron pa ring makakakita ng kagandahan niya hehehe)

After an hour…

Almira’s POV

“Bro dalhin na kaya natin sa hospital”

“Easy ka nga lang Lucas. Magigising din yan mamaya.”

“Sure ka?”

“Oo naman. Med student ako kaya alam ko okay?

Uunti-unti kong minulat yung mata ko. Naaninag ko ang dalawang tao na nakatingin sa akin medyo Malabo ang tingin ko sa kanila. Sila ba yung nag-uusap? Tapos narinig kong nagsalita ulit yung isang tao. “Bro nagising na ata siya.”

“Oi Miray, Gising ka na pala?”

Miray..

Miray..

Miray..

Miray.. napabangon ako dun. Narinig ko na naman yung pangit na pangalan na yun.

“Hoy. Miray” sino pa ba ang natawag sakin ng pangit na pangalan na yun.

“SIMANG, HUWAG MO NGA AKONG TAWAGING MIRAY”

“SINO BA NAG UMPISA HA?”

“Oi, Oi tumigil na kayo. Oi Bro pakilala mo naman ako kay Miss Gorgeous” sabat nung kasama ni Simang. Tiningnan ko siya. Wow TL ako sa kanya TL as in tulo laway ako. Super pogi nya.  And gorgeous daw ako. Waahhhhh ang saya ko. Hindi ko pinagsisihan na hindi ako nakapamili ng pagakain. Wahahahaha.

“Oi Miray, this is my bestfriend Lucas Mercado and wag ka magfeeling sinungaling yan”

Alam nya ba ang nasa utak. Mind reader ba siya? Bakit niya alam na natuwa ako nong sinabihan ako ng kaibigan niya na maganda ako?

“Oi di ako nagsisinungaling ah maganda naman talaga sya”

Ow yeah crush ko na talaga siya. For the first time in my life may lalaking nagsabing maganda ako. At galing pa sa isang pagkagwapogwapong nilalang. Maingit kayo. bwahahahaha

“What’s your name?” sabi niya ulit

Siyempre palalampasin ko pa ba to. Nagpakilala ako “I am Almira Sanchez but you can call me Al”

“Nice to meet you Al.”

“Nice to meet you too Lucas”

“Kamusta na nga pala pakiramdam mo? Anu ba kasi nangyari sayo at bigla ka na lang nahimatay sa kalsada?” sabi ni Lucas. Buti pa tong si Lucas. Naalala nya tanungin kung kamusta ang pakiramdam ko. Hindi katulad ng isa dyan inaasar pa ako.

Naalala ko na nahimatay nga pala ako dahil sa gutom. “Hehehe. Nahimatay ata ako dahil sa gutom? Thanks nga pala sa pagtulong sa akin.”

“Haist. Bakit ka ba kasi nagpapagutom?” tapos tumayo si Simang sa kinauupuan niya at lumabas. Nagkatinginan lang kame nong kaibigan ni Simang. Pagkatapos ng ilang minutes bumalik si Simang with a tray. Lumapit siya sa akin.

“Oh. Kumain ka” ow mabait naman pala si Simang.

“Tara daw kain tayo” akmang susubo na si Lucas ng batukan siya ni Simang.

“Gago hindi ko sinabing ikaw ang kumain nyan.”

Hinimas naman ni Lucas yung nabatukan sa kanya. “Joke lang ano ka ba?”  natawa naman ako sa magkaibigan na to.

Tapos kumuha ulit ng pagkain si Lucas gamit yung kutsara malamang. “Say aahhhhh. tapos Inilapit ni Lucas yung kutsara sa bibig ko. Wala naman akong nagawa kaya napangaga na alang ako at sinubo yung pagkain.

Tapos napansin kong tumayo ulit si Simang tapos lumabas at ibinalibag yung pinto. Ano nangyari dun?

“Lucas anong nangyari dun?”

“Huwag mo ng pansinin yun” sabi niya sa akin ng nakangiti.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon