chapter 33

1.9K 36 1
                                    

Chapter 33

Glenn’s POV

“Almira?”

Nagulat ako ng makita ko si Almira lalo pa at nakita ko syang nagdadalantao.

Alam kong akin yon.

Pinanghahawakan ko yung sinabi nya noon na ako lang ang mamahalin nya. kaya naniniwala akong anak ko rin ang ipinagbubuntis nya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.

Masaya ako at nakita ko syang muli idagdag mo pa na magiging tatay na ako. matutupad na yung pangarap kong makabuo ng pamilya kasama sya.

Natatalot din ako dahil baka hindi nya na ako tanggapin at kalimutan nya ako ng tuluyan.

Basta isa lang ang sigurado ko ngayon. Namiss ko sya ng sobra at gusto ko syang yakapin.

Nakalimutan ko na kung ano yung dapat kong gawin dito.

Parang tumigil yung mundo ko at ang nakikita ko lang ngayon ay si almira.

Yinakap ko sya.

Pero nagwawala sya.

“Ano ba bitawan mo ko. Matapos ang lahat ng ginawa mo akala mo ba dahil sa isang yakap mo magiging maayos ang lahat?” ~Almira

Hindi ako nagsasalita. Patuloy pa rin sya sa pagpalo sa akin. Hinayaan ko lang na ilabas nya lahat ng galit nya.

Gusto kong umiyak dahil ang sakit isipin na galit sa akin si Almira. Pero hindi ko naman sinasadya lahat yun.

Ilang minuto lang ay biglang nawala yung mga palong tinatanggap ng likod ko kanina.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH” sumisigaw si Almira habang hawak hawak ang tyan nya.

“Ang tiyan ko. Ang sakit sakit.”

At nakita ko ang madaming dugong umaagos sa binti nya.

Shit. Ang anak ko. kasalan ko to.

“Glenn tumawag ka ng doctor” ~si lolo

Oo nga pala andito ang lolo ko. dali dali akong lumabas ng kwarto at tumawag ng doctor.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.

Almira’s POV

Niyakap ako ni Glenn.

Pero pinilit kong alisin ang mga yakap na iyon.

Hinahampas hampas ko sya sa likod.

Kahit mahal ko sya hindi mawawala yung katotohanang iniwan nya ako.

Akala ba nya sa isang yakap na ginawa nya ay magiging maayos ang lahat?

Oo mahal ko sya, pero masakit ang ginawa nya. hindi ko rin alam kung totoo ang ipinapakita nya.

Itinigil ko ang paghamapas sa likod nya dahil biglang sumakit yung tyan ko.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH” napasigaw ako sa sobrang sakit.

“Ang tiyan ko. Ang sakit sakit.”

At bigla ko na lang naramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa binti ko.

At nakita ko ang madaming dugong umaagos sa binti ko.

Mabilis ang mga pangyayari nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa stretcher at nanalanging huwag sanang mawala sa akin ang mga anak ko.

Glenn’s POV

Umiiyak si Almira habang papunta kami sa emergency room.

Nasasaktan ako habang nakikita ko yun.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon