chapter 19

1.4K 36 0
                                    

pasensya na po kung medyo matagal ang update. super busy with my thesis and exams kasi. sowi po.

ahm gusto ko po magthank you kay Altmarie at risemae08 sa fan sakin. thank you po ng madami talaga.

Chapter 19

Almira’s POV

Alasingko na ng umaga. Ang sarap sa pakiramdam na ang una mong makikita sa umaga ay ang taong mahal mo. Nakayakap pa rin kami sa isa’t isa. Maganda pala ang boses ni Simang. Ang galing talaga nya. Halos lahat kaya nyang gawin. Hahaha para syang si Jose Rizal. Bumangon na ako para magluto kahit gusto ko pang pagmasdan sya. Ang gwapo eh. Ang payapa nya matulog parang angel.

 Tama na nga ang pagnanasa at baka wala kaming kainin mamaya.

Kinikilig ako ng bongga para na talaga kaming mag-asawa hahaha.

Kinuha ko na yung mga iluluto ko sa ref. Magpiprito na lang siguro ako ng hotdog at saka itlog. Isinalang ko na rin sa rice cooker yung bigas para maluto na.

Habang nagpiprito ako. May yumakap sa likod ko. bumilis yung tibok ng puso. Heto na naman ang puso ko. Naramdaman kong may humalik halik sya sa balikat ko nakasando lang kasi ako.

“Glenn..” Kahit gusto ko yung feeling ko ngayon aba hindi ako makapagluto ng maayos.

“Hmmmm” sagot nya.

“Pwede mamaya na yan hindi ako makapagluto ng maayos eh.” bumitaw sya sa pagkakayapos sa akin. Hay salamat naman sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko eh. feeling ko nga nagbublush na naman ako.

Inagaw nya sa akin yung spatula. Napatingin ako sa kanya. Ow sheet of paper what the heck.  Tulo dugo sa ilong. Ang gwapo ng boyfriend ko. (naks bumoboyfriend na ako ngayon) hindi naman ganto to kagabi. I mean ang gwapo din sya kagabi pero iba ngayon ang aura nya. Kahit gulo gulo yung buhok nya ang gwapo nya. Ang macho nya tingnan sa black sando nya at jogging pants.

“Alam ko gwapo ang boyfriend mo. Kaya wag mo akong titigan ng ganyan”

“Yabang. Ang hangin dito”  yun na lang nasabi ko. pahiya ako eh “Ako na nga ang magluluto nyan.”

“Ako na. maupo ka na don sa dining tabale natin.”

“Ano ka ba dapat ako ang nagluluto.”

“Maupo ka na sabi”

“Ako na nga kasi”

“Ang mga babae dapat pinagsisilbihan. Kaya maupo ka na”

Natatame naman ako dun. Dapat pinagsisilbihan daw ang mga babae. Kinikilig ako ng bongga. Hahahah. Ihhhhhh ganito pala ang feeling ng inlove….

Mula dito sa table kita ko ang bawat kilos ni Simang.  Mukhang expert na expert sya sa pagluluto. Naisipan kong itanong yung tungkol sa balitang live in partners daw kami.

“Simang, di ba balita na sa school na mag live in partner tayo.?”

“Oo nga”

“Anong gagawin natin sa balitang yun”

“Eh di totohanin natin”

Napatayo ako dib a kapag mag live in partner nag “tototooootttt” na kayo? As in yung ginagawa ng mag-asawa.

“Anong sabi mo?”

“Relax Almira. Masyado kang tense.”

 “Eh kasi ikaw eh. Kung ano ang mga sinasabi mo.”

“What I mean is gagawin natin yung ginagawa ng mag-asawa na magmahalan. Hindi yung iniisip mo.”

Oooopsss sorry OA lang.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat