chapter 10

1.7K 40 1
                                    

Chapter 10

Simang’s POV

“Oi Simang bakit ang likot mo?”

“Anong malikot ka dyan?”

“Eh bakit ang galaw ka ng galaw?”

Teka nga bakit parang lasing tong babaeng to.

“Oi Simang. Ang sarap nito oh lasang chocolate. (Ipinakita yung boteng nilagyan nong ininom niya).”

Tiningnan ko yung ipinakita sa akin ni Al. Oh sheet alam ko na kung bakit parang lasing tong babaeng to. Wine kasi yung nainom nya. Dinala yan dito ni Lucas eh padala daw ng Mom niya. Wondering kung bakit lasang chocolate? Hindi ko rin alam.

“Lasing ka na Almira. Matulog ka muna para mahulasan ka.”

“Ako lasheng? Shimang hinde nga ako umiinom eh. Taposh shashabihen mong lashing ako. Patawa ka talaga Shimang.”

“Ow yeah your not drunk” I said sarcastically.

 Inalalayan ko siya para makapunta para sa kama ko at nang makatulog at mahulasan na to.

“Matulog ka na”

Paalis na ko ng magsalita ulit siya.

“Simang”

“Bakit?”

“Pangit ba ako?”

“Ano bang klaseng tanong yan?” lasing na talga tong babaeng to kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig eh.

“Alam mo pakiramdam ko ang pangit pangit ko?”

Nagsalita ulit siya. “Lagi na lang kasi akong ikinukumpara sa kapatid ko. Tuwing magkasama kame nun lagi ko na lang naririnig na ‘Di ba ayan yung mga anak ni Elena? Bakit parang mas maganda yung isa. Yung masbata” tapos tumawa siya na parang baliw.

“Tapos kapag tinatanong ko naman si mommy kung maganda ako. Ang lagi niyang sagot sakin magparetoke na lang ako. hahaha”

Lumapit ako at umupo dun sa may kama “Hindi ka pangit okay” yun naman talaga ang tingin ko sa kanya.

“Your kidding right? Pano naman ako maniniwala sayo eh nong JS prom nga namin wala nga nag aya sa akin para maging date nila. Hahaha kaya yung teacher na lang ang nag-assign para sa makakapartner ko. hahaha I am so pathetic talaga. Hahahaha. Pinagsisihan ko talaga na umattend pa ako ng prom night nay un. Kasi alam mo nagbilang ako ng lalaki. ahahaha.”

“Yun naman pala eh marami naman palang lalaking gusto kang isayaw. Ano pang iminumukmok mo dyan?” sabi ko na lang.

Nakita ko siyang umiiyak. “Bakit ka naman umiiyak?”

“hahahaha” ang lakas talaga ng tama nitong babaeng to umiiyak tapos tatawa. “Nagbilang ako ng lalaking dumadadaan sa harap ko Simang. Umaasa na ilalahad nila ang kamay nila para isayaw ako. Pero…. Ni isa wala Simang. Hahahaha. Nabutas nga siguro yung inpuuan ko nun eh. Buong magdamag lang ako nakaupo dun.

Iyak lang siya ng iyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papano magcomfort ng babae.

Nagsalita ulit sya. “Simang bakit ganon sila? Lagi na lang bang physical appearance ang titingnan nila at magiging basehan nila para pansinin ang isang tao? *sniff*

Kaya naman pala ang saya nito nong sinabihan ni Lucas na maganda sya. Now I understand na kung bakit.

I feel I need to hug her kaya niyakap ko sya. Lalo siyang umiyak nung niyakap ko siya. “Please wag ka ng umiyak”

“Thanks Glenn”

Hindi ko alam kung gaano kame katagal na magkayakap. Hindi ko maintindihan pero gusto ko yung pakiramdam ko nong magkayakap kame. I like the feeling that she is near with me and I realize one thing gusto kong alagaan ang babaeng to at iparamdam sa kanya na sya lang ang pinakamagandang babae sa lahat. Nakatulog na pala sya. Inihiga ko sya sa kama ko.

Pinagmasdan ko sya ng maiigi. “For me you’re the prettiest woman I’ve ever seen. Your not pretty pala your more than pretty. You are gorgeous.” Hay ano ba yan para akong eng eng dito na salita ng salita “Sweet dreams Almira”

Almira’s POV

“Aw ang sakit ng ulo ko”

Teka nasan ako? Hindi ko to kwarto. Pinagmasadan ko maige yung paligid. Kay Glenn tong kwarto ah. “Anong nangyare?” pinilit kong alalahanin kung anong nangyare. Pero wala wala akong maalala. Ang huli kong natatandaan eh umiikot yung paligid ko tapos nakita ko si Glenn na papalapit sakin tapos tapos tapos ….. wah hindi ko na maalala.

Lumabas si Simang galing sa banyo. Napasinghap ako. Si Simang naka topless ang hot nya. Joke lang. hahaha. Imagination ko lang yon. Ang manyak ng utak ko.

Totoong lumabas sya ng banyo. Pero nakasando sya. Pero kahit naksando lang siya ang hot nya tingnan.

“OY anung tinitingin tingin mo dyan? Minamanyak mo na ko sa utak mo no?”

Gusto kong sabihin na oo ang hot mo kasi. Kaso hindi pa sira ang ulo ko para sabihin yon “hoi hindi ah” iniba ko yung usapan baka kasi mapaamin pa ko ng hindi oras eh.

“Anong nangyari? Bakit dito ako nakatulog sa apartment mo?”

“Nalasing ka kasi. Kung ano-ano kasi ang iniinom mo. Hindi ka pa nagpapaalam sa may ari. Pano kung may lason pala yon? Eh di nakita na lang kitang bumubula yang bibig mo?

Tumayo ako at nilapitan siya.

“Sorry na po hindi na po ako uulit”  with matching pacute eyes pa yan kahit alam kong hindi ako cute. Sana gumana sana gumada.

“Okay okay apology accepted” ow yeah gumana. Teka anong oras na ba?

“Simang anong oras na?”

“8am in the morning”

“Wahhhhhhhhhh.. late na ko for my first class” nagtatakbo na ko pabalik sa apartment ko. Pero bago ko umalis….

“Thanks Simang”

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now