chapter 6

2K 44 1
                                    

Chapter 6

Almira’s POV

Hayyy. Pano kaya ako makakahingi ng sorry don. Puntahan ko na lang kaya sa apartment niya. Tapos aayain ko siya na dito na lang mag dinner para makabawi ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Tama ganun na nga lang gagawin ko.. hahaha ang talino mo talaga Almira.

Kasi naman eh kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko eh. Next time mag-iinagat na ako sa mga sasabihin ko.

Tumayo na ako at lumabas ng apartment ko. Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Simang. Pero walang nagbubukas ng pinto. Mga limang minuto na ako dito pero wala pa rin nagbubukas nong pinto. Aalis na sana ako kasi baka wala namang tao at nagmumuka na akong engot dito nang may maranig akong lagabog mula sa loob ng apartment ni Simang. Pinihit ko yung door knob. Alam ko masama ang basta na lang pumasok sa bahay ng may bahay. Pero feeling ko talaga kailangan kong pumasok dahil alam kong may maling nangyayari.

 Good thing hindi nakalock yung pinto. Ang dilim sa loob ng apartment niya. Agad kong hinanap yung switch. Buti na lang nasa may tabi lang yun ng pintuan. Pero pagkabukas nong ilaw nakita ko si Simang na nakahandusay dun sa sahig.

Natataranta na ko. Wala pa naman ngayon si Baby. Waaaaahhhhh mommy anong gagawin ko.

Ang init init ng temperature niya nung hinawakan ko siya. Inalalayan ko siya para madala ko siya sa kama niya. Buti na lang madali mahanap ang higaan nito.

“Ang bigat naman ng lalaking to.”  sabi ko. Inihiga ko na siya sa kama niya. Bumalik ako sa apartment ko at kumuha ng face towel at basin. Ayoko nga makialam sa mga gamit dun baka mamaya may mawala at mapagkamalan pa kong magnanakaw. Any ways dapat bilisan ko na at baka mamatay yun. Konsensya ko pa yun.

Agad akong kumuha ng tubig at binasa yung face towel na dala ko at inilagay sa noo ni Simang. Naupo ako sa sahig sa tabi ng kama niya. Napansin kong nanginginig sya. Mukhang ginaw na ginaw sya. Ang kapal na kaya ng kumot na nakabalot sa kanya. Ano gagawin ko? Bahala na nga. Umakyat ako sa kama niya at niyapos siya mukhang kailangan nya. Hoi wag kayong mga manyak. Gusto ko lang iaaplay yung natutunan nung first year ako na heat transfer. Wag kayong masyado kung ano pinag-iisip.

Pinagmasadan ko siya. Ngayon ko lang napansin ang haba pala ng pilik mata niya. natatakluban kasi ng eyeglasses niya. Ang kinis din ng balat niya. Daig pa nga ako eh. Mas mukha pang balat ng babae yung sa kanya eh. Yung mukha niya eh walang bakas ng pagkakaron ng pimples. Hay buti pa siya. Ako kasi tinutubuuan ng hinayupak na tighawat nayan eh lalo na kapag nagpupuyat ako. Ang cute niya kapag hindi nakakunot ang noo niya. Lagi kasi nakasimangot eh.

Hay anu ba tong mga pinag-iisip ko. Erase erase. Inaantok na ko kaya nakatulog ako sa pagbabantay sa kanya.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ