chapter 16

1.6K 36 0
                                    

Chapter 16

Lucas POV

Narito ako ngayon sa school nina Glenn. Magtratransfer kasi ako dito kahit medyo matatapos na yung prelims. Pumayag naman yung mga administration nila dito kasi tita ko ang campus director dito. Hehehehe.

At saka parusa to ng parents ko sa akin nalaman nila yung mga kalokohan ko. Alam nyo kasi pasaway ako, since tita ko yung campus director may magbabantay daw sa akin dito. Ibinagsak ko yung mga subjects ko last sem kaya ayun galit na galit sila.

Nawalan lang naman ako ng ganang mag-aral nung mag break kame ng girlfriend ko. Sobrang minahal ko sya. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin sya naging Masaya. Hay ayoko ng alalahanin pa yun masikit eh.

Anyways, papunta na akong classroom ko ngayon. After lunch na ako nakapsakok kasi naman tinatamad ako.

Hindi pa naman nagsisimula yung klase. Umupo na ako sa isang vacant seat sa pinakadulo. Hay paniguradong mabobore na naman ako ngayon.

Napatingin ako sa pumasok sa may pinto nakita ko si Almira. So magkaklase pala kame.

Nakita kong napatingin sya sa direksyon ko. Nakita ko yung gulat sa mukha nya. Lumapit sya sa tayo ko.

“Ui nung ginawa mo dito?”

“Eh di aattend ng klase.” Sabi ko habang nakangiti.

“Pilosopohin mo pa ko. Gusto mo masapak?”

Napatawa ako sa kanya. “Brutal ka pala?”

“Eh, sagutin mo na lang kasi yung tanong ko”

“I transferred here”

“Whoah bakit ngayon lang? hello patapos na kaya ang prelim”

“Eh bakit? Trip ko eh” hindi na nya kailangan pang malaman ang rason ko.

“Teka alam na ba to ni Glenn?”

“Actually hindi pa. Hindi ko na sya napupuntahan eh”

“Ah ganun ba? Sige ah punta lang ako sa mga kaibigan ko ah. Usap na lang ulit tayo mamaya.”

 “Ok” sabi ko

Nagsimula na syang maglakad palayo sa akin at pumunta sa kabilang side at nakiumpok sa mga babae dun yun siguro ang barkada nya.

Pinagmasdan ko sya. Hindi sya ang pinakamagandang babae dito sa classroom na to. pero ewan ko kapag ngumingiti sya may something sa kanya kaya umaangat sya sa iba.

Nagsimula na yung klase namin. As usual inaantok na naman ako. Wala na naman akong ganang makinig. Naalala ko na naman kasi kung paano nya ako iniwan. Tangna lang ginago nya ako. Matagal na pala nya akong niloloko. Ako naman tanga dahil hindi ako nakinig sa mga nagsasabi sa akin ng mga kalokohan nya. Ganun nga siguro kapag inlove nakakabobo.

Gusto ko na syang kalimutan sobrang sakit kasi lalo na’t malalaman mo na hindi ka pa rin sapat para sumaya sya.

Hay tama na nga ang kakaemote dito ang korny ng mga sinasabi ko para akong hindi lalaki dito.

Matapos ang dalawang oras na pakikinig este pagtunganga sa loob ng classroom na yon. Naisipan din ng prof namin na palabasin na kame.

Last period na namin yung sunod na klaseng papasukan. Naiisipan kong wag ng umattend tyak na mabobore lang naman ako eh. Paalis na ako pero may humawak sa braso ko.

“Uy, san ka pupunta? Dito ang daan sa susunod nating klase” si Almira.

“Ayoko ng umattend ng klase nakakabore eh”

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now