chapter 13

1.5K 34 0
                                    

Chapter 13

Glenn’s POV

Pumasok na kame at umupo sa may sala ng apartment ko.

“Tell me what happened. Bakit ka pinalayas?” nag-aalala na ako. Paano na sya. Bakit parang nalulungkot din ako na aalis sya.

“Nawalan kasi si papa ng trabaho. Kaya ayun wala na silang pamabayad ng rent. Huhuhuhu. Glenn paano na ako? Huhuhu. San ako titira? Masyadong malayo dito ang bahay namen para magcommute na lang huhuhu.”

Ano ba naman yan umiiyak na naman tong babaeng to. Ayoko ko pa naman nakakakita ng babaeng umiiyak sa kahit na anong dahilan. Matulungan na nga lang to nag-aalala din naman ako sa kalagayan nya. Baka kung ano pa mangyari dyan eh di konsensya ko pa.

“Dito ka na lang sa apartment ko tumira. Tutal mag-isa lang naman ako dito eh.”

“Talaga? Pero nakakahiya naman sayo.” sabi nya

“Tatanggapin mo ba o hinde?” ang dami pang sinasabi eh

“Ano kasi. Hindi ba talaga nakakahiya sa yo?”

“Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko.”

“Sure ka ba talaga?”

“Okay fine. Huwag na lang”

“Oi joke lang naman. Ito naman hindi mabiro eh. Sige na tatanggapin ko na yung tulong mo.”

“Sige na, sige na dalhin mo na yang mga gamit mo dito sa bahay.” Tatayo na ako nung higitin nya yung kamay ko.

“Salamat ah” sabi nya sa akin na may kasamang ngiti. Eto na naman ang puso ko sobrang bilis na naman ng tibok. Ngumiti lang naman sya. Hay nakakailang naman oh.

“Wala yun.”

“Basta thank you talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi ka dumating” ano ba yan lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Oo na. bitawan mo nga yang kamay ko baka mahawaan yan ng germs mo” nasungitan ko na naman sya. Naiilang na ko sa hawak nya eh.

“Sungit naman nito. Huwag kang mag-alala lalagyan ko ng alcohol” pagkasabi nya nun may kinuha sya sa bag at inilabas ang alcohol. Pinasiritan nya yung kamay ko. Tapos nirub nya yung kamay ko nung kamay nya. Alam nyo yun? yung parang hininawan nya. Hindi ko maintindihan yung feeling ko. dug dug dug dug. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinigit ko yung kamay ko.

“Tara na kununin na natin yung gamit mo.”

Almira’s POV

Malambot pala ang kamay ni Simang. Hahaha. Daig pa yung akin eh. Parang matanda yung balat nung sa akin eh. hehehe. Hindi kasi ako nakakapaglotion pagkatapos maglabe eh. hehehe.

hinigit  nya yung kamay nya. “Tara na kununin na natin yung gamit mo.” Tama ba yung nakita ko nagblush si Simang? Hahaha. Hindi kaya? Nahhh imposible yung mangyari. Ang pangit ko para magustuhan nya. At saka napag-isip-isip ko nabigla lang si Simang nung sinabihan nya ako ng maganda. O kaya naawa lang yun sa akin.  

Natapos naming ayusin yung gamit ko. Mabait pala talaga si Glenn hindi lang halata kasi palaging naksimangot. Naalala ko nung una kame magkita nung nagkabanggaan kame. Nakakatakot yung mga tingin nya. Pero behind pala ng nakakatakot nyang mga tingin ay puro mga kabutihan.

Naghanda ako ng dinner para sa aming dalawa. Nagluto ako ng kare-kare. Inihanda ko na yung table para makakain na kame. Kinatok ko na sya sa kwarto.

“Glenn, halika na. Kain na tayo.” Nagbukas yung pinto at nakita ko si Glenn. Tulo ang dugo sa ilong ko ampnesss. Katatapos lang nya maligo ang fresh fresh nya tingnan. Nakawhite sando lang sya at walking short pero ang hot nya tingnan. Yumminess.  Kahit Gulo gulo yung buhok nya ang gwapo pa rin nya.  Tapos wala pa yung salamin nya kaya kitang kita ko ang magandang mata nya .

Aamin na ako sa inyo crush na crush ko tong si Simang pero asa pa naman na magkacrush yan sa akin ang pangit ko kaya. Hahaha. Hanggang tingin na lang ako sa kanya. hahaha

“Sige susunod na ako” yung imik lang nya ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Sige” pagkasabi ko nun tumalikod na ako. Tapos hinipo ko yung bibig ko baka kasi may tumulong laway kanina eh. hehehe.

Ilang minuto lang at lumabas na sya. Pinilit kong magconcentrate sa pagkain. Pinipigilan kong tumingin kay Simang. Alam nyo na yun kung bakit.

Mabuti na lang natapos na kame ng pagkain at salamat at nag survive ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko parang kinakabahan na ewan ang pakiramdam ko kanina habang kumakain kami.

Nagtooth brush at naghilamos na ako sa banyo para makatulog na. Tulog? Sinabi ko bang tulog? Ow em gee. Iisa lang ang kwarto dito. Iisa lang din ang kama dito. Yung sofa masyadong maliit para sa akin. Huhuhu. Sa sahig ata ako matutulog.

Lumabas na ako ng cr. Kailangan kong kausapin si Glenn kung saang sahig ako pwede matulog. Kumatok ulit ako sa pinto ng kwarto nya.

Glenn’s POV

Tok tok tok

“Pasok”

“Ah Glenn, tulog na ko ah. Dun na lang ako sa sala”

“Ha? San ka matutulog?”

“Sa sahig na lang siguro” baliw ba tong babaeng to eh ang lamig kaya matulog sa samento. Ang tigas tigas pa non.

“Hindi ka pwede dun?” hindi ko papayagang dun sya matulog. Gentleman naman ako kahit papano kaya ipapaubaya ko na sa kanya yung kama ko at saka ayoko syang sipunin.

“Ah hindi ba? Sa sahig ng kusina kaya?”

“Dito ka na lang sa may kama ko. At ako na lang sa sahig”

“No hindi pwede. Ako na nga ang nakikituloy dito ako pa ang gagamit ng kama.”

“My descision is final”

“No. Hinde pwede. Nakakahiya sa yo” giit pa ni almira

“OK ganito na lang. Para matapos na tong usapang to” sabi ko.

“Gamitin na lang natin parehas yung kama. Lagyan na lang ng harang na unan. Period” bumalik na ko sa pagbabasa para hindi na sya makaimik.

Almira’s POV

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Glenn inayos ko na yung kama at nahiga na. Alas diyes na ng gabi pero nag-aaral pa ri sya? Nakakahiya naman ako. Ni hindi ko nga binabasa yung mga hand outs na binibigay ng professors ko. Tiningnan ko sya mula sa pagkakahiga ko. Seryosong seryoso sya sa pagbabasa. Hayyy hindi sya nakakasawang tingnan talaga.

“Simang hindi ka pa ba matutulog? Gabi na oh”

“Matutulog na rin ako maya-maya”

“OK. Huwag ka masyado magpakapuyat. Masama yan sa kalusugan. Good night”

Dahil sa pagod ngayong araw na to mabilis akong nakatulog.

Glenn’s POV

Natapos na akong mag-aral. Tiningnan ko yung kama ko at don nakita ko si Almira na payapang natutulog.

Dug. Dug. Dug. Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko sa pagtingin pa lang sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko.

Siguro nga gusto ko sya. Gusto lang naman di ba? Parang crush lang, kaya walang masama. Dapat hanggang dun na lang yun dahil alam ko hindi magtatagal at matatagpuan na ako ni papa. Parehas lang kameng masasaktan kapag lumalim pa ang nararamdaman ko.

Nahiga na ako at nakatulog ako habang pinagmamasdan sya.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now