chapter 17

1.4K 39 0
                                    

Chapter 17

 

Glenn’s POV

Gabi na pero wala pa rin si Almira. Ano kayang nangyari dun? Dapat nandito na yun ngayon eh. Bakit naman ngayon ko lang naman kasi naisip? ang tagal na namin magkasama pero hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha yung number nya. Hay ang boplaks ko talaga.

Pano ko ngayon malalaman kung ano ang nangyari dun. Hay nag-aalala na talaga ako. Naku mapapagalitan ko talaga yun.

Kailangan pa namin pag-usapan yung kumakalat na balita na mag-live in partner daw kame. Wala naman talaga akong pakealam sa sinasabi nila eh. Sawang-sawa na akong marinig ang sinasabi ng iba. Pero alam ko apektado yun.

Di ba nasabi ko na sa inyo na sana totoo nga yung chismax na yun. Gustong-gusto ko talaga si Almira. Oh tama bang sabihing mahal na mahal ko sya. Masaya ako tuwing kasama ko sya.

Kung dati pagkatapos ng klase gusto kong sa library tumambay ngayon gusto ko na agad umuwi ng bahay kasi alam ko kapag umuwi agad ako, sasalubungin nya ako at ngingitian. (una kasing umuuwi si Almira sa apartment. Magkaiba kasi sila ng schedule sa pag-uwi)

Sa tuwing makikita ko yung mga ngiting yun, parang nagiging magaan ang pakiramdam ko.

 Lagi syang proud sa mga achievements ko. Hindi katulad ng papa ko.

Naalala ko kung pano nya pinaramdam sa akin na she’s proud of me even I’m not in rank no. 1

*flashback*

Sumali ako sa swimming competition nanalo ako pero second place nga lang. Kung nandito  ang papa ko tsak na sasabihin non. “I am so disappointed second place ka lang?”

Bakit ba hanggang ngayon kahit wala na ang papa ko sa paligid ko lagi ko pa ring naiisip yung mga sasabihin nya? Hindi pa rin talaga ako nakakalaya sa mga kamay ng nya. Parang yung mga ginagawa ko ngayon eh, para pa rin maging proud sya sa akin. Yun lang naman ang gusto.

 “Wow Glenn ang galing mo. You won. Kelangan na icelebrate natin yan” yun ang nagpalik sa akin sa reyalidad

Ang sabi ko naman “Ano ka ba second place lang ako.”

“Wag mo nga ni la lang ang second place.”

“Ano ka ba? Eh ibig sabihin non hindi ako ang pinakamagaling. Hindi kailangan icelebrate yun”

“Ano ka ba? hindi mo naman kailangan maging pinakamagaling sa lahat.

Kahit hindi ka perfect tandaan mo I’m always proud of you.

Kahit pa second ka lang sa lahat ng competition na sasalihan mo proud pa rin ako sayo at least naman kasi kasama ka pa rin sa nanalo, eh ako nga hindi ko kaya yang ginagawa mo eh,

Kahit may mali ka pa sa exam mo I’m still proud of you, kaya wag kang sobrang madedepressed kapag nagkamali ka ng isa sa test mo,(Almira’s POV: sobrang nag-eemote po itong si Glenn kapag nagkakamali ng isa sa test nya. Nakita ko po syang iniyakan yon. Hahahaha. Hindi to sanay ng nakakakuha ng grade na 99 sa test. hahahaha)  hindi ako magagalit promise, basta makapasa ka okay na yun

Kahit 1.75 lang ang grade mo proud pa rin ako sayo kasi alam ko na pinaghirapan mo yun at saka ako hirap na hirap makuha yang hinayupak na 1.75 na yan eh.

Tatanggapin pa rin kita kahit may pagkakamali kang gawin kasi sa pagkakakilala ko sayo hindi mo sasadyaing magkamali.” Tapos ngumiti sya.

Nginitian ko din sya.

“Ano tara na?” sabi nya

Sumakay na kami ng bisekleta ko.

*End of flashback*

Nakaupo ako sa may sofa nang bumakas yung pinto. Nakita kong pumasok si Almira kasama si Lucas at mukhang masayang Masaya silang dalawa. Nakakapangselos naman oh. Ikaw nag-aalala dito sa bahay samantalang siya eh nagpapakasaya sa piling ng BESFRIEND KO. nakakabarino naman talaga oh.

Umalis ako sa harapan nila at pumasok sa kwarto namin. Ibinalibag ko yung pinto. Naiinis talaga ako. 

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Where stories live. Discover now