Chapter 20

34 4 0
                                    

Chapter 20

Scared of losing you.

"May namamagitan na ba sa inyo anak? Pansin ko nga eh mukang kayo na ata,"

Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko. "Ma naman eh... Hindi po kami," ngumuso ako.

"Sure ka, anak? Eh bakit tinatawag ka na niyang baby tapos may honey at susmaryosep muka ka raw niyang asawa!" She said, overacting.

I get a glass of water to hydrate my throat. I looked around as if I would say something really private. Humarap ako kay mama at bumuntong-hininga.

"Nililigawan niya ho ako." Mabilis na sabi ko.

She sweetly smiled and suddenly hugged me.

"Masaya ako para sa'yo anak. Ang tagal mo na siyang pinangarap diba?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Huwag mo na siyang pakawalan anak. Alam kong mabait si Theo."

I nodded. I know that he's kind and tough at the same time. The one that can protect and make you feel safe. Nagluluto ako ng adobo at si mama naman ang sa paksiw na bangus. Nagsarado na ang karinderya namin pagkatapos ng nangyari kay Papa. It was sad because it has a huge part of our family.

Nakita kong bumaba si Theo. He's wearing a brand sando and black short. He looked simple, far from being well-known artist. Dumiresto siya saakin at nakapamulsang tiningnan ang niluluto ko. Ang bango niya!

"One of the reason why I plan to go here is that..." He looked at me while leaning. "I want to tell your parents that I'm courting you."

"Ahh..." I nodded while looking down. I can't meet his eyes.

"Do you have a problem?" His sound suddenly became soft. "Tell me. I will listen."

"Wala naman." Nakaiwas parin ako sa kaniya ng tingin dahil sa pagkailang. "Ah! Gutom ka na ba? Malapit na 'to."

He never respond. Tumalikod ako sa kaniya at tiningnan kumware ang niluluto ko. There's a defeaning silence. Actually, I can't think properly this past few days when he's around me. I mean, my heart is crazily beating so fast!

"Do we have... a problem?" He carefully said.

"Wala noh.."

"Then, why are you not looking at me? It frustrates me when you're not giving me attention." My lips pursed.

Ayan na party party na talaga yung puso ko. Ugh! He's driving me crazy.

"Nagluluto kasi ako." Parang tanga kong sabi. Lame excuse!

"Hey..." He called. Hindi parin ako tumingin sa kaniya.

"Sol..."

"Don't deny me. Look at me," he said in authority.

"Nagluluto nga ako..."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Honey..." He hugged me from behind, putting his chin on my shoulder. "Please... I want your attention."

"Ayos ka ah... Umayos ka nga," Natatawa kong sabi at tinanggal ko ang kamay niya saakin. "May makakita saatin."

"Ikaw kasi eh. Pansinin mo kasi ako." Tila bata siya nung sinabi niya 'yon kaya tumawa ako.

"Oo nah!" Humarap na ako sa kaniya kahit grabe na tibok ng puso ko. "Nanliligaw ka palang diba?! Makayakap 'to."

Arte ka pa sol?! Ha?! Ha!

He chuckled. "Oh! I'm sorry... is it wrong?" Hinimas niya ang batok niya habang alanganing ngumingiti. "I'm sorry." He sincerely said.

"Okay lang," ngumiti ako. I unconsciously pinched his cheek, probably attached to his cuteness.

My SolWhere stories live. Discover now