Chapter 34

907 34 0
                                    

RHIANON

"Ano ba?! Kanina ka pa sunod nang sunod!" iritable kong sabi sa kanya.



"What? May bibilhin din ako dito, " sabay pa-cute, tumili naman ang higad kong kaibigan.





"Grabe ka prendba't napapalibutan ka ng mga vitamins?" Saan na naman kaya nilagay ang utak nito at sinali pa ang vitamins.




"Anong vitamins pinagsasabi mo? " habang tinutulak ang push cart patungong meat section. Sunod nang sunod pa rin ang nasa likuran namin.




"Duhh, ang slow mo naman, vitamins. Lahat ng klase ng vitamins. Vitamins na pampalinaw ng mata, sa araw-araw, sa buhay at sa kam—katawan. Kung napapalibutan ka ba naman ng ganito ka-gwapong nilalang tiyak hiyang ka talaga sa vitamins na dulot nila." Narinig ko namang tumawa ang nasa likuran ko. Ba't kaya naging kaibigan ko 'to? May saltik talaga 'to kahit kailan, mabuti na lang ako maayos ng sixty percent.






Nandito kami ngayon sa grocery store, matapos ang insidente sa park. Matapos niya akong masalo ay mabilis pa sa alas-kuwatrong umayos ako ng tayo. Walang slow motion ang nangyari at higit sa lahat hindi tumigil ang mundo ko. Dahil hindi kami close hinigit ko si Liza para makaalis na naging tuod at nakaawang pa ang labing nakatitig sa lalaking nagpakilalang Palmer sa party ni lola Prescilla. Nagulat na lang ako nang pagbaba namin sa taksi bumaba rin ito sa kanyang sasakyan.






Mabuti na lang hindi na nang-usisa o makisali sa usapan si Palmer pero nakasunod pa rin sa 'min. Hindi ko na lang ito pinansin, bahala siya.




Matapos kong mabayaran lahat, nag-aabang na kami ng taksi ni Liza.




"Wanna ride?" Bumaba ito sa kanyang sasakyan. Umingos lang ako sa mala-sky flakes advertisement niyang approach.



"'Wag na baka magka-utang na loob pa ako sayo." Kinurot naman ako ni Liza sa tagiliran at pasimpleng bumulong.



"Prend naman pumayag ka na, kung ayaw mo pwedeng ako na lang, " malandi itong tumawa pagkatapos tumingin kay Palmer na kumurap-kurap, nakakahiya ang babaeng 'to.





"Palmer 'di ba? Sure pwede mong isakay itong kaibigan ko at ihatid, kailangan niya kasi ng tulong sa dami ng pinamili namin. Pa'no 'yan prenny alis na 'ko kailangan ko pang maghugas ng pinggan. Baboo and enjoy." Mabilis itong tumakbo palayo. Wtf?



Liza!




Naiwan akong nakanganga dito. Hindi makapaniwala sa sinabi ng bruha kong kaibigan at pag-iwan sa 'kin ng basta-basta. Akala ko ba trip niya ang lalaking 'to? Kahit kailan talaga hindi ko mabasa ang takbo ng utak ng babaeng yun. Ipagduldulan ba naman ako. Anak ka talaga ng kagang Liza!





"So, I guess you don't have a choice lalo pa't walang taksi ang dumadaan ngayon." Sinamaan ko lang ito ng tingin at tiningnan ang cellphone ko nang nag-vibrate. May text message pala.




From: Troy hambog

Where the fvck are you?

Who's with you? Sino 'yang kasama mo?




Ano bang problema ng lalaking 'to? Ako pa talaga tinanong kung sino ang kasama ko. Siya nga may pa-important important matter pang nalalaman. Hindi ko siya ni-replyan at inilagay ito sa pouch ko.




"So, ihahatid na kita?" ulit na naman nitong tanong. Napaisip naman ako, tiyak nag-anyong tigre na ang hari ngayon kaya kailangan kong makauwi agad at isa pa tipid na rin 'to lalo pa't sampung libo ang nabayaran ko sa lintek na ala-gintong presyo na pagkain.





TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now