Chapter 32

907 44 0
                                    

RHIANON

Matapos kong kumain agad kong kinompronta si Troy tungkol sa letseng balita. Pero ang letseng lalaki nagkibit-balikat lang at sinabing wala na siyang magagawa. Napahilamos ko ang dalawa kong palad sa inis. Tsk! Kasalanan ko din naman 'to, binayaran niya ako. Kung ano man ang nangyayari parte na yun. Ano ba ang aasahan mo Rhia? Kulang na lang pagmamay-ari na nito ang buong Pilipinas kaya malamang sa malamang front page talaga yun sa dyaryo.



Hays bahala na kailangan ko pa pala maghanda ng isang batalyong paliwananag sa pamilya ko lalo na sa baliw na si Liza. Paniguradong hinding-hindi nila ako titigilan. Ngayon pa't mukhang mala-wattpad leading man pa naman ang hitsura ng lalaking yun.



Kaya bago ako natulog nagtirik muna ako ng kandila para sa kapayapaan ng aking kaluluwa.




Maaga akong nagising para ipagluto ang kamahalan. Siyempre kailangan pagsilbihan ko siya bilang ulirang asawa, pwee gusto kong kilabutan. Kung wala lang sweldo 'to, naku!



Agad kong inihanda ang gagamitin ko para sa pagluluto ng pancake. Lumingon lingon ako sa paligid, ayos! Walang tao, paniguradong tulog pa yun.



♪♫Di ko kayang tanggapin na ika'y mawawala sa akin!♪♫Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiiiinnnnn!♪♫



Bumirit ako habang ginagawang microphone ang whisk.




Hapdi! ♪♫At kirot,  na dulot sa akin damdamin.♪♫ Di ko na kayang mabuhay sa mundo kong mawawala ka sa piling koooooooo,♪♫



Pumipikit-pikit ako para mas ramdam talaga ang kanta.





"Tss, what an annoying voice, " agad nabitin sa ere ang whisk na ginawa kong mikropono. Hindi ko magawang makakilos dulot ng pagkapahiya kong naramdaman! Lupa lamunin mo na ako, now na!


TROY

♪♫Di ko kayang tanggapin na ika'y mawawala sa akin!♪♫Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiiiinnnnn!♪♫


My brows furrowed instantly when I heard deafening voice, coming from the kitchen?



I muttered a course nang mapagtantong si Rhianon yun.  Napangisi ako, I loosen my tie up. Dahan-dahan akong nagtungo roon.




Wtf?!



She acted like a concert queen holding a whisk as her microphone. She even included different gestures with conviction.




This girl is really damn amazing, she never failed to amuse me since the very first day we met. Alam kong una pa lang kakaiba ka, something that can't get off on my head. Sa oras na malaman ko ang tunay mong pagkatao at mapatunayang ikaw ang matagal na naming hinahanap. Hinding-hindi na kita hahayaang makawala pa, dahil sa simula palang akin ka na.





Hapdi! ♪♫At kirot,  na dulot sa akin damdamin.♪♫ Di ko na kayang mabuhay sa mundo kong mawawala ka sa piling koooooooo,♪♫



TriaLove Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon