Chapter 2

1.2K 96 48
                                    

"Basta aling Norma ang kulang sa susunod kong balik ha?" Paninigurado niya sa kausap habang dala-dala ang kanyang notebook na listahan ng utang.

"Oo na Rhia, pag nakabayad na ako papautangin mo ulit ako ng sabon mo ha, mukhang tumalab kasi ang alindog ko ngayon kay mister mula ng gumamit ako ng produkto mo, " anito na kinikilig.

Gusto niyang matawa dahil kung siya lang ang tatanungin wala naman talagang pinagbago, mataba at maitim parin ito. Umutang kasi ito sa kanya ng kojic na sabon at diet pills dahil ang asawa niya raw kada madaling araw na umuuwi at ang hinala nito nambabae.Dahil mabait siya at kailangan, ginamitan niya ng sales talk, sinabihan niya na baka hindi na nagandahan ang asawa nito kaya naghanap ng iba. Walang alinlangan naman ang ginang umutang ng alukin niya ng kanyang produkto.

"Oo naman aling Norma basta sa susunod laki lakihan mo narin ang hulog mo para hindi ako maubusan ng supply. Total blooming na blooming ka ngayon. Mukhang dilig na dilig talaga ni mang Robert. Sanaol diniligan." Namula naman ang ginang na tila kinikilig. Hay naku aling Norma kung alam mo lang.

"Oh siya mauna na ako mahaba-haba pa 'tong listahan ko. Sa susunod kong balik wag mong kakalimutan ha."
Tuluyan na siyang nagpaalam sa ginang ng tumango lang ito , hindi parin maka get over sa sinabi niya.




••••

TIRIK na tirik ang araw habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalye patungong sakayan ng jeep.

Akmang tatawid siya sa kabilang kalye nang biglang may sasakyang humarurot at muntik na siyang masagasaan. Napasigaw siya sa gulat at halos lumabas ang puso niya sa kaba napasinghap din ang mga taong nakakita.

Agad nawala ang kanyang pagkagulat ng makitang nagkalat ang kanyang mga produktong dala na ibebenta niya sana sa mga pasyente o di kaya'y mga bantay duon na nagkapiraso-piraso, nanlumo siya sa nasaksihan.

Tumigil ang sasakyang muntik ng makabangga sa kanya at dali-dali siyang nilapitan ng drayber.

"Miss ayos ka lang?! May nabali ba sayo? May masakit ba?" natatarantang tanong ng drayber at tinulungan siyang pulutin ang mga produktong nagkalat.

Agad naman sumiklab ang inis niya dahil tiyak lugi na siya.

Kung minamalas ka nga naman!

Inis siyang tumingin sa drayber at handa na sana niyang sigawan ito ng-

"C'mon Raphael, I'm getting late it's not our fault, " ani isang baritonong boses.



Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Halos malaglag ang eyeballs niya at bahagyang nakaawang ang kanyang labi ng masilayan ang nilalang na nakatayo kalapit sa sasakyan nito.

Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa agad siyang napatigil sa gitna at bahagyang napalunok.

Daks.

Jusko ano kayang feeling?

Napatingala siya, may ganito pala ka gwapong nilalang? Naka-shades ang lalaki at naka formal attire ito. Sumisigaw ang kakisigan nito. Ang hot! Katawan pa lang mukhang ulam na.



Yummy.

"Pe-pero sir-"

"No buts Raphael let's go."

Agad bumalik sa katinuan si Rhianon nang umandar ang sasakyan ng mga ito. Dali-dali siyang tumayo.

"H-hoyy sandali lang!" pahabol na sigaw niya at tumakbo patungo sa sasakyan pero dahil sa kalandian ng isip niya kanina huli na ang lahat, nakaalis na ang sasakyan. Bago pa mawala sa kanyang paningin ang sasakyan tiningnan muna niya ang plate number at kinabisado.

TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now