Chapter 21

944 67 13
                                    

RHIANON

Kanina pa nangangatog ang tuhod ko habang nag-aayos. Oo pinag-ayos talaga ako kahit simpleng dinner lang. Talagang binilhan niya ako ng damit para daw magmukha akong tao. Anong tingin niya sa akin? Aso? Ganda ko namang aso.


Napaigtad ako sa pagsusuklay ng may malakas na kumatok.

"Ano na Laura? Tapos na?" Pang-apat na beses na niya 'yan ginawa.

"Malapit na, eksayted lang?" Mabuti naman at hindi na nangulit. Suot ko ang isang knee-length cocktail dress with 3-inch heels.

Malalim ang hiningang pinakawalan ko habang nakaharap sa salamin.

"This is it Rhia, 'wag kabahan dapat relax lang. Chill chill lang ganon." Natawa ako sa sarili ko, muntanga lang.


Sinipat ko muli ang sarili sa salamin at napagpasyahan naring lumabas. Habang pababa ako ng hagdan, namataan ko si Troy na nakahalukipkip sa baba. Bigla itong napatingin sa kinaroroonan ko at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam bakit tila naka glue ang mga mata ko sa kanya, hindi ko maalis. Ibang iba ang suot niya ngayon, isang dress pants with collared shirts na pinatungan niya ng jacket. Napatanga ako dahil ibang iba ang dating niya na palaging naka formal attire. Nagtitigan lang kami na tila kinabisado ang bawat pagkatao namin hanggang sa...

"Aray!" Natalisod ako sa huling baitang ng hagdan, literal na subsob ang mukha ko. Tiningnan ko ang mukha ni Troy. Seryoso lang ito na nakatingin sa akin pero alam kong nagpipigil lang 'to ng tawa, nakakainis!

"Psh, get up mukha kang palaka." At tumalikod na ito. Dali dali naman akong tumayo bwesiiittttt umiiral na naman ang katangahan ko. Ganda na ng moment, nasira pa. Inayos ko ang damit ko at sumunod sa kanya papuntang sasakyan.

NAKARATING agad kami sa napakalaki na namang mansiyon ng mga Buenavista ng hindi nag-iimikan. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Pinagpawisan rin ang kamay ko.

Maya-maya pa naramdaman kong may humawak sa kanang kamay.

"Relax be yourself ialis mo lang ang katangahan mo." Watda?? Ang kaninang nakakapasong nararamdaman ko sa paghawak niya sa kamay ko biglang naglaho.

"Okay na sana dinagdagan pa." Maktol ko.

"Be ready and act a real one." Bulong nito at agad kong ikinawit ang kamay ko sa braso niya.

Nakangiti akong pumasok habang seryoso naman ang mukha ng kasama ko.

"Good evening sir Troy at ma'am Rhia, kasalukuyan na po kayong hinintay ni  Don Napoleon." Bati ni Raphael sa amin. Ang totoo ano ba talaga ang trabaho nito? Drayber? Butler? Security guard? Ay ewan. Nginitian ko lang si mang Raphael habang tinanguan lang siya ni Troy.



Habang papalapit kami sa dining area ramdam na ramdam ang kabang nararamdam ko. Halos marinig ko na ang sariling pagtibok ng puso ko. Sosyal na sosyal talaga ang mayayaman dahil namataan kong nakahilera ang mga maid kalapit sa mesa. Jussskooo nakita ko na po ang lolo ni Troy nakatalikod sa amin. Gusto kong tumakbo paalis at hindi na kailanman babalik. Napahigpit ang hawak ko sa braso ng kasama ko.


"Umayos ka." Tumikhim ito.

"Grandpa we're finally here." Masiglang sambit ni Troy dahilan para mapalingon ang lolo niya ng nakangiti. Agad naman nawala ang masayahing ngiti nito ng dumapo ang tingin sa akin napalitan ng pagkagulat. Owwwkaaayyyy mukhang hindi yata ako bet ni lolo, awkward akong ngumiti sa kanya.


"P-Prescilla?" Wala sa sarili nitong sambit. Prescilla? Sinong Prescilla? Lumingon ako sa kaliwa at kanan ko, wala namang ibang tao bukod sa mga katulong. Tumingin ako sa likuran, wala naman at sa pagkakaalam ko hindi Prescilla ang pangalan ko Rhianon Laura. Ngumiti ako sa kanya.

"Good evening po, hindi po Prescill-."


"Lolo she's Rhianon Laura Agustin, my wife." Putol niya sa sasabihin ko dahilan para matauhan ito.

"And wife meet my lolo, Napoleon Buenavista." Dagdag nito.

"Nice to meet you sir." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero hindi niya 'yon tinanggap dahil niyakap niya ako. Weird.

"Finally to meet you Rhianon, welcome to the family." Hindi ko maintindihan ang lolo niya parang matagal na niya akong kilala. Imposible naman 'yun dahil nagmula sila sa kilalang pamilya at paano niya naman makilala ang hamak na raketerang tulad ko.

"S-sige na maupo na kayo." Sambit agad nito matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin at kay Troy. Tiningnan ko ang kasama ko, salubong ang kilay nito. Marahil nagtataka rin sa reaksiyon ng lolo niya. Pasimple ko itong siniko para matauhan.

KASAlukuyang hinanda ng mga katulong ang pagkain na akala mo naman may fiesta sa sobrang dami. Baka isang buwan na naming ulam 'to.

Habang kumakain kami ang hinhin ng kilos ko dahil laging nakatingin ang lolo ni Troy sa akin. Parang pamilyar na pamilyar talaga siya sa mukha ko. Ang sarap pa naman sana kumain lalo na pag-nagkakamay.

"You two look good together parang hindi ko tuloy maisip na napilitan ka lang pakasalan ang apo ko." Halos nabilaukan ako sa sinabi ng lolo niya pero pinigilan ko ito. Sapilitan kong nilunok ng pagkain at uminom ng tubig. Sakiiitttt sa lalamunan pramisss.

"Oo naman po sir, hindi naman po mahirap pakisamahan si Troy. Minsan nakakainis pero mas nangingibabaw ang kagwapuhan este kabutihan niya." Gusto kong batukan ang sarili dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Tumawa ang lolo nito kita ko rin sa gilid ang multong ngiti sa labi niya.



"I see masaya ako at ang magandang tulad mo ang pinakasalan ng apo ko, matagal na naming hinintay 'to. And don't call me sir Rhia,  lolo na lang total asawa ka naman ng apo ko." May kakaibang kislap ang mata niya habang sinasabi 'yon. Ang weird talaga ha, tapos may sinasabi pa siyang matagal na raw nilang hinihintay. Ahh baka naman sila ni Troy ang ibig nitong sabihin.




"S-sige po si- lolo." Tiningnan ko si Troy tahimik lang itong kumakain.


Marami pa kaming napag-usapan habang kumakain. Tinanong niya ang mga magulang ko na sinagot ko naman ng totoo. Akala ko panghuhusga ang marinig ko sa kanya dahil sa estado ng pamumuhay ko pero nagkamali ako. Tanggap na tanggap niya ako, 'yun nga lang hindi makaligtas ang minsang pagtitig niya sa akin. Kung hindi lang talaga 'to lolo ni Troy baka isipin kung may gusto sa akin, echosera. Pero hindi sa paraang manyak ang titig niya eh, kakaiba talaga....

"Akyat ka na sa taas and take a rest. May pasok ka pa bukas." Kararating lang namin at umakyat agad ito sa taas. Isa pa 'tong kasama ko parang lutang, lalim ng iniisip palagi. Hindi nga halos umimik  sasagot lang pag-tinanong lalo na pagdating sa negosyo. Hayss ang weird ng maglolo na 'yun.


Umakyat na ako sa taas at naglinis ng katawan bago humiga sa kama.



"Prescilla? Sino naman kaya 'yun? Bakit parang ako ang tinatawag niya na Prescilla? Hayyss ang gulooooooo."




Makatulog na nga, dahil tanggap na tanggap pala ako sa kompanya ng ASAWA ko.




TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now