Epilogue

1.3K 58 14
                                    

"Troy Hilthon Buenavista! " umuusok ang ilong ko nang makita ang niluto niyang chicken adobo kuno. Peste adobo pa ba ang nakikita ko, kulang na lang maging uling sa sobrang itim.

Agad akong lumabas ng kusina at ang loko nagpanggap na nilalaro si Thria na nasa stroller, limang buwan na ito. Nakatalikod siya sa akin.

"Troy halimaw babe, " lambing na lambing kong tawag nagpipigil sumabog ang inis. Anim na kilong manok ang sinayang ng walang hiya. Kitang-kita ko kung paano ito natigilan.

Dali-dali niyang kinarga si Thria.

"Yes my dear Laura, " aniya sa malambing na tono pagharap na nagpainit ng pisngi ko, walanjo ang lakas ng epekto ng diablo.

Tinaasan ko siya ng kilay.
"'Wag mo akong ma-Laura Laura dahil hindi ikaw si Florante at mas lalong hindi ka si Massimo." Pinagkrus ko ang braso sa aking dibdib.

"Well, I can be sweet as Florante but I'm freakish as Massimo when someone try to get you, " sabay kindat. Kalma Rhia galit ka, galit. Nililihis lang niyan ang usapan.

Huminga ako ng malalim.
"At sinong nagsabi sayong tustahin mo ang adobo Troy Hilthon? " nakataas kilay kong tanong. Ito kasi ang nagpresintang BANTAYAN sandali habang inaayos ko ang ibang pagkain sa garden. Nakipagpalit pa talaga ito sa pagbantay ni manang kay Thria.

"Look, I'm sorr-"

"Alam mo bang ilang minuto na lang dadating na sila, tapos nagawa mo pang tustahin. Jusmiyo naman Troy sa negosyo ka lang ba talaga magaling? Ang magpayaman? " putol ko sa eksplanasyon niyang walang kwenta.

Ngumisi naman agad ito.

"In case you forgot magaling din ako sa kama, " may malisya ang boses nito. Napapikit na lang ako ng mariin. Kahit kailan talaga!

"Fine, magluluto ulit ako tatawagan ko lang si manang para bantayan si Thria." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, tiyak sasabog na ang kusina pag-nagkataon.

"Hello Philippines, hello world!" Napatingin kami sa dumating, alam na diz!

Liza!

"Troy my friend!"
Napatingin na naman kami sa bagong paparating.

Aliro and Vince!

Mabilis kong tiningnan si Liza. Ayown ang bruha nanghuhubad ang tingin sa dalawa lalo na kay Vince, jusmiyo. Marahil napansin ng dalawa ang titig niyang nakakapaso, lumingon ito sa gawi niya na parang timang dahil mukhang rapist ang hitsura niya.

Bago pa mahubaran ang dalawa ay mabilis ko na siyang hinila patungong kusina.

"Grabe ka naman prend ang daya mo talaga. Napapalibutan ka na nga ng grasya ipagdamot mo pa." Tinampal niya ako sa braso.

"Tumigil ka nga, hindi 'yan papatol sa malantod na katulad mo at saka may boyfriend ka ng parang mais ang buhok 'di ba?"

Kung makaasta naman ito parang hindi ko naipakilala sa kanya at hindi minsang magkrus ang landas ng dalawa tuwing dadalaw sila dito.

Matapos ang kidnap ek-ek na nangyari sa 'kin isang taon na ang nakaraan ay maayos na ang takbo ng buhay namin. Nalaman ko na rin ang totoo kong pagkatao na akala ko'y sa isang telenovela lang mangyayari. Magpadala kaya ako sa MMK o di kaya sa Magpakailanman. Alin kaya ang mas maganda?

Ipinaliwanag ni lola Prescilla na sabay namatay ang magulang namin ni Troy sa isang plane crash na pagmamay-ari ng Vallez-Buenavista Empire nang balak sana nitong um-attend sa isang business meeting sa Europe. Akala nila aksidente talaga ang nangyari, yun pala ay kagagawan ni Lambert Montero. Ipinaliwanag rin nila ang hidwaan na namagitan sa kanila mula pa noon.

TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now