Chapter 33

908 32 0
                                    

RHIANON

"Rhianon bruha, dito!" Agad akong napalingon sa makabasag eardrums na boses ni Liza. Aba, prenteng-prente  ang pagkaupo ng gaga.



Sinenyasan ko itong tumahimik at agad nagtungo roon. Wala talagang hiya sa katawan ang babaeng 'to kung makatawag parang nasa bintana lang ng bahay nila,  nanghihingi ng ulam.



"Langya ka Liza kung makaaya ka sa isang mamahaling restaurant pa, may ibabayad ka gorl?" bungad ko sa kanya at naupo. Ano kaya kailangan nito?


Dumukwang naman ito at walang pasabing binatukan ako, bwesit muntik na akong masubsub.



"Talipandas ka Rhia, nanggigil ako alam mo ba yun? Naka-jackpot ka na pala hindi mo man lang sinabi sa 'kin. May trabaho trabaho ka pang nalalaman, yun pala sumama ka na. Walang jowa pero may asawa na. Grabe ka prend ako ang nangarap ng ganong kagwapong nilalang, sayo natupad. Sabihin  mo nga sa 'kin ano bang gayuma ang ginamit m—ay hindi tips na lang para magamit ko. May kaibigan din ba siyang kasing gwapo niya? Tulungan mo naman ako—gosh hindi talaga ako maka-get over  kung gaano siya kagwapo. Kung ako siguro yun nahimatay na ako. Hayysstt sana ako na lang ikaw."




Nakaawang ang bibig ko sa sunod-sunod niyang pagsalita. Akmang ibubuka ko na ito para magsalita...



"Pa'no at saan ba kayo nagkakilala? Bakit hindi mo man lang pinaalam sa amin? Pambihira naman prend, sana man lang inimbitahan mo kami. Siyanga pala nag-order na ako ng pagkain, ikaw magbabayad ha, total big time ka na nama—"



Hindi na ako nakatiis ay agad ko na itong binatukan. Namumuro na 'to sa akin eh.



"Sige sige lakasan mo pa boses mo, yung tipong aabot talaga sa labas." Inilibot naman niya ang kanyang paningin, lahat nakatingin sa aming pwesto.




Napahiyang ngumiti naman ito sa akin. "Oo nga 'no, masyadong napalakas ata boses ko." Hindi pa siya aware sa lagay na 'yan.


Agad naman dumating ang inorder niya. Halos malaglag ang panga ko nang makitang parang may piyesta sa dinami ng in-order niya.


"Ikaw naman magbabayad kaya sinulit ko na hehe, " pinagkiskis niya ang dalawang palad.


"Chibugan na, " agad niya itong nilantakan.



"Woie ano pa ba hinihintay mo? Kain na sayang oh, " aniya habang puno ang bibig. Lintek na langaw napasubo ako ng wala sa oras.

••••

"Ten-thousand pesos?!" Halos panawan ako ng ulirat nang makita ang bill. Halos lahat nga ng ginagawa ko may bayad, tapos ngayon isang kain lang ilang libo agad? Akala mo naman ginto kinain namin.


"Yes ma'am, " nakangiti pang sagot ng waiter. Binalingan ko ng tingin si Liza,  ayon nakaawang ang mga labi at gulat na gulat. Napahilot ako sa sentido dulot ng frustrasyon. Ano ang ibabayad ko nito?



Tila naman nagdilang-anghel ang isip ko nang maalala ang credit card na binigay ni Troy.


"Grabe prend bigtime ka na talaga, " aniya habang sinusundan ako palabas matapos kong magbayad. Sarap mo talagang ibalibag sa imburnal Liza.


"Bilisan mo dahil mamimili pa ako... Te-teka nga bakit biglaan ang pagtawag mo bruha? " sabay lingon sa kanya. Napatakip naman ito sa bibig nang may naalala. Kahit kailan talaga basta pagkain ang pag-uusapan, maraming nakakalimutan. Ilang new year na ang nakalipas hindi pa rin natupad ang resolution niya—ang maghinay-hinay at hindi pabigat sa pagkain.




TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now