Chapter 17

940 71 3
                                    

RHIANON

Ilang beses na kaya ako napamaang sa karangyaan ng lalaking 'to. Shuta ang laki ng kanya este opisina niya daig pa ang condominium.


"Tsk,  here we go again, " mahinang sambit nito kaya dali dali na akong umupo baka sumigaw na naman ng "TATAYO KA NA LANG BA RIYAN O HIHILAHIN PA KITA PABABA!" Duhh try niya kaya ako hilahin pataas. Saulo ko na ang linya ng diablo.


"Ehem kailangan pa ba ng interbyu kaya dinala mo ako rito?"

"Yes." Sinasabi ko na nga ba, walang libre sa lalaking 'to. Hindi pa naman ako handa!

"Siguraduhin mo lang na madali lang ang tanong ah, " paniniguro ko. Aba ang loko ngumisi na naman.

"Just wanna test your intelligence babe." Abaaaaaaaa may pakindat kindat pang nalalaman. Ibahin niyo ako dahil hindi ako natubuan ng kilig. Masyadong tokshit ang lalaking 'to.

"Go ahead, " seryosong english ko.

"Since you graduated major in marketing..." Huminto ito. Tss pabitin at talagang nginisihan ako. Base sa histura nito siguradong sigurado siya na hindi ko masasagot ang tanong niya. Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako.



"Oh you're finally here Ms. Apacible." Bati ni Troy sa dumating. Isa itong middle-aged woman na kung titingnan mo ay napakasungit at strikta. Ehem Ms. daw kaya I assume matandang dalaga.


"I'm so sorry sir may tinapos lang." Matamis ang ngiting iginawad ni madam sa sir niya... Lantod haha. Agad niya ako tiningnan na parang sinusuri ang pagkatao ko.




"Ito na ba siya?" tanong niya kay damuho na nakataas na naman ang kilay.

"Yes this is Rhianon Laura Agustin. Laura this is Ms. Amie Apacible Marketing specialist manager." Nakipagshake hands ako dito.

"Please to meet you Miss," magalang kong saad.


"Interview her in front of ME."
Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.Hindi ako handa!Kitang kita sa gilid ng mata ko ang pagngisi ng walang hiya. Haaissttt bahala na mas maganda na rin 'to para wala akong tatanawin na utang na loob sa kanya.




"Follow me." Bagsak ang balikat ko na sumunod kay Ms. Apacible na pumunta sa couch. Nakatingin lang ang damuho sa akin.



"Tell me about marketing?" Oh Lord diretsang tanong agad. Biyayaan mo sana ako ng kaalaman at karunungan.



Tumikhim ito hudyat na kailangan ko siyang sagutin. Lumilinga linga ako nagbabakasakaling makahanap ng sagot hanggang sa natuon ang atensiyon ko sa walang hiya na tiningnan lang ako ng nakangisi. Parang alam na niya na mapapahiya ako.



"A-ah m-marketing is a-about cre-creating and a-accumulating customers and it requires specific knowledge in terms of consumer behavior, sales, market research, competitor analysis and creative among others." Malalim ang hiningang pinakawalan ko. Muntik na yun ah.


"Do you have any idea about market mapping?"



"I guess it is similar to sales data mining. It refers to grouping customer products to certain market variables." Langya parang oral recitation ang drama ko.



"How about the role of marketing specialist?"



"It i-is p-part of m-marketing s-specialist to develop sales presentations and provide report based on information collected such as marketing trends, competition, new products and pricing." Gusto kong lumundag sa tuwa dahil nasagot ko ng diretso. Akala ko na out of stock na ang knowledge ko haha.



TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now