Chapter 13

936 68 14
                                    

RHIANON

"Hay naku Delia may mga tao talagang mapagsamantala."

"Sinabi mo pa Martha akala mo naman kagandahan."




'Yan ang mga pasaring ng dalawang pilandok nang makita ako pababa ng hagdan patungong kusina. Hindi ko na lang pinansin, wala pa akong isang araw dito kaya magtamad-tamaran muna akong patulan sila.



"Oh Rhia akala ko ba nagpapahinga ka, " si Aling Nelia nang makita ako. Kakaupo niya lang sa upuan—malamang alangan naman sa mesa uupo psh lol.



"Ah nakakatamad po kasi atsaka gusto ko sana tumulong sa mga gawain dito." Umupo naman ako.




"Ano ka ba, asawa ka ni senyorito kaya nararapat lang na pagsilbihan ka namin, " sagot niya ng nakangiti.



"Baka gusto mong kumain?" alok niya.


"Naku hindi na po, busog pa po ako, " mariing tanggi ko.



"Sandali ikukuha na lang kita ng maiinom." Hindi na ako tumanggi nang tumayo siya.




"Ito na Rhia." Abot niya ng juice at naupo. Ininom ko naman agad ito.




"Alam mo napakabait niyang si Senyorito sa amin." Wala sa oras kong naibuga ang juice na ininom ko sa sinabi niya.


"Okay ka lang ba Rhia?" Natatarantang tanong ni Aling Nelia at kumuha ng pamunas sa mesang nabasa ko. Juice colored! Mabait daw?! Saan naman banda? Magugunaw na ba ang mundo? Ni hindi ko nga makuha ang ugali ng hambog na 'yun—masyadong magulo. Pero isa lang ang sigurado hindi kasali ang kabaitan sa magulo niyang ugali.

"Hmm Aling Nelia mabait? Si Troy po ba ang tinutukoy niyo?" paninigurado ko sa kanya.



"May iba pa bang senyoritong nakatira rito?" naguguluhan niyang tanong

"W-wala nga po hehe." Hala? Parang di ko ma-imagine na mabait ito, kinikilabutan ako.

"Sa katunayan hindi siya yung tipo ng amo na sumisigaw, mapagkumbaba, palangiti at alam niya kung saan ilulugar ang sarili ng hindi nakakasakit sa ibang tao, " kwento nito.


Hindi sumigaw? Sinisigawan nga ako nito ng napakaraming beses.



Mapagkumbaba? Tokshit na naman. Baka kako hindi pa ito lumabas ng coffee shop matagal na akong may black eye. Lalong lalo na ang insidente sa bar dahil kitang kita ko ang panlilisik ng mata niya.




Palangiti? Jussko santisima sa ilang beses naming pagkikita hindi ko pa ito nakitang ngumiti ng totoo. Ang ngumisi pwede pa---ngising demonyo.





Alam daw ilugar ang sarili? Walanjo ni hindi nga magawang mag-sorry kahit siya ang may kasalanan. Sumisigaw kahit saan at nakuha pa akong ipatanggal sa pinagtatarabahuan ko kahit KASALANAN naman NIYA. Kumulo na naman ang dugo ng maalala ang kamalasang nangyari sa akin kamakailan.




Parang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni Aling Nelia hindi kaya ng utak ko. Napaka-ambilibabol naman kasi, LAHAT KABALIGTARAN sa nakikita ko.




"A-ahh hehe nakakatuwa pong isipin na gano'n po siya sa inyo." Nakangiwi kong turan buti hindi nito nahalata ang reaksyon ko.



"Ay oo napakabait ng batang 'yan kaya nga matagal na akong nanilbihan sa kanya." Ngiting ngiti talaga ito.



"Aling Nelia sige punta po muna ako sa taas sumakit kasi ang ulo ko." Paalam ko bago pa makarinig na naman ako ng papuri sa lalaking 'yun.



"O siya sige magpahinga ka muna, may gamot diyan sa cabinet sandali kukunin ko lang at ipatatawag na lang kita kung kakain na." Kinuha ko naman ang gamot na ibinigay niya bago bumalik sa taas.



Lord, mabait daw? Tsk bulag ba ang mga tao sa mansyong 'to? Lahat ng katangian niya ay hindi pasok sa criteria of judging. Napakalayo ng ugali niya sa isang gentleman. Susmaryosep.





NAALIMPUNGATAN ako nang biglang bumakas ang pinto.




"Buti gising ka na mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi na kita ginising kanina. Mauna ka ng kumain mamaya pa 'yun si senyorito darating." Nakatulog pala ako sa kababagot sa mansyong 'to. Agad akong tumayo ng maramdaman kung kumalam ang sikmura ko.


"Aling Nelia anong oras na ba?"


"Mag-alas nuwebe na ng gabi iha, halika na." Pakshet ang tagal ko palang nakatulog. Sabay naman kaming lumabas ng silid.



"Masanay ka na sa asawa mo Rhia talagang late talaga 'yun umuuwi dahil sa trabaho." Basag niya sa katahimikan habang papunta kami sa baba.




"Trabaho trabaho baka babae, " bulong ko.


"Ano yun Rhia?"




"Ahh hehe w-wala po halika na po kakain na tayo." Agad nagpatiuna akong lumakad. Baka narinig niya ang sinabi ko at sabihin pang nagseselos ko. Ews sa hitsura pa lang ng lalaking 'yun babaero na.



"Tapos na kaming kumain Rhia atsaka hindi kami sumasabay ng kain sa inyo." Napatigil naman ako sa sinabi ni Aling Nelia. Nilingon ko ito. Haneppp talaga ang mga mayayaman.





"O siya sige matutulog na ako hinintay lang talaga kitang magising at nagpapahinga narin ang iba. Manuod ka na lang ng TV kung hihintayin mo pa si senyorito para hindi ka mabagot." Tumango na lang ako at agad naman umalis si Aling Nelia.


Naabutan kong nakahanda na lahat ng pagkain sa hapag.



"Taray iba talaga ang mayayaman." Kumain narin ako masama ang paghintayin ang grasya. Hmmm mukhang hindi na rin masama ang pagpirma pirma ko ng marriage contract na 'yun. Lakas makabuhay prinsesa at pagsilbihan. Tsk ni sa panaginip hindi ko pinangarap na makaranas ako ng ganito ng walang kahirap hirap.




Mas masarap parin namnamin ang isang bagay kung pinaghirapan mo itong makuha. Sariling pagsisikap at tiyaga ang puhunan gaano man ito kaliit makukuha parin nating maging masaya sa naging bunga ng paghihirap natin. Everthing takes an effort to be worth—opppss english haha.


Kamusta na kaya sila ngayon? Panigurado nagbabasa na naman si Ana ngayon. Wala pa akong isang araw dito namiss ko na agad sila. Tawagan ko na lang kaya? Ay shuta wala pala akong load. Pagkatapos kong kumain niligpit ko na agad at hinugasan.




Napagsayahan kong hintayin na lang ang lalaking 'yun total hindi pa naman ako inaantok. Muntanga lang kong aantukin na kagigising lang.


Maya maya pa napansin kong may sasakyan na paparating. Nandito na ang diablo. Agad akong tumayo at nakapameywang with matching taas-kilay.


"BAKIT NGAYON KA LANG?! NAISIP MO BA KUNG ANONG ORAS NA?! HINDI MO BA ALAM NA MAY ASAWA KANG NAGHIHINTAY SAYO?! HINDI MO BA ALAM NA MAY ASAWANG NAG-ALALA SAYO?!"






TriaLove Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now