Chapter 24

954 71 0
                                    

RHIANON

Hanggang ngayon hindi parin kayang iproseso ng utak ko ang sinabi ni Troy.

"Bakit hindi mo sinabi agad kagabi na ngayon pala 'yun?!" Lutang na nga ako kanina tapos ngayon agad agad niyang hihilahin para mag-ayos dahil mamaya na pala.

"Hindi naman big deal 'yun and nakalimutan ko." Inayos niya ang seatbelt. Puteeeekkkk hindi raw big deal?!

"Anong hindi big deal? Napaka-BIG DEAL sa akin 'yun Troy. Alam mo bang hindi ako makatulog dahil sa letcheng party na 'yan!"



"Ano ba ang ikinagalit mo? Party lang 'yun. Pupunta lang tayo, makikihalubilo! Don't act as if you're the celebrant." Agad nitong pinaandar ang kotse patungon sa ewan hindi ko alam. Sapul na sapul ako do'n ah. Oo nga noh? Bakit ba masyado akong maka-react?



"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko dahil sanay ka sa ganung okasyon. Magkaiba ang mundong namulatan natin Troy. Wala akong ideya sa ganyan. Kaya hindi na ako magtataka kung pilit mo akong papuntahin do'n para mapahiya."




"Tss silly, tingin mo hahayaan kitang ipahiya? No matter what might happen nasa tabi mo lang ako....nakaalalay sayo." Wuttt?!! Hindi ko alam pero biglang nag-init ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko para na akong mansanas sa sobrang pula.


Kinilig ka naman?



"Ako kinilig? Yuckkk no way!" Agad akong napatakip ng bibig nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Waahhhh sa isip ko lang yun ehhh. Narinig ko naman itong tumawa kaya mas lalo akong nahiya. Pahamak talaga kahit kailan ang bibig ko ang sarap pitikin at busalan. Umasta na lang ako na parang walang nangyari at ituon ang atensyon sa labas. Pero sa ka-loob-looban ko gusto ko ng lumubog sa kahihiyan.



"Oh akala ko ba maghahanda na ako sa party? Bakit dito agad sa bahay? Alam mo namang wala akong damit na masusuot." Akala ko didiretso kami ng mall 'yun pala dito sa bahay niya. Alangan naman mag-daster ako papunta 'dun.


"Tss." Agad lumabas ng sasakyan kaya dali-dali kong inalis ang seatbelt para habulin siya.



"Troy! Ano ba?!" Patakbo akong pumasok ng mansyon.



"Troy hoy wala akong dam..........." Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may nakita akong tatlong bakla na nakaupo sa living room.



"Mr. Buenavista you're finally here." Ngiting ngiti si baklang mataba at nakipag beso sa kanya. Agad akong tiningnan nito mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo, turn upside down lang drama ni beks. Nailang naman daw si ako.



"Siya na ba? Ang sabi mo napaka-pangit at hindi kaakit-akit kaya kailangan ng todong make over. Mukhang kabaligtaran naman ang nakikita ko." Sinulyapan ako uli ni bakla. Um-oo rin ang dalawang kasama nito. Agad naman akong namula sa inis dahil sa pinagsasabi ni Troy sa mga baklang 'to. Ha! Ganun pala ang tingin niya sa akin, pwes humanda ka! Pansin kong hindi sumagot si Troy at alam kong alam niya ang galit na nararamdaman ko. Kaya lalo akong naasar, napatakip pa ito ng bibig na parang pinigilan ang matawa. Tumikhim ito para siguro mapigilan ang mapangisi.





"Hmm Angel yes siya nga, Rhianon ang pangalan niya at gawin niyo ang makakaya niyo para magmukha siyang....." Tiningnan muna ako. Langya talaga hindi man lang kami pormal na ipakilala.






"Tao kahit papano." Akmang babanatan ko na siya pero agad akong hinila ng mga bakla paakyat sa taas. Nilingon ko ang chanak, ayun napakalawak ng ngisi talo pa ang sahara desert sa sobrang lapad. Pumasok kami sa bakanteng kwarto at pinaupo sa harap ng salamin. Nakahanda na ang kanilang gagamitin.


TriaLove Encounter [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu