Chapter 20

2 0 0
                                    


O

kay


Kite Manalo's Point of View

"Congratulations, Kite!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Gail sabay lapit sa hinihigaan ko.

"Thank God!" Dagdag nya pa. Yakap na ako.

"Erp, Sa wakas!" Si Kenneth. Yumakap din saakin.

"Ate," si Axiell at Univiel kasama na si Cooper. Lumapit sila saakin at yumakap.

"Anak," si Nanay at Tatay.

"Tay, 'nay..." niyakap ko sila ng mahigpit at hinalikan si pisngi.

"Salamat sa diyos, anak." Ani tatay.

"Opo 'tay, salamat din ho sainyo." Sabi ko sabay ngiti.

Ang huling lumapit ay sina Clyde at Kieffer.

"Survivor!!" Si Kieffer sa makabasag pinggan na sigaw.

"What the–" hindi natuloy ni Clyde ang bulaslas sana kay Kieffer nang mapansing naandito si nanay at tatay. Maging si Cooper na inosenteng nakatingin saamin.

"Congrats Survivor!" Niyakap ako ni Kieffer.

"Salamat, Kif."

"Congratulations to you, Kite." Ani Clyde. Niyakap din ako.

Nang matapos ang batian ay muli ko 'pang inilibot ang paningin ko.

Parang may kulang...

"Nay, asan ho si Sky?" Tanong ko.

"Ah.. anak, may pinuntahan lang si Sky. Pabalik na 'rin yon." Sabi ni Nanay.

Nakaramdam ako ng lungkot pero hinayaan ko nalang.

I belive in Sky.

I have to.

Lumipas ang mga araw hanggang sa naging taon. Walang Sky na nag pakita. Hindi ko man lang sya napasalamatan. Hindi nya man lang ako hinayaang mahalin sya sa paraang kaya ko na. Hindi tulad noong tatlong taon na ang nakakalipas. Halos nasa ospital lang ako.

Si Clyde at Kieffer nasa ibang bansa. Parehas international chef. Si Gail naman may sarili ng hotel. Si Kenneth nag patayo ng mga convinience store sa ibat-ibang lugar ng bansa. Maging sa ibang bansa.

Ang dalawa 'kong kapatid na babae mag ko-kolehiyo na. Si Cooper ilang taon nalang graduate na sa elementary.

Hayyy.

Ang daming nangyari pero iisang tao lang ang nag papabuhay ng kuryosidad ko.

"Ma'am you have a meeting with a big client. Later po at 3PM." Sabi ni Beth. Secretary ko.

Well, may sarili na 'kong restaurant. Sa panahon ba naman na gumaling na'ko mas nag pursige na'ko mag trabaho dahil namiss ko 'yun. Nabigyan ko na ng hanap buhay, kotse at bahay ang mga magulang ko.

I must say, Im proud of myself. Salamat kay Sky. He's my inspiration throughout the process of my full recovery. Kahit pa walang nakakasagot sa tanong ko dahil sila hindi alam 'kung nasaan si Sky, hindi pa 'rin ako nawawalan ng pag asa.

I can't just forget him. Sya ang dahilan 'kung nasaan ako ngayon.

"Dito nalang kami sa office mag uusap. Kindly say that to the client." Sabi ko pa.

"Yes, ma'am." Aalis na sana ang sekretarya ko nang muli ko syang tinawag.

"Ma'am?"

"How big is this client?" Hindi naman ako mapili sa kliyente na gusto ang tulong ko. Bigla nanaman kasing nabuhay ay kuryosidad ko.

My Kite, My Life, Im Sorry.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon