Chapter 11

4 0 0
                                    

Second Step for your, Trust.


NANG makarating kami sa tapat ng bahay ay huminto na ang sasakyan. Bumaling ako kay Sky na nakatitig din pala saakin, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko, parang naiihi ako sa mga titig nyang kakaiba. Ganito ba talaga ang pakiramdam? Pakiramdam ng ano? H-hindi pa naman ako inlove sakanya ah? Am i starting to like him?

Tumikhim si Clyde na gising na pala.

Napa ayos ako ng upo at iniwas ang tingin kay Sky.

"Nandito na tayo pre, hatid na natin si Kite. Baka hinahanap na sya ng mga magulang nya." Ani Clyde. Kaya naman binuksan ko na ang pinto ng backseat at lumabas, sumunod naman si Sky na dala pa rin ang backpack ko.

"S-salamat. Okay na ako dito, mauna na kayo habang hindi pa ganun ka lakas ang ulan–"

"I want to talk to your parents." :O A-ano daw? P-parents? T-talk? As in Usap?

Umiling ako ng paulit ulit bago tinignan si Sky ng may pag aalangan.

Masyadong pang mabilis ang lahat.

"H-hindi na muna, siguro. Ma-masyado pa kasing mabilis ang lahat, a-ako nalang ang bahalang mag pa alam kina Nanay at Tatay." Nang masabi ko 'yon ay nag baba ng tingin si Sky. Nang iangat nya ang paningin saakin ay na guilty ako. Masyado itong malungkot at para bang nawalan sya ng pag asang maabot ang bagay na inaasam.

Dahil doon ay binawi ko ang sinabi ko.

"Tara na nga!"  Agap 'kong sagot.

Kumislap ang mga mata nya at 'yon ang kinatawa ko. Para syang batang nabilhan laruan sa itsura nya.

"Yes! Let's go, they need to know how much i like you." Para nanamang tibambol ang puso ko.

Isang Sebastian Sky Romero.. liligawan ako..

Parang kahapon lang 'kung gaano ko sya kinaiinisan. Para 'bang nasisira ang bawat umaga ko kapag nakakasalubong ko sya sa campus. Ngayon ay parang nag iba ang lahat ng negatibong tingin ko sakanya, noon. Parang ang dating Kite Manalo na masungit, naiirita sa isang Sebastian Sky.. lahat lahat na! Parang 90% ng pag ka masungit ko ay nawala bigla.

"Ehem." Na tauhan ako nang biglang tumikhim si Tatay.

Nasa sala na pala kami habang kaharap sina Nanay at Tatay. Bali sa isang mahabang sofa ay Si, Clyde, Sky at ako. Ang parehong magulang ko naman ay nasa tig isang single sofa. Wala si Kieffer dahil tulog pa sa sasakyan.

"Pangalan?" Tatay.

"Sebastian Sky Romero, Sir." Pakilala ni Sky.

"Gusto 'mong ligawan ang anak ko?" Tatay.

"Yes, Sir." Parang wala man lang halong kaba ang pakakasabi nya 'non.

"Bakit ang anak ko?" Pag papatuloy pa ni Tatay.

"She's different po sa ibang babae. She makes my heart flutter everytime na nakaka salubong ko sya sa hallway ng University. And gagawin ko ho lahat, just to get her. Lahat lahat, Sir." Ang dibdib ko..

My Kite, My Life, Im Sorry.Where stories live. Discover now