Chapter 6

7 0 0
                                    

Rewrite the Stars



"TARA, PASOK KA." Sabi ko nang ilang segundong titigan namin ni Sky. Kahit pa bahid ako ng pagtataka, pati si Kenneth hindi alam ang rason para bumisita si Sky. Wala naman syang pinag sabihan, hindi ba?

"A-ah, yeah." Pag sang-ayon ni Sky. Lalo ko tuloy napatunayan na ako nga ang sadya nya dito.

Pinaupo ko sya sa upuang nasa gilid ng kama, nakatayo naman si Kenneth sa harapan namin. A moment of silence when Sky spoke.

"Ahm K-kite, f-flowers.." Ani Sky na nag aalinlangan pa.

"Salamat." Kinuha ko ang bulaklak at inilagay sa vase na may lumang bulaklak, inalis ko ito at ipinalit ang bago. Naupo na ulit ako at pinilit na mag salita.

"Anong ginagawa mo dito?"

Bahagya syang nagulat, mukha kasing malalim ang iniisip nya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri.

"G-glaida told me y-you're here." Matik na nanlaki ang mata ko! Dahil ano namang kinalaman ni Glaida saakin? Kapatid nya lang naman ang bestfriend ko!

Napalingon ako kay Kenneth nang tumikhim sya,

"S-sinabi ko kay Gail na na-ospital ka. Hindi ko naman akalain na pati kay Glaida sasabihin nya." Though hindi naman kilala ni Kenneth si Glaida, he still managed to tell the truth.

"Kung sinabi man sa'yo ni Glaida, ano namang kinalaman mo saakin? Kung ma-osptial man ako problema na namin yun, hindi ko inexpect na dadalaw ka? Napapadalas ang pag pa papansin mo Mr. Romero." Bahid ng taray na sabi ko kay Sky.

"Ha! When Glaida told me that you're here, i didn't even looked at her while she's talking shits!"

"Napaka indenial mo. Para saan ang bulaklak?"

"N-nalaman ni Gail na s-sinabi ni Glaida saakin y-yung nangyari s-sa'yo. Sakanya g-galing ang b-bulaklak, hindi saakin. Pinabibigay sa'yo." Utal utal na paliwanag ni Sky.

Hindi ako naniniwala sa pinag sasabi nito, kaya tumango nalang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang pumasok ang Doctor kasama si Nanay. Agad na dumapo ang tingin ni Nanay kay Sky, napatayo ako agad pati na rin si Sky.

"G-goodafternoon, Doc." Bati ni Kenneth sa doctor.

"Goodafternoon. Uhm, Miss Kite? We have to check you today, dahil bukas mag s start ang pag papa opera sa'yo. If you're still not ready, you can have a talk with your Parents muna. Excuse me." Ani doc at lumabas na ng kuwarto.

Natahimik ang lahat ng mawala ng tuluyan ang doctor. Nakatingin pa rin si Nanay kay Sky kaya naman ako na ang unang bumasag sa katahimikan

"Ah.. Nay, si Sky nga pala. Ka batch mate ko. Dumalaw raw sya." Ani ko habang dinaramdam ang kabog ng puso ko.

Bahagya akong napaupo dahil sumakit ito bigla,

"Oh.." Sky.

"Oh, Kite..." ani Kenneth habang alalay ako.

"Anak.." Nanay.

"O-okay lang, okay lang–"

"I'll go ahead." Iwas tingin na sinabi ni Sky.

"U-uhm, T-tita.." paalam pa nya kay Nanay at hindi alam 'kung mag mamano ba o mag be beso. Natawa si Kenneth sa parang tangang reaksyon ni Sky, tinaliman ni Sky ang titig kay Kenneth kaya napa taas nalang ng kilay si Ken at iniwas ang tingin.

"Bye, Kite. G-get well.." Nakayukong sabi ni Sky

"S-sige, salamat sa pag dalaw at sa b-bulakak.." Bigla ay napabaling ako sa gulat na mukha ni Nanay.

My Kite, My Life, Im Sorry.Where stories live. Discover now