Chapter 7

3 0 0
                                    

Mysterious Boquet

ISANG LINGGO ang itinagal ko sa ospital. Nakausap ni Nanay at Tatay ang doctor at sumang ayon ito dahil biglaan nga naman ang desisyon sa pag papaopera. Risky din raw ang operasyon kaya minabuting pag usapan na muna ito ng maayos.

Maraming hinabilin ang doctor bago ako ma discharge sa ospital. Nung araw na nag usap kami ni Nanay tungkol sa pag papaopera ay sya 'ring araw na sinabi ni Nanay kay Tatay ang desisyon ko. Nag kausap kami ni Tatay kinabukasan at pumayag sya sa gusto ko, kahit kita ko ang pag tutol at pag aalala sa mga mata ni Tatay ay nirespeto nya pa rin ang desisyon ko.

Nang makauwi ay sinalubong ako ni Axiell, Univiel at Cooper. Bitbit ni Axy si Cooper, mukhang kakatapos lang maligo dahil naka balot ito ng twalya at basang basa.

"Ate!" Bungad ni Cooper habang ang parehong braso ay parang gusto akong yakapin.

Binaba ni Axy si Cooper kaya naman agad tumakbo si Cooper saakin habang naka alalay sa tuwalyang naka palupot sakanya.

"Hmmm. Ang bango bango naman ng baby na yan!" Sabi ko nang mabuhat si Cooper at inamoy amoy sya.

"Ate, nag luto si ate Axy ng pansit. Kain na tayo." Ani Univiel nang mapasa ko sakanya si Cooper.

"Pagbihisin na muna si bunso bago kumain." Ani Tatay kaya naman dinala na sya ni Viel sa kuwarto nila Nanay at Tatay.

Dumiretso ako sa lababo para mag hugas ng kamay at nang matapos ay umupo na sa upuan katapat ng hapag.
May mga naka handa ng plato at pansit bato na niluto ni Axy. Mayroon 'ding isang pitchel ng mango-orange juice. Mahilig si Cooper dito kaya malamang eto na rin ang binili nila.
May isang pa rolyo naman na cake na galing sa local na bakery dito saamin, ube ang flavor at ito ang paborito ko.

MASAYA kaming nag kwentuhan, buong pamilya. Tuwang tuwa sina Nanay at Tatay, ang mga kamay ni Nanay na nakapatong sa lamesa ay hinawakan ko. Napalingon sya saakin at nandoon pa rin ang ngiti sa mga labi, napalitan agad iyon ng pagtataka. Bigla ay nginitian ko sya ng isang sinserong ngiti. Bahid iyon ng pasasalamat kaya naman marahang tumango si Nanay at iniabot saakin ang ube na cake at inilapag iyon sa tapat ko. Ganoon din ang ginawa ko kay Tatay na nasa harapan ko, ipinatong ko ang kamay ko sa likod ng kanyang palad at nakangiti syang nag tataka kaya naman nginitian ko din sya ng isang sinserong ngiti. Bumaling sya kay Nanay na pinagmamasdan kaming dalawa kaya naman lumaylay ang balikat ni Tatay at marahang lumingon saakin at pansin ko ang pag lamlam ng mga mata nya. Pinisil ni Tatay ang kamay ko ng bahagya. Tumango ako at sinimulan ulit ang pag kain.

Nang matapos ang lahat ay nag ligpit na si Viel ng pinag kainan. Ako dapat ang mag aasikaso ngunit pare parehong tumanggi sina Nanay, Tatay, Axiell at Viel. Si Cooper naman ay hinila ang laylayan ng tshirt ko at ngumuso. Alam ko ring ayaw ni Cooper kaya kinarga ko sya at sinama sa loob ng kuwarto ko.

"Ate," Cooper.

"Hmm, bakit?" Ani ko ng makalabas sa banyo dahil sa nag palit ako ng damit. Blue t-shirt at white shorts.

"May dating kanina lalaki." Ani Cooper sa pang baby pa na boses.

Pero, lalake? Dumating?

Nagulat ako sa sinabi nya ngunit pinag patuloy ko lang si Cooper habang nagtitiklop ng mga damit na dinala nila Nanay sa ospital na hindi nagamit.

My Kite, My Life, Im Sorry.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora