Chapter 2

7 0 0
                                    

Glance

PAG GISING ay dahan dahan akong bumangon dahil mahimbing pa ang tulog ni cooper. Kinuha ko muna ang android 'kong cellphone para tignan ang oras, 6:27 am.

Masyado pa'ng maaga dahil alas nuebe ang pasok ko, depende pa rin minsan sa schedule dahil 'kung sa recess ay sa library na ako kumakain.

Pinayagan naman ako ng dean ng university dahil tuwing recess ay mas madalas ang mga studyanteng hindi na nakaka kain dahil sa kaka aral, madalas taranta dahil sa pag mamadali 'kung kaya't halo halo na ang mga libro sa ibat ibang shelves at naka patong nalang ang ibang libro sa lamesa.

Ginagawan naman ng paraan ng unibersidad ang ukol dito, para na rin sa ika bubuti ng mga studyante lalo nat mga kolehiyo na, hindi talaga puwedeng pa palpak palpak.

Tumayo na ako sa pag kakaupo at uminat saglit saka pumasok sa banyo para mag palit ng damit. Pagka palit ay nag hilamos na ako, pag labas ko mula sa banyo ay nadatnan ko si cooper na naaalimpungatan. Kaya naman tinapik tapik ko muna sya bago lumabas ng kwarto.

Pag labas ay nadatnan ko si nanay na nag hahanda ng almusal kasama si axy, kadalasan ay kaming apat lang nila nanay, tatay at ni axy ang nag a almusal dahil si viel ay panghapon pa naman ang pasok sa skwelahan. Si axy naman ay alas siete ang pasok kaya maaga din.

"Goodmorning axy, nay.." bati ko sakanila.

"Goodmorning, ate!" Nakangiting sagot ni axy.

Napa baling naman ako kay nanay na walang imik habang nag titimpla ng kape.

"Nay," tawag pansin ko sakanya.

"Mmm." Ayan lang ang sagot nya matapos ko syang halikan sa pisngi.

"Axy, hindi kapa ba ma le late sa klase mo?" Pag papa bago ko sa ka awkward-an na nangyayari sa pagitan namin ni nanay.

"Hindi pa naman ate, naka uniform naman na ako. Tsaka balita ko hindi papasok yung teacher namin sa unang subject." Ani axy.

"Nako, huwag ka nga mag padala sa balita balita na yan axiell. Dalian mo na at kumain, baka mahuli ka sa klase at mag iba ang balitang nasagap mo." Sabat ni nanay.

"Opo, nay." Nakayukong sabi ni axy.

TAHIMIK lang ang agahang naganap. Kahit si tatay ay hindi masyado umiimik, baka na rin siguro sa kawalan ng pasada. Si nanay naman ay ka aalis lang sa hapag para mag labada, si axy ay nag aayos na ng pinag kainan at papasok na rin sa skwelahan.

"Kite anak," tawag saakin ni tatay.

"Ho?"

"Ako na ang bahala sa mga hugasin. Mag asikaso kana din pag pasok sa skwela, mamaya ay may trabaho ka nananaman. Baka mapagod ka ng sobra." Sinserong saad ni tatay.

"S-sige ho tay, maliligo na po ako."

Kinuha ko na ang twalyang naka sampay sa bakuran namin at dumiretso na sa kwarto upang ayusin ang mga dadalhin ko sa skwelahan.

Titignan ko rin 'kung gising na si cooper dahil kailangan nya na mag agahan, si viel naman ay nasa hapag na.

Pag bukas ng pinto ay bumungad saakin si cooper na kaka bangon lang mula sa higaan, habang ang tsupon ay nasa isang kamay nya.

My Kite, My Life, Im Sorry.Där berättelser lever. Upptäck nu