Chapter 8

7 0 0
                                    

Was it you?

NAGISING ako dahil sa ingay na nagmumula sa kusina. Buhok ay buhaghag, bit bit ang unan ay lumabas ako ng kuwarto. Ramdam ko pa rin ang pagod at panghihina, dahil siguro kalalabas ko pa lang ng ospital kahapon.

"Nay?! Ang ingay ho, natutulog pa ako ho a–" dumapo ang paningin ko sa pigura ng babaeng naka talikod saakin, at nakaharap sa hapag.

"Oh anak, nandito si–"

Bigla ay humarap ang babaeng may pamilyar na pigura.

"Katey!!!!" Gail. Bigla ay niyakap nya ako, harang ang unan na dala ko kaya bahagya ko syang itinulak at nilapag ang unan sa single sofa.

"Ang Ingay mong babae ka! Kagabi ka pa sa telepono, pati ba naman sa umaga." Singhal ko kay Gail at sabay na naupo sa harap ng hapag.

"Hihi, iloveyoutoo Katey girl!" Ani nya at kinagat ang hotdog na nasa tinidor.

"Napadaan ka?" Tanong ko sakanya at nag salok ng sinangag sa sariling plato.

"Duh! I told you kagabi na dadaan ako sa house nyo!" 

"Ahh uur rnga para" Sabi ko habang puno ang bibig ko ng kanin.

"Ay, Katey girl! Ano nga pala yung sinasabi mo tungkol sa flowers kagabi? The one that we're usap about. Who gave you that pala?" Bigla ay nabulunan ako! Ewan ko ba, letche naman oh.

Umuubo akong sinenyasan si Gail para abutan ako ng tubig.

"Yieee!! Omg! Bakit you nabulunan? Porque na banggit ko yung flowers ha!" Pang asar ni Gail matapos i abot saakin ang isang basong tubig.

"Big– ehem, la ka ehem kasi nag– ehem bubukas ng– ehem topic!" Singhal ko habang marahan na minamasahe ang dibdib ko.

"Hihi sorry! So, what na nga? Kanino galing yung bulaklak?"

Lumapit ako ng bahagya kay Gail at bumulong.

"Shh! Baka marinig ka ni Nanay. Alam nya kasing galing sayo yung boquet nung pink roses."

"Ay hihi, okayy" napairap nalang ako sa sobrang ka pabebe-han ni Gail.

"So, sa tingin mo.. kanino galing yung flowers?" Bulong ni Gail habang bumabaling sa likod nya kung saan nandon si Nanay, nag lalaba sa tapat ng pinto.

"T-tingin ko..."

"Tingin mo?..." pang gagaya ni Gail.

"Kay ano..." naiilang 'kong pag amin.

"Kay?...–"

"Wag ka ngang gaya ng gaya! Nahihirapan na nga ako mag salita oh." Inis kong tugon.

"You're so tagal kasi! Psh–"

"Tingin ko galing kay Sky yung bulaklak.." Nakakahiya! Bakit ba kasi yun yung naisip ko?! Well, ayun naman talaga yung namumuong sagot saakin mula pa kagabi.

Nahulog ni Gail ang kubyertos habang nakatitig saakin.

"B-bakit?"

My Kite, My Life, Im Sorry.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon