Chapter 19

1 0 0
                                    


     Im Sorry

Eto ang huling araw, o-operahan na'ko bukas. Nag uusap sina nanay at tatay kasama ang mga doctor na pinakisuyuan ni Sky. Mapag kakatiwalaan daw itong family doctor nila. Hindi na ako tumanggi dahil sobra sobra na ang ginagawa nya para saakin at para saamin.

"Sky, babayaran namin 'to lahat. Marami salamat." Sabi ko kay Sky kanina lang bago sya umalis at kausapin ang family doctor nya.

"Don't think about that, ang importante ay ang gumaling ka. That'll be your payment." Hindi ko mawari 'kung nagbibiro ba sya o ano.

"Seryoso ako, Sky. Babayaran kita." Kunot-noo 'kong sabi.

"Im serious to, love. Be safe till the operation ends, because that'll be your payment for all what I did." Sya naman ngayon ang seryoso.

Natawa ako sa reaksyon nya.

"Patient number five, we'll start the operation today. Time check, 8:00 am." Sabi ng babaeng nurse na mag a-assist saakin patungong operating room.

"Anak, kaya mo ito. Kasama mo kami, ha? Dito lang kami anak..." sabi ni nanay habang hawak ang kamay ko.

Dahan-dahan ang tulak ng mga nurse sa stretcher na kinahihigaan ko. Nakasunod naman sina nanay at tatay saamin. Pati si Sky.

Ngalang, tahimik itong manliligaw ko.

"Pst," tawag ko kay Sky.

"Hmm," lumingon sya saakin. Nakataas ang kilay.

"Tahimik mo ah. Di mo ba 'ko kakausapin?" Gusto ko pa sana mag biro kaso masyadong mabigat ang atmosphere kina nanay at tatay. Pati na 'rin kay Sky.

"W-Wag mo'ko iiwan h-ha? Please... be s-safe." Nagsusumamong ani ni Sky.

Tumango ako.

Nang nasa tapat na kami ng OR hinalikan muna ako ni nanay at tatay sa nuo. Si Sky naman tulala pa 'rin.

Pinalapit ko sya,

Yumuko sya saakin, hinalikan ko ang noo nya.

Nanlaki ang mga mata nya. Gusto 'kong matawa dahil namula na 'rin sya.

"Ba-bye..." paalam ko sabay kaway.

Lumuha sya at bigla akong niyakap,

"I love you," bulong nya habang humahagulhol.

"Sky..." hindi ko alam 'kung anong ekspresyon ang nararapat 'kong ipakita!

Tuluyan na'kong pinasok sa OR. Kinausap lang ako saglit ng doctor bago tinurukan ng anesthesia.

Mulat ako nang dalhin dito ngunit lumipas ang minuto, bumigat ang talukap ko.

"I love you, too..."

Sky Romero's Point of View

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sampal ni Mommy.

"How dare you do this to me, Seb!" Galit na sigaw nya.

"Cloudine, stop it!" Pigil ni Daddy kay Mommy.

"M-Mom tama na po," pigil din ni Ate Cloudia. Our eldest.

"No, No! I wont let you use MY money na nasa account mo! For that trash? Really, Sebastian? I don't even know that girl!" Lalo 'pang lumakas ang boses ni Mommy. Nag echo 'yon sa buong living room ng mansyon.

"Okay, okay! Edi huwag! Just don't... don't call her a t-trash!" Napipiyok 'kong sabi.

"My goodness, Sebastian! You're crying over that girl?!"

My Kite, My Life, Im Sorry.Where stories live. Discover now