Maganda nga dito, tahimik...

"You know, pwede ka namang magkwento. I'll listen."

"And why would I?! Hindi nga kita kilala eh,"

"Hindi mo naman ako kailangang kilalanin pero mapapagkatiwalaan mo ako. Atsaka wala namang masama kung malalaman ko 'yung hinanakit mo. Mas maganda kasing ilabas mo 'yan, para hindi mabigat sa loob."

I looked at him, "Dami mong alam."

"Yeah, right."

"Basta...papaikliin ko na lang."

"Sure,"

PInaglaruan ko ang mga daliri ko bago ako magsalita,

"Si mommy kasi, nagalit siya sa'kin kanina. Nalaman niya nang binu-bully ako sa school. Sabi niya, bakit daw hinahayaan ko ang sarili ko na tapakan ng iba? Hindi naman daw ako gan'on. Kasi pinalaki niya akong ako ang nambu-bully. 'Yun ang ginagawa ko lagi sa school dati. Pero dahil sa isang friend ko, nagbago ako. Good influence siya sa'kin. Nag-sorry ako sa mga classmates ko especially doon sa mga na-bully ko nang husto. And ayun, akala ko okay na...pero hindi pa pala. Naging baliktad 'yung situation. Ako na 'yung pinagkakaisahan ngayon tapos ayun nga, nalaman ni mommy na nadulas ako sa cafeteria at pinagtawanan ako ng mga tao. Pero sa isip-isip ko, deserve ko rin 'yun. Dapat maramdaman ko kung ano 'yung naramdaman ng mga taong nasaktan ko. At dahil doon, nagkaaway kami ni mommy. Nagkasagutan kami hanggang sa sampalin niya ako. 'Yun ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Kahit na sanay na akong pinapagalitan niya lagi ako, nasaktan pa rin ako lalo nung sinampal niya ako. Feeling ko siya na 'yung pinaka walang kwentang ina sa buong mundo. Ang hirap niyang pakisamahan. Napaka perfectionist niya, gusto niyang sundin ko lahat ng inuutos niya or should I say, kinokontrol niya ang buhay ko. Gusto niya akong palakihin na isang perfect na tao. Konting mali, sobrang magagalit na siya. Kung hindi nga lang para kay daddy, baka matagal na akong lumayas. Ayoko rin naman siyang makipaghiwalay kasi ayokong maging malungkot si daddy lalo na't may sakit pa siya sa puso. Alam kong mahal na mahal ni daddy ang bruhang 'yon kaya hindi ako nagsusumbong sa kanya about sa mga ginagawa ni mommy sa'kin." I took a deep breath, "Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Patagal nang patagal, lalong hindi ko na kinakayang makita siya. Imposible namang hindi ko siya makikita kahit isang araw kasi magkasama lang kami sa iisang bahay tapos minsan, nakikita ko siya sa school. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko na kayang tiisin ang mga ginagawa niya sa'kin. Ang hirap...nahihirapan na ako."

"Do you believe in God?"

Huh? Bakit 'yun lang sinabi niya?

"Hindi, kasi kung totoo man siya, bakit ganito ang buhay ko? Mayaman nga pero hindi naman ako masaya. Bakit gan'ong klaseng mommy ang binigay niya sa'kin? Bakit sa lahat ng magkakasakit sa puso, si dad pa?"

"Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagsubok kung hindi mo naman 'to kaya. Try talking to him. Sabihin mo lahat ng hinanakit mo at ipagdasal mo na sana maging maayos na. I'm sure, God will listen to you."

Tiningnan ko siya, "Wala namang mawawala kung paniniwalaan ko siya diba? Sa tingin mo, papakinggan niya ako?"

"Just trust him."

♥~♥~♥

The next day...

Angel's POV

Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil male-late na ako sa first class ko. Nasira kasi 'yung gripo kanina sa may CR namin kaya hindi agad ako nakatapos ng paliligo. At siguradong magagalit si Silver sa'kin kasi pinaghingtay ko siya.

"Silver, sorry talaga! Eh kasi 'yung ano--" Huh? Wala siya?

Sinilip ko 'yung kotse niya sa bahay nila pero wala na ito.

Ibig sabihin, iniwanan niya ako?

Galit pa rin ba siya hanggang ngayon?

"Oh ano? Iniwan ka na ni Silver?" sabi ni kuya sa'kin nang madatnan niya ako sa labas. "Malamang nainip na 'yun kahihintay sa'yo. Parehas pa yata kayo ng oras ng klase. Siguradong aalis na talaga 'yun."

"'Yun ang naiisip mo, kuya?"

"Oo, ano pa ba sa tingin mo? Bakit ka naman niya iiwan?"

Oo nga naman. Baka masyado lang akong napa-praning.

Pero hindi, tama ang hinala ko.

Dahil pagpunta ko sa BRU at pagkatapos ng ilang subject ko ay lumabas ako para kausapin siya.

Pero iba ang nadatnan ko.

Parang may kung anong kirot sa dibdib ko nang mahuli ko siyang kasama si Lala sa cafeteria.

Silver, anong ginagawa mo?

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now